PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Aquino cooking breakfast? "I can never be a perfect wife!"

Kris will co-host in "The Buzz" for eight weeks only.
by Archie de Calma
Published Oct 27, 2008
"Sa bahay na lang nga, hirap akong bumangon sa umaga. Sila yung mga nagluluto ng breakfast. Sila yung perfect, pero tina-try ko rin. Kaya lang, pagdating sa table, nagsusungit lang ako," says Kris Aquino when asked about her being a wife. In this photo, Kris with sons Josh and Baby James.

Bumalik si Kris Aquino sa The Buzz with much funfare, lalo na't nawala sa programa si Cristy Fermin nang masuspinde ito ng ABS-CBN bunga ng verbal tussle nila ni Nadia Montenegro. Walong linggo lang naman daw na mananatili si Kris sa nabanggit na programa dahil yun lang ang napagkasunduan niya at ng ABS-CBN executives.

"Napakiusapan lang naman talaga ako," sabi pa ni Kris. "Malaki ang utang na loob ko sa ABS-CBN, and I think, at this point na kailangan nila ng tulong ko, hindi ko maipagdadamot yun.

"Pero, talagang eight weeks lang, hanggang bago mag-Christmas. Kung magpapatuloy ako, depende na lang siguro yun sa magiging usapan. Sa ngayon, mapapanood uli ako ng mga tao sa show for eight consecutive weeks," pahayag ni Kris.

QUIET ON AI-AI vs JAMES ISSUE. Siyempre pa, sa pagpasok ni Kris sa The Buzz, hudyat ito ng mas matitindi pang intriga sa kanyang personal na buhay at career. Napag-uusapan ngayon ang tungkol sa kanila ni Ai-Ai delas Alas, na nag-sorry na nga ito sa mister niyang si James Yap kaugnay sa nakaraang isyu which almost caused Kris and her husband to split.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I don't like to comment, kasi, mag-aaway lang kami," sabi ni Kris. "It's best talaga to just keep quiet. I know that Ai-Ai did that for me, that's why mas mabuting quiet na lang ako.

"Kung iisipin ko na masasaktan si Ai-Ai, ang point ko lang naman, muntik na naming ikahiwalay ni James yun, kaya quiet na lang talaga ako. May mga bagay na dapat maintindihan ko na lang, first and foremost, because I'm a wife.

"As a friend, siguro, Ai-Ai will understand. Favorite ko si Joyce Mayers, di ba. Ang sabi niya, ‘submission.' Hindi naman submissive na parang wala ka nang opinyon, pero there are things worth arguing about. May mga isyu na dapat ay manahimik ka na lang.

"Yun ang natutunan ko," sabi pa ni Kris.

Hindi na ba magkakasundo talaga sina James at Ai-Ai?

"It's really up to James kung mag-uusap sila," sagot ni Kris. "Ai and I are women, and we look at things differently. Iba ang pananaw ng lalaki, kaya hindi ko talaga alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayoko talaga, kasi, may mga bagay na hindi na dapat bini-bring up para hindi na lang maging awkward. Pabayaan na muna natin. There are things you learn with maturity."

NOT A MORNING PERSON. Is she trying to be the perfect wife?

"No, I can never be a perfect wife!" bulalas ng TV host. "Sa bahay na lang nga, hirap akong bumangon sa umaga. Sila yung mga nagluluto ng breakfast. Sila yung perfect, pero tina-try ko rin. Kaya lang, pagdating sa table, nagsusungit lang ako.

"Huwag na lang. Pass na muna ako sa ganoon. Hindi ko kaya."

Pero sa kanilang bahay, happy talaga si Kris dahil nagluluto siya talaga. Mayroon silang napakalaking dining hall sa bahay, pati na ang pamosong kitchen na talagang mahalaga para kay Kris.

"Nagki-kitchen talaga ako, at habang ginagawa ko ngayon, may mga kachika pa ako. I love it!

"Ang mahirap lang talaga, yung sa umaga, lalo kung 7 a.m. ang call time. 'Tapos, aalis ng 6:15 para hindi lang ma-late, hindi ko talaga kaya. Five-thirty ng umaga, nagluluto na ako? Sorry, suko talaga ako sa ganoon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"May cook talaga kami na matagal na rin sa amin," sabi pa ni Kris.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa bahay na lang nga, hirap akong bumangon sa umaga. Sila yung mga nagluluto ng breakfast. Sila yung perfect, pero tina-try ko rin. Kaya lang, pagdating sa table, nagsusungit lang ako," says Kris Aquino when asked about her being a wife. In this photo, Kris with sons Josh and Baby James.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results