Paolo Ballesteros going back to U.S. for the birth of his baby

Rose Garcia
Monday, October 27, 2008 @ 07:46PM  |  13928 views

 "Sana normal, wala pa namang sinasabi na C.S. or what...sana nga, ka-birthday ko. Birthday ko is November 29, so, ang una naming gagawing dalawa [with ex-gf Kaye] is mamimili kami ng gamit. Sabi nga niya sa akin, bumili ka ng car seat, baby bag. Binabalak sana namin, doon na kami magki-Christmas," relates the excited Paolo Ballesteros in Showbiz Central yesterday about the coming birth of his baby.

Photo By: Jude Bautista














A few months ago, may hint na si Paolo Ballesteros tungkol sa kanyang nalalapit na pagiging ama. True enough, by November ay magiging ganap na ngang daddy si Paolo sa kanyang ex-girlfriend, si Kaye, na naka-base sa U.S. 

Pero siyempre pa, hindi nawawala ang pagdududa ng ilan na baka kaya lang ginawa ni Paolo ang ganitong rebelasyon ay para mawala na rin ang pagdududa sa kanyang tunay na sexual preference.

Sa isang exclusive taped interview kay Paolo ng Showbiz Central noong Linggo, nasabi nga niyang, "Hindi naman ako nagpapa-interview ngayon para sabihin sa inyong, ‘Please, maniwala kayo, please maniwala kayong lalaki ako.' Hindi ganoon.

"Kaya ko lang ginagawa ito ngayon, bilang artista, karapatan nilang malaman kung ano ba ang nangyayari sa ‘yo, sa buhay mo. So ngayon, nandito ako, sinasabi ko na, yun nga, magkaka-baby ako. Kung ayaw nilang maniwala, okey lang sa akin. Pero ako, masaya ako na magkaka-baby ako."

In a few weeks time, Paolo will be a proud father to a baby girl. At ang babaeng magiging ina nga raw ng panganay ni Paolo ay isa nang ex-girlfriend niya.

"Ex-girlfriend ko siya, noong nag-aaral pa kami sa Baguio. Noong nagpunta ko sa New York dahil dinalaw ko si Papa, nagpunta rin siya sa New York. ‘Tapos, yun, nagkita kami ulit.

"Nagwo-work siya at the same time, nag-aaral."

Dugtong pa niya, "Wino-work-out namin ang relasyon naming dalawa. Siyempre, noong nagkita kami, friends naman kaming dalawa. At saka, ex-girlfriend ko siya, kahit ano pang sabihin, meron siyang lugar dito," sabay turo sa kanyang puso.

At present hindi raw nawawala ang komunikasyon nila ng kanyang ex-girlfriend.

"Nag-uusap kami, nagtsa-chat kami. Nagtatawagan. Nagpapadala pa nga ng gatas!" natatawa niyang sabi.

Through Internet, nakita na raw niya ang picture ng ultrasound ng kanyang anak.

"Noong nakita ko yung picture, nakakatuwa kasi, buo na siya, tao na talaga. Tinitingnan ko, pati yung baby, kamukha ko! Ha-ha-ha! May mukha na agad," pagbibiro pa niya.

THE BIG DAY. On the 2nd week of November, lilipad na naman daw si Paolo papuntang U.S. para samahan ang kanyang ex-girlfriend kapag nanganak na ito. Kabuwanan na raw kasi ni Kaye next month.

"Sana normal, wala pa namang sinasabi na C.S. or what...sana nga, ka-birthday ko. Birthday ko is November 29, so, ang una naming gagawing dalawa is mamimili kami ng gamit. Sabi nga niya sa akin, bumili ka ng car seat, baby bag. Binabalak sana namin, doon na kami magki-Christmas. Babalik ako January.

"Iniisip nga niya sanang sumama pauwi kasi, nakabakasyon pa siya no'n, eh. Ang balik niya ng pasok is February. Ang balak niya, before siyang pumasok, umuwi muna rito para papabinyagan namin. So, sana, makauwi siya rito."

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name