Award-winning comedienne Eugene Domingo was pulled out by her manager, Ricky Gallardo, from two Regal movies and Metro Manila Film Festival entries—Shake, Rattle & Roll X and Desperadas 2—because of a disagreement.
FIRST READ ON PEP: Eugene Domingo pulled out from two Regal movies
Tuesday, October 21, 2008
11:21 PM
Sa pictorial ng 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Shake, Rattle & Roll X ng Regal Entertainment kanina, October 21, ay nakumpirma ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balita na wala na sa cast ng pelikula ang comedienne na si Eugene Domingo. Wala si Eugene sa pictorial, kung saan siya sana ang bida sa "Nieves" episode na ididirehe ni Mike Tuviera.
Sa paunang balita, hindi raw nagkasundo sina Mother Lily Monteverde at Ricky Gallardo, manager ni Eugene, dahil mahirap daw ka-deal si Ricky kaya inalis ang comedienne sa cast. Pero mang makausap ng PEP si Ricky, itinuwid nitong hindi inalis si Eugene sa cast; sila raw ang nag-backout.
Sabi ni Ricky, "Iba ang tinanggal sa hindi tinanggap. Hindi
namin tinanggap ang movie dahil hindi sila [Regal] tumupad sa pinagkasunduan. Ang
linaw-linaw ng usapan, maayos na ang lahat, ‘tapos binago pa. Ayaw naming
ma-stress kaya hindi na lang namin tinanggap.
"Ang pinag-usapan, pinapahalagahan, tinutupad. Walang magiging problema kung tinupad lang nila ang pinagkasunduan. Ganun lang kasimple," pahayag ng manager ni Eugene sa PEP through text message.
Sa side naman ng Regal, sa terms of payment hindi nagkasundo sina Mother Lily at Ricky. Pumayag na raw ang lady producer sa budget na hiningi nina Ricky at Eugene, pero wala pa ring nangyari sa usapan ng dalawang kampo. Ang ending, pinalitan na lang ang komedyana sa role ng isang encanto slayer sa Shake, Rattle & Roll X (SRRX).
Si Marian Rivera na ang ipinalit kay Eugene sa "Nieves" at si Mother Lily pa mismo ang nagbalita nito sa entertainment press.
DESPERADAS, TOO. Bukod sa SRRX ay tinanggal na rin si Eugene sa cast ng isa pang MMFF entry na Desperadas 2. Tiyak na ikadi-disappoint ni Direk Joel Lamangan ang pagkakaalis ni Eugene sa pelikula niya. Personal choice niya sana si Eugene sa role ng long-lost sister nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, at Marian.
Role ng isang prinsesa sa isang bansang malapit sa Africa ang gagampanan sana ni Eugene. Ikinukuwento pa ni Direk Joel na excited at natatawa na siya sa magiging partisipasyon sana sa pelikula ni Eugene.
Akala namin ay magagawan pa ng paraan na maibalik sa Desperadas 2 si Eugene, pero hindi na pumayag ang mga producer. Excited din sana si Eugene nang malaman ang kanyang role at may love interest pa siya sa pelikula. Isa pang ikinatuwa nito'y puro magaganda ang kanyang mga kasamang artista at "feeling beautiful" na rin daw siya.
Pero dahil sa nangyari, hindi na raw kukunin ng Regal si Eugene sa anumang pelikulang kanilang gagawin. In other words, banned siya sa film company at hindi na rin siya tuloy sa pelikulang Ang Nanay Kong Aswang. At kung co-producer ng GMA Films ang Regal sa second movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion ay hindi na rin siya makakasama. Willing pa naman daw sana siyang mapasama sa pelikula.
Four movies ang nawala kay Eugene.
Inalam ng PEP kay Ricky ang naging reaction ni Eugene sa nawalang dalawang pelikula sa kanya.
"Okey sa kanya, naintindihan niya. Dapat daw ‘pag may kasunduan, pahalagahan, at tuparin," sagot ng talent manager.
Ang press ang nanghinayang sa dalawang pelikulang nawala kay Eugene dahil hindi pa naman siya tumanggap ng TV show at balak mag-concentrate sa pelikula. Sa pagkakaalam namin ay kasama rin siya dapat sa Luna Mystica, pero nag-beg off nga siya dahil sa gagawin niyang pelikula.
For this year, sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ng Star Cinema, na entry rin sa MMFF, mapapanood si Eugene. Next year ay nakatakda naman niyang gawin ang launching movie niya sa Viva Films na Demetria M.D.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 8): Four new shows make strong impact on the ratings game HOT
- Bing Loyzaga dismisses malicious rumor linking her to Jake Cuenca
- Richard Gutierrez and PEP finally find peace HOT
- Angelica Panganiban wants to settle down with boyfriend Derek Ramsay someday
- Sam Milby has separate projects with Anne Curtis and Maja Salvador
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top HOT
-
Television
The PBB Double Up Big Five will face a series of "Big Events" this week
These events will help viewers determine the Big Winner this season.
-
Events
Kapuso stars Rhian Ramos and Victor Aliwalas receive Model Star Award citations in Korea
"We really can't believe that we were part of this event. It is so overwhelming," the two chorused.
-
Weddings
Ciara Sotto and her dream wedding with Joe Oconer
Finally, Ciara Sotto walks down the aisle to meet the man of her dreams, and exchange "I do's" with Jojo Oconer.
-
Theater
Pooh will make you laugh 'til you drop in My Poohlish Heart
The two-time Best Comedy Actor of Aliw and 2009's Best Comedy Actor of Star Awards for TV, will stage My Poohlish Heart on February 19 and 20 at the Music Museum.
Most Popular
- Sharon Cuneta on her adopted son: "I think yung nag-iba lang, hindi siya lumabas sa akin. But I chose to be his mother."
- Shaina Magdayao speaks up about her split with John Prats
- Pokwang answers some issues about Wowowee
- Jolina Magdangal revamps herself with new look; changes manager
- Piolo Pascual admits KC Concepcion is part of his birthday wish
- PEP EXCLUSIVE: PART I Marlene Aguilar narrates the "violent environment" her son Jason Ivler grew up in
- Maricel Soriano returns from hibernation after her mother's death
- PEP EXCLUSIVE: Part III Marlene Aguilar: "Jason's fan club will change the world."
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top
- Bayani Agbayani is thankful to GMA-7 for opening its door to him again
Advertisement


