Some of the stars of Shake, Rattle & Roll X: (top row, from left) Roxanne Guinoo, Gerald Anderson and Kim Chiu; (bottom row, from left) Jean Garcia, JC de Vera and Diana Zubiri.

Photo: Noel Orsal

The tenth edition of Shake, Rattle & Roll promises to be the best casting ever.

Isang mahirap mabuong pictorial set ang nagawa ng Regal Entertainment hapon ng Martes, October 21, sa Valencia residence ni Mother Lily Monteverde nang nagpasama-sama ang halos lahat ng cast ng pangsampung edition ng Shake, Rattle & Roll para sa 2008 Metro Manila Film Festival.

Dahil special para kay Mother Lily at sa anak nitong si Roselle Monteverde-Teo ang SRR X, sinigurado ng mag-ina, pati na rin ng supervising producer na si Manny Valera, na ito ang pinakamalaking cast na nabuo para sa isang SRR, kung saan muling pagsasamahin ang mga artista ng ABS-CBN at GMA-7. Hindi lang basta stars, junior superstars, at big stars ang tinangka ng Regal Films na magkasama-sama rito mula sa dalawang TV networks.

Sa GMA-7, nandito sina Marian Rivera, JC de Vera, Jean Garcia, Diana Zubiri, at Wendell Ramos. Sa ABS-CBN naman, nasa cast sina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Roxanne Guinoo. Marami ring StarStruck graduates at Star Magic talents ang kasama.

Kahapon lang in-announce ni Mother Lily na si Marian na ang bida sa "Nieves" kaya hindi pa siya nakasama sa pictorial.

Tatlong episodes ulit ang SRR X at lahat may koneksiyon sa numerong 10.

Sa "Nieves" episode, na mula sa direction ni Mike Tuviera at panulat ni Penny Tuviera, sampu ang main cast sa pangunguna ni Marian, na pumalit kay Eugene Domingo sa title role. Maghahanap pa ng makaka-partner ni Marian dahil hindi na bagay sa kanya ang original star na dapat sa character. Makakasama ni Marian dito sina Diana, Luis Alandy, Marco Alcaraz, Jennica Garcia, Iwa Moto, Chariz Solomon, at BJ Forbes na pawang mga Kapuso stars. Si Desiree del Valle lang ang nag-iisang Kapamilya.

Sa "Class Picture" episode, mula sa direction ni Topel Lee at panulat ni Cheryl Narvasa, sampung estudyante naman ang mumultuhin ng isang madre. Mangunguna rito sina Kim at Gerald, pati na ang mga Kapamilya nilang sina Erich Gonzales, Niña Jose, Charles Christiansen, Eda Nolan, at Andrea Torres. Sasamahan sila ng mga Kapusong sina Jean, Stef Prescott, Prince Stefan, at IC Mendoza.

Sa "Emergency" episode, mula sa direction din ni Michael at sa panulat ni Ellen Estrada, isang ospital ang sinalakay ng isang aswang na gustong maghiganti sa pagkamatay ng anak nito. Magbibida rito sina JC at Roxanne na galing sa magkaibang networks. Sina Mylene Dizon at Wendell naman ang mga aswang. Kasama rin sa cast sina Kapusong John "Sweet" Lapus at ang mga Kapamilyang sina Janus del Prado, Denise Laurel, at Eri Neeman.

Isa pang special sa SRR X, karamihan sa main cast ay first time na lalabas sa horror frnachise ng Regal, tulad nina Marian, Kim, Gerald, JC, Jean, at ang karamihan sa mga StarStruck at Star Magic teenagers.