"You know
I'm handling some of the most complex, some of the most interesting
personalities in the Philippines. From Krissy, to Gretchen [Barretto], to Dawn
[Zulueta], to Rufa Mae [Quinto], to Ai Ai [delas Alas], to... I mean, friends
like Cristinelli. Pero alam mo ang natutuhan ko, dapat patas ka," says Boy Abunda about being a host.
Boy Abunda: "There is honor in controversies."
Tuesday, October 28, 2008
08:35 AM
Rating
Halo-halong emosyon ang naramdaman ng tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda nang bigyan siya ng bonggang-bonggang birthday celebration ng The Buzz last Sunday, October 26. Pero ang actual birthday niya ay bukas pa, October 29.
Saksi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kasiyahan ni Boy dahil sa birthday niya nataon ang big comeback ng dating host ng The Buzz na si Kris Aquino. Si Kris ang pumuno sa isang hosting slot na nabakante dahil sa pagkakasuspinde ni Cristy Fermin.
Nagmistulang costume party ang set ng The Buzz dahil sa kakaibang kasuotan ng mga hosts, pati na rin ng ilang guests na bumati kay Boy. Si Boy mismo ay naka-costume bilang si Zorro. Si Ruffa Gutierrez ay nagmistulang Arabian princess sa kanyang damit, kasama ang dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice na parehong naka-princess costume. Si Kris naman ay naka-Snow White costume habang ang mga anak niya na sina Josh at Baby James ay nakasuot naman ng Barney at baby dinosaur costumes, respectively.
Maging ang mga segment hosts na sina Jobert Sucaldito ay naka-angel costume habang si Phoemela Barranda ay mala-gold princess sa kanyang damit. Ilan pa sa mga naka-costume ay ang mga guests na sina Mariel Rodriguez na mukhang devil woman sa suot, habang si Bianca Gonzales naman ay naka-costume ng babaeng Santa. Sina Mariel at Bianca ay parehong talents ni Boy. Kasama rin sina Erik Santos at Pooh na pumunta sa studio para bumati sa birthday celebrator.
Naging madamdamin naman ang eksena nang magbigay ng mensahe at umawit sa VTR ang ina ni Boy na si Nanay Lesing. Ikinaluha ito ni Boy, maging ng iba pang mga hosts at ng mga tao sa loob ng studio. Naantig din ang lahat sa sulat ni Kris para sa kaibigang si Boy.
CRISTY FERMIN. Pagkatapos ng The Buzz ay nagkaroon pa ng salu-salo at kainan sa compound ng ABS-CBN ang mga staff ng show, kasama ang mga bumisitang entertainment press. At dito ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na ma-interview si Boy.
Unang tinanong ng PEP kay Boy kung happy ba siya sa pagbabalik ni Kris sa The Buzz.
"Oo, happy ako," sagot niya. "Pero hindi nangangahulugan na nakalimutan ko yung kalungkutan ko noong nawala si Cristinelli [tawag ni Boy kay Cristy Fermin]. Kung iyan ang tinutumbok ninyo. Ang ayoko lang yung papamiliin ako dahil pareho kong mahal ito. At kaya kong mahalin ang pareho because they're both close to my heart.
"Nalulungkot ako noong bago mag-umpisa ang show, nag-text sa akin si Cristinelli. ‘Sa dami ng pinagdaanan natin...sa dami ng bagyong pinagdaanan natin.' Kasi yung buhay namin ni Cristinelli, hindi lang sa showbiz. Bago pa kami umapak sa negosyong ito, magkaibigan na kami. Magkakilala na kami, magkadugtong na ang mga talampakan namin. Ang sabi niya, ang mensahe niya, ‘Alam mo naman ang ating buhay, we go beyond what other people think.' Sabi niya, ‘I love you.' Tinext back ko siya, sabi ko sa kanya, ‘Cristinelli, alam mong mahal na mahal kita.'"
Nami-miss ba niya si Cristy?
"Oo naman. You know, you are with person every Sunday. It's hard, it's difficult. At hindi lang ‘yan, kaibigan yun. Alam mo kami, si Jobert, si Cristinelli, ako, wala pa kami sa showbiz... I mean, minsan nga lilimang piso lang ang laman...minsan nga wala pang laman ang mga bulsa namin, magkakaibigan na kami."
KRIS AQUINO. Isang madamdaming sulat naman ang inihandog ni Kris para sa birthday ni Boy. Na-touch ba siya sa ginawang ito ni Kris?
"Oo. Si Kris naman, she's the other sister that I never had. I was actually very touched kay Kris kasi one part lang ‘yan ng pinagdadaanan namin ni Kris. Kung masasabi lang namin ang lahat. Si Kris, parang kapatid ko na.
"Maraming magagandang bagay, maraming hindi magagandang bagay, pero ako yung sinasabi niya na nagagalit ako sa kanya, pero I don't judge her. Sinasabi ko ang opinyon ko. Sinasabi ko ang sa palagay ko ay tama o mali. Pero hindi ako nag-iiwan ng panghuhusga. Kahit kanino naman, e. At saka ako, natutuhan ko rin, kung maibabalato ko, ibabalato ko na lang kung anuman ang opinyon ko," pahayag ni Boy.
Sabi ni Kris, malaki ang kinalaman ng pagpayag ng asawa niyang si James Yap para bumalik sa The Buzz si Kris. Ano ang gusto niyang ipahatid kay James?
"Maraming salamat kay James for Kris. Kasi noong una ayaw siyang payagan kasi nangako sila sa isa't isa na Sundays will be for the family. Salamat sa tiwala."
Permanent na ba itong pagbabalik ni Kris?
"Alam mo, yung detalye, hindi pa kami nag-uusap. Hindi pa namin pinag-uusapan ‘yan. Kasi the last time we're together, we were taping five episodes for Boy & Kris."
Pagbalik na lang daw ni Boy galing Hong Kong at saka nila uupuan ni Kris ang mga bagay-bagay. Umalis nga kahapon ng umaga, October 27, papuntang Hong Kong si Boy, kasama ang kanyang buong pamilya, na aniya ay first time mangyayari ang family vacation na ito na buo sila, kasama ang kanyang Nanay Lesing, ang pamilya ng kanyang kapatid na si Manang Fe, at siyempre ang kanyang longtime partner na si Bong Quintana.
APOLOGY TO VIEWERS. Samantala, isang apology letter para sa mga viewers ang binasa ni Boy sa The Buzz last Sunday. Kaugnay ito sa naganap na interview kay Cristy Fermin noong October 5 kung saan nakapagbitiw ito ng matatapang na salita na naging dahilan ng suspensyon niya sa kanyang programa sa telebisyon na The Buzz at maging sa radio program niya sa DZMM na Showbiz Mismo.
- Boy Abunda aspires for an international TV hosting career
- Boy Abunda on KC Concepcion-Piolo Pascual breakup: "Lahat sabihin pa natin na meron tayong alam, but we will never know. We will never know all the details."
- Piolo Pascual on breakup with KC Concepcion: "[Ang] akin lang, hayaan na lang muna kami."
- Boy Abunda says he now makes more time for his Nanay; reveals other changes in his life
- Vice Ganda interviews Boy Abunda; The Buzz host takes his turn at imaginary mirror
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Aljur Abrenica evades questions about Kylie Padilla; clarifies rumor linking him to Ava Jugueta
- Geoff Eigenmann on Carla Abellana's rumored transfer to ABS-CBN: "The answer is up to her. Siya na ang bahala. And you'll hear the answer soon."
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Part 1 Ynna Asistio denies signing up with Icons; bent on getting away from Annabelle Rama's management
- Philippines bags 16 nominations in the 2012 New York TV and Film Festivals
- Richard Gomez on his view about politics: "The real way for you to help people is you have to be in politics."
-
Weddings
FIRST READ ON PEP: Ms. Jolina Magdangal is now Mrs. Mark Escueta!
The bride and groom shed tears while reciting their vows.
-
Extra Extra
Pen Medina says no to politics: "Hindi ko linya."
On why he joins rallies: "Doon lang ako sa totoo. Doon lang ako sa tama."
-
Theater
PEP REVIEW: Mamma Mia! in Manila--it's not a dream
Mamma Mia! is being staged at the Cultural Center of the Philippines until February 19, 2012.
-
Movies
Jim Paredes excited for APO music-inspired film, I Do Bi Doo, Bi Doo
Sam Concepcion and Tippy Dos Santos are part of this musical film.
Most Popular
- Gab Valenciano admits to initiating breakup with Isabel Oli: "I just couldn't see her with me. I couldn't see her with a guy like me at this point."
- Aubrey Miles reveals why she can't marry partner Troy Montero yet
- Part 1. Jaclyn Jose on ex-boyfriend Mark Gil: "I don't think he likes me. Parang there's something in him na parang buwiset siya sa akin."
- Kris Aquino's marriage to James Yap is now officially annulled
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Part 2 Dolly Anne Carvajal on Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue: "I stand by my story."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Jessa Zaragoza confirms "tent incident" with Sarah Lahbati's aunt
- Part 1 Ramgen Revilla and Janelle Manahan love story featured in pilot episode of Showbiz Inside Report
Advertisement

