Bago rumampa si Mylene Dizon sa Streetcast fashion show ng Folded & Hung sa A. Venue Mall ng Makati kagabi, nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Like a Virgin sa Party Venue naman, Sct. Tuazon St.,, Quezon City.
Nakita namin ang kaibahan ng isang tinatamad na Mylene na namumroblema sa kanyang skin blemishes dahil sa apat na buwan na siyang kagampan sa ikalawang anak nila ni Paolo Paraiso sa shooting lull—at ng glamorosang Mylene na very confident na rumampa, fully made up and with style sa Folded & Hung fashion event.
"Naku, walang nabago!" sabi pa ni Mylene nang kumustahin siya ng PEP.
"Single pa rin ako. Ewan. Masyado raw akong choosy. Hayan, nagdadalantao pa rin ako, as usual!
"Tamad talaga ako ngayon. Parang lagi akong pagod na pagod.
"'Yun na nga, nagkataon din kasi na ang dami-rami kong ginagawa, as in super-busy, kaya siguro pagod na pagod ako, at the same time, buntis pa. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang schedule ko.
"Natapos ko na lahat ng movie commitments ko. So far, tapos na ako sa Like a Virgin at nag-last day na ako roon. Finally, nag-goodbye na ang Dyesebel.
"Para bang tumama sa lahat, natapos ko na lahat ng obligasyon ko. At least ngayon, I can rest a bit. Hindi naman puwedeng ibitin ko ang shooting at taping dahil lang sa buntis ako," tuluy-tuloy na kuwento ng aktres.
Wala namang kasalanan ang mga kumuha sa kanya para sa assignments na ito sa nangyaring pagbubuntis niya.
STRANGE BUT TRUE. Marami ang nagtataka sa set-up nina Mylene at Paolo. Hindi na silang dalawa, and yet, heto at masusundan ang anak nilang si Tomas. Parang mahirap maunawaan ang kanilang set-up.
"Ano naman ang katakataka roon?" balik na tanong ni Mylene sa amin.
"E, hindi naman kami. Bakit kami magsasama? For now, ganoon yun. Hindi ko naman puwedeng sagutin ang mga tanong na walang malinaw na kasagutan, di ba?
"Walang mababago roon dahil lang sa nabuntis ako ulit," sabi pa niya.
Parehong unattached sina Mylene at Paolo. But, what's stopping them to really be back in each other's arms para magsama sa ilalim ng iisang bubong?
"Naku, no comment na lang!" diretsahang tugon ng aktres.




CALLED OUT
ALL COMMENTS