PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu believes Gerald Anderson is not courting Pauleen Luna

Kim and Gerald star in their first horror movie and their first movie outside their home network.
by Nora Calderon
Published Oct 24, 2008
"Alam ko, po hindi totoo. Naniniwala naman po ako kay Gerald at hindi niya pababayaan ang love team namin," says Kim Chiu about rumors that her screen partner, Gerald Anderson, is courting Kapuso star Pauleen Luna.

Excited pero may takot na naramdaman ang magka-love team na sina Kim Chiu at Gerald Anderson nang sabihin sa kanilang kasama sila sa "Class Picture" episode ng Shake, Rattle & Roll X mula sa Regal Entertainment. First time kasi ng dalawang Kapamilya stars na gagawa ng movie sa labas ng kanilang mother studio at first time din nilang gagawa ng horror movie.

Mabuti at pinayagan sila ng ABS-CBN at Star Cinema na gumawa ng movie sa Regal?

Ayon kay Kim, nagulat daw sila nang sabihin ng kanilang mother studio na gagawa sila ng movie sa Regal. "Siguro po dahil wala pa naman kaming ginagawang movie ngayon at taping lang ng My Only Hope ang pinagkakaabalahan namin," saad pa ng young actress nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) in between breaks sa pictorial nila para sa SRR X.

Dagdag naman ni Gerald, "Na-excite nga po ako nang malaman ko na gagawa kami ng movie sa Regal. Siguro po gusto rin nilang mag-grow kami bilang mga artista. Noong una nga po, medyo na-intimidate ako nang malaman kong may mga makakasama kaming GMA artists, kasi first time lang po namin silang makakasama. Pero nang makausap ko na po sila—sina Iwa Moto, Prince Estefan, Stef Prescot, si Ms. Jean Garcia—okey po sila. Nakakatuwa nga po kasi, ang dami-dami namin dahil three episodes ang Shake, Rattle & Roll X."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

First time ding lalabas sa isang horror movie sina Kim at Gerald, although nakagawa na sila sa TV, ang Maligno, with Claudine Barretto. Nakakatuwa dahil pareho palang takot manood ng horror movie sina Kim at Gerald.

Kuwento ni Kim, "Hindi po talaga ako nanonood ng horror movie. Kaya dito po, kakayanin ko kasi trabaho ito. Sabi ko nga po, sana ako na lang ang multo, pero hindi pala; ako raw po ang mumultuhin! Si Ms. Jean Garcia po ang mananakot sa amin dito."

Panonoorin ba ni Kim ang horror movie nila?

"Opo, kailangan po kasi," nakangiting sagot ng young actress. "Siguro po, pipikit na lang ako kapag nakakatakot ang eksena. Sabi po naman nila, hindi raw po naman nakakatakot kapag nagsu-shooting. Saka mahusay daw po ang direktor namin, si Topel Lee."

"Ako naman," dagdag ni Gerald, "nanonood po ako ng horror movie pero kailangan may kasama akong manood! Kaya panonoorin ko po ito dahil marami naman kaming kasamang manonood."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PARADE OF STARS. First time nilang magkaroon ng entry sa Metro Manila Film Festival. Sasama ba sila sa Parade of Stars sa December 24?

"Yes po," sagot ni Kim. "Nakaka-excite nga, first time kasi naming sasali sa parade. Hindi nga po ako uuwi sa amin sa Cebu sa Christmas kasi may work kami dito, kaya ang mga kapatid ko po ang pupunta ng Manila para sama-sama kami sa Christmas at para manood na rin sila ng movie namin."

Sabi naman ni Gerald, "Excited na rin po ako and looking forward sa coming festival kasi first time kong mai-experience sumakay sa float at magpasalamat sa mga fans."

GERALD'S GOATEE. Pinansin namin ang balbas ni Gerald at biniro namin kung hindi ba nakakatihan si Kim kapag may eksena silang magkalapit ang mukha nila o kissing scene sa afternoon soap nila sa ABS-CBN na My Only Hope.

"Noong una, medyo po makati pero nasanay na rin ako," sagot ni Gerald. "Nakakatuwa rin po kasi new look naman ako and at least, hindi na po ako kailangang mag-shave araw-araw. Pero bago po ako mag-shooting ng SRR X, kailangan ko na pong ipa-shave ito, kaya tatapusin ko na po muna ang taping namin ng My Only Hope sa first week of November. Kailangan pa rin po kasing ganito ang look ko sa Sunday soap naman."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon naman kay Kim, "Bagay naman po kay Gerald ang may balbas. Gusto raw po niya kasing magmukha naman siyang mature kaya pumayag siya sa new look niya. Wala naman po kaming kissing scene."

ON PAULEEN LUNA. Lumabas ang balita na nanliligaw raw si Gerald sa Kapuso star na si Pauleen Luna. Nagseselos ba si Kim?

"Bakit naman ako magseselos?" nakangiting saad ni Kim. "Saka hindi po totoo ‘yon, nagkakilala lang daw sila ni Pauleen sa birthday party ni John James Uy, ‘tapos nagkaroon na ng issue."

Paano kung totoo?

"Didistansiya po ako kay Gerald kung totoo," sabi ni Kim. "Pero alam ko po hindi totoo. Naniniwala naman po ako kay Gerald at hindi niya pababayaan ang love team namin."

Ang issue, dumalaw raw si Gerald sa Eat Bulaga at nagdala pa raw siya ng food para kay Pauleen.

"Hindi po, hindi ako dumadalaw sa kanya, hindi rin ako nagdala ng food," tanggi ni Gerald. "Nagkakilala lang kami minsan sa birthday party ni John James Uy, at siguro kung magkikita man kami ngayon, babatiin ko po siya dahil friend ko naman siya. Wala na po ‘yon, okey na po ‘yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In fairness, idinenay rin naman ni Pauleen ang issue na ikinagulat din niya dahil hindi naman daw totoo at kaibigan lang niya si Gerald.

Dagdag pa ng young actor, very close pa rin daw sila ni Kim at happy sila sa mga trabahong dumarating sa kanila. Kababalik nga lang nila from Milan and Rome at may coming shows pa sila abroad.

Ang dalawa pang episode ng Shake, Rattle & Roll X ay ang "Nieves" at "Emergency" na parehong ididirek ni Mike Tuviera.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam ko, po hindi totoo. Naniniwala naman po ako kay Gerald at hindi niya pababayaan ang love team namin," says Kim Chiu about rumors that her screen partner, Gerald Anderson, is courting Kapuso star Pauleen Luna.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results