PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jason Abalos contradicts negative opinion about Cristine Reyes

Jason answers question about gay relationships.
by Rose Garcia
Published Oct 23, 2008
"Alam n'yo si Cristine, nakakapagtaka kasi yung mga isyu niya, kabaligtaran dahil sobrang bait. Siguro nga, kailangan lang siyang makilala ng mga tao para malaman kung ano talaga ang ugali niya," says Jason Abalos about Eva Fonda co-star Cristine Reyes.

Dating kasamahan sa gang na naging pulis ang role ng young actor na si Jason Abalos sa bagong afternoon soap ng ABS-CBN, Pieta.

Hindi pa raw alam ni Jason kung full-length ang role niya sa Pieta, but he's hoping na tumagal siya rito. Mas nauna nga lang naipalabas ang Pieta kumpara sa matagal na rin nilang tine-tape na Eva Fonda, na pagbibidahan naman ni Cristine Reyes.

"Sa tingin ko, tama na rin na mauna ito. Parang doon muna na-introduce si Cristine sa Kahit Isang Saglit. Then, ako naman dito sa Pieta. So, after nito, meron pala kaming Eva Fonda. So, parang ang ganda lang ng timing," saad ni Jason nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pieta last Tuesday, October 21, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Paano niya na-reinvent ang sarili sa pagiging bad boy ng character niya sa Pieta?

"Inisip ko noong bata ako, madalas na ako ang binu-bully. So, iniisip ko ngayon na ako ngayon ang nangbu-bully. At least, parang kahit sa TV man lang, ma-try ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

How does it feel working with Ryan Agoncillo again since their last series, Ysabella?

"Oo nga, e. Si Ryan kasi, palagi kong nakakasama. Sa My Kuya's Wedding, ‘tapos sa Ysabella. Parang ngayon, ang dami na naming kuwento sa buhay na puwedeng pag-usapan. Hindi na iba."

ANOTHER ACTING PIECE. Ikinuwento rin ni Jason na may ginawa rin siyang indie film na may title na Motorcycle. Nangiti ang young actor when asked kung pang-award na naman ba ang performance niya rito. Sa nakaraang Urian Awards ay naka-tie ni Jason si Sid Lucero as Best Actor para sa pelikulang Endo.

"Hindi ko alam, e, sana," sambit ng young actor.

Ano na ang ginawa niya sa Best Actor trophy niya?

"Nandoon sa kuwarto ko. Tinitingnan ko bago ako matulog. Parang, ‘Hi award!' Parang yun ang nagsisilbing inspirasyon ko!" natatawa niyang sabi.

May nabago na ba sa buhay niya dahil nanalo na siya ng acting award?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro po sa ngayon, mas pinagkakatiwalaan na ako ng mga producers na makasama sa mga projects nila. Matagal ko na rin naman po kasing pinapangarap na makagawa ako ng iba't ibang roles."

LOVE TALKS. Kumusta naman ba ang aspetong pag-ibig ni Jason? Hanggang ngayon kasi ay wala pang nababalitang girlfriend niya.

"Hindi ko nga rin alam, e," sabi ni Jason. "Hindi naman ako pihikan. Hindi naman ako namimili. Siguro hinahayaan ko lang na dumating na kusa. Hindi ako yung, ‘Uy, puwede ito!' Hindi ako ganoon."

May nililigawan ba siya?

"Hindi, e, wala rin. Hindi ako nakakapag-date-date ngayon. Ewan ko, siguro kasi wala akong pera! Joke lang!" tawa niya.

"Ewan ko, parang ang hirap din kasi na humanap ngayon ng ide-date. Yung iba rin naman kasi, busy. Wala rin naman po akong ibang nami-meet. Sa mga nakakasama ko naman po, parang ang hirap din na ligawan. Ang pangit naman na nakasama mo lang, liligawan mo na agad. Siguro kailangan ko lang din kilalanin. Kailangan lang din kaming magkaroon ng bond sa isa't isa."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi na rin daw niya maisip kung kailan siya huling nagka-girlfriend. Ano ba ang tipo niya sa babae?

"Siyempre, physical, yun naman ang una mong titingnan. Siguro rin dahil probinsiyano ako, so parang hinahanap ko yung ugali ng mama ko. Si Mama kasi maunawain, mapagbigay, so doon ko binabase siguro. Unang-una, na-miss ko rin siguro ang mama ko kasi ang tagal ko rin namang wala sa probinsiya."

DEFENDING CRISTINE. Si Cristine Reyes kaya, puwedeng pumasa sa sinasabi niyang mga qualities?

"Alam n'yo si Cristine, nakakapagtaka kasi yung mga isyu niya, kabaligtaran dahil sobrang bait. Siguro nga, kailangan lang siyang makilala ng mga tao para malaman kung ano talaga ang ugali niya," sabi ni Jason tungkol kay Cristine.

So, masasabi niyang kilala na nga niya si Cristine?

"Siguro," sagot niya. "Kasi sa pagsasama namin, wala akong nakitang negative sa kanya. At kung sakali man, hindi ko naman pipigilan ang sarili ko kung may maramdaman man ako sa kanya. Ibang-iba naman siya sa mga isyu sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GAY RELATIONSHIP. Si Jason din yata ang isa sa mga young actor na nagsisimula pa lang, pero palagi nang nakadikit sa kanya ang tungkol sa gay relationship. Napipikon ba siya na hanggang ngayon ay may mga ganito pa ring intriga sa kanya?

"Hindi, parang matagal nang isyu yun. Unang-una, siguro iniisip ko na lang na yung mga nagbi-bring up no'n, trabaho lang talaga nila yun."

This time, inili-link naman siya at iniintriga na kesyo siya raw ang bagong apple of the eye ngayon ng entrepreneur na si Joel Cruz. Ano ang masasabi niya rito?

"Talaga?" natatawa niyang reaksiyon. "E, siguro dahil kinuha nila akong endorser ng isang product nila [Aficionado]. Well, hindi ko alam... Sana i-renew ako, di ba?"

Nakikita raw silang nagdi-dinner?

"Ah, hindi," tanggi ni Jason. "Kapag lang may special occasion, nagpupunta kami. Halimbawa birthday niya or birthday ng mommy niya. Kumbaga, ang sa amin naman, pasasalamat lang din dahil nga kinuha kaming endorser ng pabango niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ba ang personal opinion niya sa gay relationship?

"Wala, kasi hindi mo puwedeng pigilan yun. Bago pa ako pumunta rito [sa showbiz], meron nang ganyan. Kailangan mo na lang sigurong masanay dahil hindi yun mawawala."

Masasabi niya ba na hindi niya magagawa yun?

"May mga kaibigan ako, pero hindi sila ganoon kaano...kaibigan mo lang talaga. Tao rin sila. Hindi mo naman sila puwedeng iwasan. Siguro maging open ka lang na yun sila, tanggapin mo sila na ganyan."

Never ba siyang pumatol sa isang gay relationship at hindi talaga siya papatol?

"Oo, masasabi ko na never ako pumatol at hindi ako papatol," diretso niyang sagot. "Siguro kasi wala naman akong iniiwasang tao. Kung gusto kong makipagkaibigan sa akin, ako naman, napaka-friendly ko namang tao. Parang walang masama sa aking tao. Parang lahat naman, puwede kong maging kaibigan."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam n'yo si Cristine, nakakapagtaka kasi yung mga isyu niya, kabaligtaran dahil sobrang bait. Siguro nga, kailangan lang siyang makilala ng mga tao para malaman kung ano talaga ang ugali niya," says Jason Abalos about Eva Fonda co-star Cristine Reyes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results