Advertisement

article

FIRST READ ON PEP: Joey de Leon and Willie Revillame bury the hatchet


 
Joey de Leon (left) and Willie Revillame (right) both showed up at the first-ever Supreme To The Extreme Award of Philippine STAR last night, October 17, at Embassy Super Club. It was there that the two TV hosts-comedians patched up their differences by cracking jokes at each other.

FIRST READ ON PEP: Joey de Leon and Willie Revillame bury the hatchet

Rose Garcia

Rating

  • Bookmark and Share


Parehong dumalo ang TV hosts at comedians na sina Joey de Leon at Willie Revillame sa kauna-unahang Supreme To The Extreme Award ng Philippine STAR na ginanap kagabi, October 17, sa Embassy Super Club sa The Fort, Taguig City. Parehong nominado sa magkaibang kategorya sina Joey at Willie.

 

Bago pa man pumasok sa loob ng Embassy Bar si Willie, tila may ideya na ang Wowowee host na posible silang magkita ng madalas niyang kapatutsadahan na si Joey de Leon, na co-host naman ng katapat niyang programa na Eat Bulaga.

 

Pero nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Willie, nakahanda na raw siya at welcome sa kanya kung sakali at magkasabay man sila ni Joey sa stage.

 

True enough, nang tawagin na ang pangalan ni Willie bilang winner sa kategoryang Televisionary Award, buong-ningning niyang ibinahagi ang napanalunang trophy kay Joey. Ang naturang award ay iginagawad sa isang TV personality na naging daan upang mabago at magkaroon ng ibang anyo at buhay ang telebisyon.

 

Si Joey at that time ay nasa kaliwang bahagi malapit sa stage, kasama ang dalawa niyang anak na sina Jaco at Jocas de Leon. Si Willie naman ay nanggaling sa kanang bahagi ng stage.

 

Ayon sa thank-you speech ni Willie pagkatanggap nito ng kanyang trophy, "I would like to share this award to a supreme talent, supreme icon, my idol, Mr. Joey de Leon. I share this award [with] you."

 

Sa puntong ito, tumayo na sa kanyang kinauupuan si Joey at sumenyas kay Willie.

 

"Tito Joey! Alam n'yo, lambingan lang naman namin yung sa TV," natatawang sabi ni Willie. "Lambingan lang namin yun. Alam n'yo, tinulungan ako ng taong ‘yan [noong] nagsisimula pa lang ako. Ako ang sidekick niya sa pelikulang Barbie. Kinuha rin nila ako ni Vic Sotto sa pelikulang Sam and Miguel.

 

"Akala n'yo, ganoon lang, nag-aaway kami, hindi ho, yun ay patutsadahan lang, lambingan. Si Mr. Joey de Leon, I admire this guy so much. Maliit pa lang ho ako, nasa telebisyon na siya. Siya ang ginagaya ko. Tito Joey!" sigaw ulit ni Willie kay Joey.

 

Sa puntong ito, sumigaw si Joey at pabirong sinabi kay Willie na, "Pahinging pera!" at nagpalakpakan ang karamihan at nagtawanan.

 

Sagot naman ni Willie sa sinabi ni Joey, "Sumama ka sa akin sa yate ko at dalhin mo ang mga babae mo!"

 

Pero sinenyasan ni Joey si Willie na kasama niya ang dalagang anak na si Jocas.

 

Sabi ni Willie, "Ah, anak mo! O, lolo ka na! Lolo na ako! Bukas naman purihin mo naman ako sa Eat Bulaga!"

 

Lalong nagpalakpakan ang mga tao at nagsigawan. Pero dugtong ni Willie habang tumatawa, "Sa Tuesday, banatan mo na ulit ako!"

 

Sa puntong ito ay umakyat na rin sa stage si Joey at tumabi kay Willie.

 

Si Tim Yap, na siyang may idea ng naturang awards night, ay masayang-masaya sa nangyaring reconciliation ng dalawang komedyante at TV hosts. "Naku, historical na ‘to! Dito lang nangyari ‘to sa Supreme!" sabi ni Willie.

 

Pagbaba nina Joey at Willie, pinalibutan na agad sila ng TV crew from different talk shows at maging ng PEP.

 

"Pasalamat tayo kay Tim at sa Supreme. Tama ang sabi ni Willie, mga tuksuhan lang ‘yan. Kaya lang, yung dalawang co-hosts mo [to Willie], paliwanag muna nila kung bakit nakikiiyak sa ‘yo?" biro ni Joey na ikinatawa ng lahat.

 

Sagot naman ni Willie, "Alam n'yo naman kami, artista! Ikaw nga ang nagturo sa akin niyan. Pero alam mo, hindi ba na-suspend ako, pero noong na-suspend ka, nakidalamhati rin ako!"

 

Hirit ni Joey, "Talaga? O sige, pengeng pera!" na ikinatawa ni Willie.

 



Pages: 1  2  Next »


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share Email this link
Show/Hide
Comments
312 Comments
page    1    2    3    4    5    6    7   
pagelocation: news
Login to All Access to use PEP Talk

Elsewhere