PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Ballesteros going back to U.S. for the birth of his baby

Paolo and the mother of his baby named Kaye are working out their relationship.
by Rose Garcia
Published Oct 27, 2008
"Sana normal, wala pa namang sinasabi na C.S. or what...sana nga, ka-birthday ko. Birthday ko is November 29, so, ang una naming gagawing dalawa [with ex-gf Kaye] is mamimili kami ng gamit. Sabi nga niya sa akin, bumili ka ng car seat, baby bag. Binabalak sana namin, doon na kami magki-Christmas," relates the excited Paolo Ballesteros in Showbiz Central yesterday about the coming birth of his baby.

A few months ago, may hint na si Paolo Ballesteros tungkol sa kanyang nalalapit na pagiging ama. True enough, by November ay magiging ganap na ngang daddy si Paolo sa kanyang ex-girlfriend, si Kaye, na naka-base sa U.S.

Pero siyempre pa, hindi nawawala ang pagdududa ng ilan na baka kaya lang ginawa ni Paolo ang ganitong rebelasyon ay para mawala na rin ang pagdududa sa kanyang tunay na sexual preference.

Sa isang exclusive taped interview kay Paolo ng Showbiz Central noong Linggo, nasabi nga niyang, "Hindi naman ako nagpapa-interview ngayon para sabihin sa inyong, ‘Please, maniwala kayo, please maniwala kayong lalaki ako.' Hindi ganoon.

"Kaya ko lang ginagawa ito ngayon, bilang artista, karapatan nilang malaman kung ano ba ang nangyayari sa ‘yo, sa buhay mo. So ngayon, nandito ako, sinasabi ko na, yun nga, magkaka-baby ako. Kung ayaw nilang maniwala, okey lang sa akin. Pero ako, masaya ako na magkaka-baby ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In a few weeks time, Paolo will be a proud father to a baby girl. At ang babaeng magiging ina nga raw ng panganay ni Paolo ay isa nang ex-girlfriend niya.

"Ex-girlfriend ko siya, noong nag-aaral pa kami sa Baguio. Noong nagpunta ko sa New York dahil dinalaw ko si Papa, nagpunta rin siya sa New York. ‘Tapos, yun, nagkita kami ulit.

"Nagwo-work siya at the same time, nag-aaral."

Dugtong pa niya, "Wino-work-out namin ang relasyon naming dalawa. Siyempre, noong nagkita kami, friends naman kaming dalawa. At saka, ex-girlfriend ko siya, kahit ano pang sabihin, meron siyang lugar dito," sabay turo sa kanyang puso.

At present hindi raw nawawala ang komunikasyon nila ng kanyang ex-girlfriend.

"Nag-uusap kami, nagtsa-chat kami. Nagtatawagan. Nagpapadala pa nga ng gatas!" natatawa niyang sabi.

Through Internet, nakita na raw niya ang picture ng ultrasound ng kanyang anak.

"Noong nakita ko yung picture, nakakatuwa kasi, buo na siya, tao na talaga. Tinitingnan ko, pati yung baby, kamukha ko! Ha-ha-ha! May mukha na agad," pagbibiro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE BIG DAY. On the 2nd week of November, lilipad na naman daw si Paolo papuntang U.S. para samahan ang kanyang ex-girlfriend kapag nanganak na ito. Kabuwanan na raw kasi ni Kaye next month.

"Sana normal, wala pa namang sinasabi na C.S. or what...sana nga, ka-birthday ko. Birthday ko is November 29, so, ang una naming gagawing dalawa is mamimili kami ng gamit. Sabi nga niya sa akin, bumili ka ng car seat, baby bag. Binabalak sana namin, doon na kami magki-Christmas. Babalik ako January.

"Iniisip nga niya sanang sumama pauwi kasi, nakabakasyon pa siya no'n, eh. Ang balik niya ng pasok is February. Ang balak niya, before siyang pumasok, umuwi muna rito para papabinyagan namin. So, sana, makauwi siya rito."

GETTING READY. Pero as early as now, paano nga ba pinaghahandaan ni Paolo ang responsibilities niya bilang future father?

"Hindi nga ako makatulog. Kapag gabi, ang dami kong iniisip kung paano. Kung saan ba kami pupunta? Kung iuuwi ko ba rito ang baby? Yung mga ganoon?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero siguro, mabibigyan ng linaw ang lahat kapag nagkausap na talaga kami ng one-on-one. Kasi sa ngayon, mag-isa lang ako rito. Sarili ko lang ang iniintindi ko. ‘Tapos ngayon, magkakaroon na ng aalagaan.

"Pero at the same time, yun nga, nakaka-excite kasi, di ba, hindi na rin naman ako bata, 26 na ‘ko. So, it's time na rin para magkaroon ako ng anak.

"I think, I'm ready na, sana..." nakangiti niyang pahayag.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sana normal, wala pa namang sinasabi na C.S. or what...sana nga, ka-birthday ko. Birthday ko is November 29, so, ang una naming gagawing dalawa [with ex-gf Kaye] is mamimili kami ng gamit. Sabi nga niya sa akin, bumili ka ng car seat, baby bag. Binabalak sana namin, doon na kami magki-Christmas," relates the excited Paolo Ballesteros in Showbiz Central yesterday about the coming birth of his baby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results