"Naiinis lang kasi after 20 years, ngayon lang siya nagkonsulta
sa abogado. E, naaalala ko nga, that time na mag-asawa siya
at mabuntis siya, wala na siyang offer, wala na siyang trabaho. Inaalagaan ko
lang ang future nila. The same way na bata pa lang ‘yan, inaalagaan ko na,
hanggang sa pag-aasawa," says Alfie Lorenzo about Judy Ann Santos.
Alfie Lorenzo: "Hindi naman ako pulubi nang madampot ni Juday. Siya ang pulubi nang madampot ko."
Sunday, October 19, 2008
11:25 AM
Rating
Nagpa-interview na ang talent manager at entertainment columnist na si Alfie Lorenzo sa Startalk na ipinalabas kahapon, October 18. Ito ay kaugnay sa isyu ng hindi nila pag-uusap at pagkakasundo ng alaga niya for 20 years na si Judy Ann Santos.
May kaugnayan ito sa hindi pa pagre-renew at pagpirma ni Judy Ann ng kontrata sa ABS-CBN. Kailangan pa raw kasi ng aktres na ikonsulta sa kanyang lawyer ang naturang kontrata. Isang bagay, na ayon kay Alfie, ay hindi naman naganap sa mahabang taon ng pagiging talent-manager nila.
"Naiinis lang kasi after 20 years, ngayon lang siya nagkonsulta sa abogado," himutok ni Alfie. "E, naaalala ko nga, that time na mag-asawa siya at mabuntis siya, wala na siyang offer, wala na siyang trabaho. Inaalagaan ko lang ang future nila. The same way na bata pa lang ‘yan, inaalagaan ko na, hanggang sa pag-aasawa. Siyempre, wala naman akong tutol sa kanila ni Ryan and, in fact, I appreciate Ryan's gesture na hindi naman siya nakikialam sa career ni Juday."
Ayon kay Alfie, nakakuha naman daw siya ng better deal sa mother studio ni Juday by drawing a contract deal until 2011. Kasama rin daw na mabibiyayaan sa bagong kontrata ni Judy Ann si Ryan.
"May guarantee siya na kung mag-aaaral nga siya [Judy Ann] sa States ng Culinary Arts, may allowance siya. Kung halimbawa magtanan siya, magpakasal, mabuntis siya, may allowance siya. So I signed it at sabi ko, papirmahan n'yo na kay Juday.
"The whole day of Wednesday [October 8], wala siyang gagawin noon, victory party ng Kulam. After that, siguro mga two o' clock or three ‘o clock, puwede na siyang tumawid sa ABS, di ba? E, tumawag sa akin ang executive ng Dos na humihingi nga raw ng kopya [si Juday]. So, ni-meet nila si Juday. Sabi, ‘Bigyan n'yo ako ng kopya at ipakikita ko sa abogado ko,'" lahad ni Alfie.
Sa pagkakataong ito ay hindi na napigilan ni Alfie na ipaalala kay Juday ang kanyang pinagmulan. Maging ang mga hirap daw niya sa struggling years ni Juday ay nabanggit din ni Alfie.
"Wala pa naman si Judy Ann, nagsusugal na ako. Hindi naman ako pulubi nang madampot ni Juday. Siya ang pulubi nang madampot ko. Ngayon, she's a billionaire! Alalahanin na lang ni Juday yung 20 years na nakapila pa sila sa Cubao, na nagdyi-jeep lang. Hanggang sa naihanap ko sila ng apartment na ako pa rin minsan ang nag-aabono. Yung first van niya, ako pa rin ang nag-down no'n," pahayag ng talent manager.
Dagdag niya, hindi naman daw kabawasan sa kanya bilang talent manager kung mamuhay na nang tahimik si Juday sa piling ni Ryan. Nasabi na nga lang nito, "Well, I hope they become the first couple that will not separate in showbiz. Good luck! "
Dugtong pa niya, "Okay lang naman sa akin. Hindi naman ako na-devastate noong lahat sila... Nag-asawa si Sheryl Cruz, nag-asawa si Jackie Forster, nag-asawa si Ruffa Gutierrez, nag-asawa si Sunshine Cruz, okey lang yun, di ba? Marami pa namang matutuklasang talents. Stars come and go.
"Talagang ang mga artistang babae kapag—" Biglang na-bleep ang word ni Alfie. "Wala na...nawawala sila sa katinuan nila. Bahala na siya kung gusto pa niya ako or ang attorney niya."
Sa bandang huli, umaasa pa rin naman si Alfie na magkakaayos din sila ni Juday.
"Maaayos din naman yun... Dyusko!" sambit niya.
Nakausap din ng Startalk si Judy Ann at nagalit daw ito nang malaman ang isyu. Hindi naman daw sila nag-aaway ng kanyang manager. Nais muna ni Juday na magkausap sila para malinaw ang isyu. Ang hiling lang niya, sana raw ang pag-uusap nila ay maging pribado at huwag nang lumabas pa.
- Columnist-talent manager Alfie Lorenzo can't promise to stop bad habits after heart seizure
- Judy Ann Santos assures manager Alfie Lorenzo he is still part of her wedding plans
- Mother Lily hosts Alfie Lorenzo's 70th birthday party
- "The Buzz" TV crew members air their side on encounter with Alfie Lorenzo
- Talent manager Alfie Lorenzo lectures ABS-CBN TV crew, refuses interview
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Marian Rivera on working with Dingdong Dantes: "Mas tumindi kung ano man meron kami ni Dong. Hindi lang as partners...pati friendship namin."
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
- Saab Magalona enjoys playing a villainess in new series
- Liz Uy keeps mum about rumored romance with Ely Buendia; refuses to comment on PNoy-Grace Lee hookup
-
Couples
Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
Alice talks about the difficulties they encountered as married couple.
-
In Focus
John Lloyd Cruz chooses to keep silent about Shaina Magdayao
John Lloyd: "I am indeed better than ever."
-
Fashion
She reveals plan to put up a vintage store.
-
Television
AKTV and PBA heighten "Kampihan Na!" campaign for Commissioner's Cup
PBA continues its campaign of asking fans to be more vocal about their support for their favorite basketball teams.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
Advertisement

