Roxanne Guinoo still mum about rumored confrontation with Jake and Bea in Guam

Melba Llanera & Erwin Santiago
Wednesday, October 22, 2008 @ 01:14PM  |  28694 views

 

"Ayokong magsalita tungkol diyan. Basta ako nagpunta ako sa Guam para magtrabaho, alam nila yun. Even the management alam nila yun, at kahit ako sa sarili ko. Kung sisirain ko ang sarili ko, dapat noon pa. Nandun lang talaga ako para mag-work," says Roxanne Guinoo about the rumored confrontation between her and former boyfriend Jake Cuenca and Bea Alonzo (inset).

Photo By: Noel Orsal & Dennis Mendoza














Isa sa pumutok na balitang pinag-uusapan ngayon ay ang kumprontasyon diumano na namagitan sa dating magkasintahan na sina Roxanne Guinoo at Jake Cuenca nang mag-show ang ASAP '08 sa Guam noong nakaraang linggo. Ayon sa usap-usapan, nauwi pa raw sa pisikal na pananakit sa isa't isa ang naturang kumprontasyon na kinasangkutan din daw ng nababalitang girlfriend ngayon ni Jake na si Bea Alonzo.

Ayaw magbigay ng detalye ang magkabilang kampo kung ano ang nangyari sa Guam. Pero ayon sa pagsasaliksik ng PEP mula sa iba't ibang sources ay lumalabas na mayroon ngang kumprontasyon na naganap sa pagitan ni Roxanne at nina Jake at Bea.

Ayon sa balita ay masinsinan daw na nag-usap sina Roxanne at Jake, na nag-trigger para mabuksan ang sama ng loob nila sa kinauwian ng kanilang relasyon. Hindi malinaw kung sino ang nag-initiate ng away, pero halos lahat ng nakausap ng PEP ay nagsabing tooong nagkasakitan nga sina Roxanne at Jake.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Roxanne sa pictorial cum presscon ng Shake, Rattle and Roll X, na official entry ng Regal Entertainment sa 2008 Metro Manila Film Festival, kagabi, October 21 sa Valencia mansion ni Mother Lily Monteverde. Agad naming tinanong ang young actress sa nangyaring kumprontasyon diumano nila ng ex-boyfriend sa Guam.

"Ayokong magsalita tungkol diyan. Basta ako nagpunta ako sa Guam para magtrabaho, alam nila yun. Even the management alam nila yun, at kahit ako sa sarili ko. Kung sisirain ko ang sarili ko, dapat noon pa. Nandun lang talaga ako para mag-work."

UNLUCKY IN LOVE. Para kay Roxanne, tanggap na niya kung anuman ang kinauwin ng relasyon nila ni Jake. Bukal na rin daw sa loob niya na maaaring hindi talaga niya suwerte ang pag-ibig at kung may dapat man siyang pagtuunan ng pansin ngayon, ito ay ang kanyang career.

"Masaya naman ako sa nangyayari sa career ko," sabi niya. "Sa love life naman, naka-survive na ako dati hanggang ngayon. Okey ako kahit maraming nangyayari lately. Ayokong isipin ang pagmamamahal na ‘yan, trabaho na lang muna ang uunahin ko. Mahirap talagang ibalanse. Darating ka sa puntong iispin mo, ‘Oo nga , tama nga yung iba na di mo mababalanse dahil sa mga nangyayari."

Kahit si Roxanne ay naniniwala na totoo ang kasabihang pag suwerte ka sa career ay maaaring di ka suwertihin sa pag-ibig o vice-versa.

"May mga ganun," pagsang-ayon niya. "Parang napagdaanan ko na ‘yan na suwerte ako sa career pero sa lovelife, hindi masyado. Siguro hindi pa talaga ibinibigay ni Lord. Minsan nga tine-text ko na, ‘Lord, ano ba? Ibibigay Mo na ba? Naniniwala naman ako na mabait talaga ang Diyos."

Kapareha ni Roxanne sa "Emergency" episode ng Shake, Rattle & Roll X si JC de Vera. From Joross Gamboa to Jake na puro letter J ang simula, hindi kaya si JC na ang susunod na magpapatibok uli sa puso ni Roxanne?

"Lagi akong napu-fall sa letter J kaya nga naglalagay ako ng wall!" tawa niya. "Na-realize ko ‘yan recently lang.

Pero aniya, "Magaan katrabaho si JC. First day pa lang naman, hindi kami nahirapan, naging mabilis yung trabaho namin. Okey naman kami, masaya yung trabaho namin. Sana nga magkatrabaho uli kami."

THE REVEALING PHOTOS. Sa isyu ng tabloid na Pinoy Parazzi ngayong araw, October 22, lumabas ang mga larawan ni Roxanne na may pasa at kalmot sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Kasama ng mga larawan, na kuha raw habang namamasyal si Roxanne sa isang mall, ang artikulo na may titulong "Roxanne Guinoo, BINUGBOG ni Jake Cuenca!"

Nakasaad sa artikulo na "lamog at punong-puno ng pasa ang mga braso ng seksing aktres, may mga kalmot at paso pa ng plantsa sa mga kamay!"

May nakausap din daw silang "nagmamalasakit at malapit na malapit na nagmamahal kay Roxanne." Ayon dito, "may nangyari talagang ‘kumprontasyon’ na nauwi sa pananakit, at hindi lang basta pananakit, kundi pambubugbog! Korek! Binugbog nga diumano ni Jake si Roxanne. Diumano, nangyari ito sa hotel na tinutuluyan nila, madaling-araw ng Oktubre 12."

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name