PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Dyesebel" fans jampack "Magandang Alon" special show at Zirkoh

Dingdong Dantes and Marian Rivera came from their "One True Love" shooting and arrived late.
by Rose Garcia
Published Oct 26, 2008
Magandang Alon, a Dyesebel special held at Zirkoh Timog last night, was jampacked. The cast and production staff of the hit GMA-7 fantaserye sang, danced, and celebrated with the fans.

Bandang alas-onse na nang gabi nang magsimula ang Magandang Alon, A Dyesebel Special show sa Zirkoh, Timog, Quezon City. Nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na maaaring inaantabayanan pa ng lahat ang pagdating ng dalawang bida ng show na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kaya umabot ng ganung oras ang pagsimula ng show. Nasa shooting pa raw kasi ng kanilang GMA Films and Regal Films movie na One True Love sina Dingdong and Marian.

Present ang karamihan sa cast ng show, tulad nina Paolo Bediones, Teri Onor, Phillip Lazaro at Ryan Yllana, na nagsilbing mga host din ng show.

Naroon din sina Bianca King, Rufa Mae Quinto, Marco Alcaraz, Aljur Abrenica, Kris Bernal at Vaness del Moral na kumanta pa. Dumating din si Lotlot de Leon, kasama ang kaibigang si Mai-Mai Davao.

Hinanap naman ng fans sina Jean Garcia, Mylene Dizon, at Alfred Vargas na hindi present nung gabing yun ng October 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ricky Davao na gumanap bilang ama ni Fredo sa Dyesebel ay humirit ng ilang song numbers na talaga namang pinalakpakan ng audience.

Bumanat din ng ilang kanta si Robert "Buboy" Villar, at umeksena pa talaga ito nang kumuha pa ng dalaga na kabilang sa grupo ng fan club ni Marian. Pagkatapos ay dalawang batang babae naman ang hinarana niya sa mga sumunod niyang numbers.

Tawanan ang mga tao sa numbers ni Buboy, at maging ang cast at production staff ng Dyesebel ay aliw na aliw sa pagka-bibo ng bagets habang pinapanood nila.

Walang-duda na kahit tapos na ang primetime series na ito, napakarami talaga ng sumusubaybay sa kanilang programa, base na rin sa rami ng mga tao na dumating sa Zirkoh. Punung-puno ang venue, mula ibaba hanggang sa itaas na section. May mga nakatayo na nga dahil halos wala nang maupuan.

Ayon sa isang production staff ng show, isang buwan bago magtapos ang Dyesebel ay naisip na nilang magkaroon ng Dyesebel special show sa Zirkoh. Obvious ang naging magandang samahan ng buong cast at staff ng Dyesebel. Kaya naman very vocal silang lahat na mami-miss nga raw nila ang naging working experience at bonding nila sa taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bandang alas-dos na ng madaling araw nang sumalang si Dingdong Dantes na kumanta agad ng "You'll Always Be My Baby" at "Tuloy Pa Rin." Kahit pagod at puyat na sa araw-araw nilang pagsu-shooting ng Dyesebel, magiliw pa rin itong nag-perform at nakipag-interact sa audience.

Biniro pa ni Dingdong si Buboy at tila nag-alaskahan pa sila sa stage. Sey ni Dong kay Buboy, "Sige nga, sabihin mo na ngayon ang nalalaman mo!" Sa halip na sumagot, tinanong ni Buboy nang diretso si Dong ng, "Mahal mo ba si Dyesebel?"

Sinagot naman ito ni Dingdong, "Bakit, sino ba ang hindi nagmamahal sa kanya?"

Sa puntong yun, tinawag na nila si Marian Rivera on stage. Pagkatapos i-introduce ni Dingdong si Marian, umupo ito ng di kalayuan mula sa dalaga. Nakiupo si Dingdong sa lugar ng backup band habang kumakanta si Marian ng "Para Sa Akin."

Matapos kumanta, game na nakipagsayaw si Marian sa tatlong male guests, kasama sina Ricky at iba pang mga host at cast ng Dyesebel.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa finale ay tinawag na nila ang kanilang director na si Mac Alejandre. Wala ang isa pang direktor ng show na si Direk Joyce Bernal. Ayon kay Marian, may lakad daw ito kasama ang anak.

Matapos magsalita ng pasasalamat ang mga cast at si Direk Mac, sinabi ng huli, "Sa likod ng tagumpay ng Dyesebel, ito ay para sa aming ginagalang at minamahal na executive producer na si Ms. Helen Sese."

Nagpasalamat naman si Ms. Helen sa mga sumuporta sa Dyesebel at gayundin sa kanyang cast at production staff na present halos lahat sa Zirkoh kagabi.

Sa huli, kumanta ang lahat ng theme song ng Dyesebel.

Hindi na namin nagawang interbyuhin pa at tanungin si Dingdong tungkol sa mas malakas na usap-usapan ng breakup raw nila ni Karylle. Tulad ng sinabi ni Dingdong noon, may sabay na statement silang gagawin ni Karylle, na maaaring sa pagiging sobrang busy ni Dingdong at hindi pagma-match ng schedules nila ni Karylle, hindi pa ito matuluy-tuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isyung kesyo sina Dingdong at Marian na raw ngayon, in fairness, sa buong duration ng show, hindi namin madalas makitang sina Dingdong at Marian ang palaging magkausap. Si Dingdong ay paiba-iba ng table at iba-iba ang ineestima. Habang si Marian naman ay ang kapatid na babae ni Dong ang kasama sa table at kakuwentuhan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magandang Alon, a Dyesebel special held at Zirkoh Timog last night, was jampacked. The cast and production staff of the hit GMA-7 fantaserye sang, danced, and celebrated with the fans.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results