"Maraming salamat kay James for Kris. Kasi noong una ayaw siyang payagan kasi nangako sila sa isa't isa na Sundays will be for the family. Salamat sa tiwala."
Permanent na ba itong pagbabalik ni Kris?
"Alam mo, yung detalye, hindi pa kami nag-uusap. Hindi pa namin pinag-uusapan ‘yan. Kasi the last time we're together, we were taping five episodes for Boy & Kris."
Pagbalik na lang daw ni Boy galing Hong Kong at saka nila uupuan ni Kris ang mga bagay-bagay. Umalis nga kahapon ng umaga, October 27, papuntang Hong Kong si Boy, kasama ang kanyang buong pamilya, na aniya ay first time mangyayari ang family vacation na ito na buo sila, kasama ang kanyang Nanay Lesing, ang pamilya ng kanyang kapatid na si Manang Fe, at siyempre ang kanyang longtime partner na si Bong Quintana.
APOLOGY TO VIEWERS. Samantala, isang apology letter para sa mga viewers ang binasa ni Boy sa The Buzz last Sunday. Kaugnay ito sa naganap na interview kay Cristy Fermin noong October 5 kung saan nakapagbitiw ito ng matatapang na salita na naging dahilan ng suspensyon niya sa kanyang programa sa telebisyon na The Buzz at maging sa radio program niya sa DZMM na Showbiz Mismo.
Bakit kailangang magpalabas ng apology letter ang The Buzz?
"Because we might have hurt the sensibilities of audiences," paliwanag ni Boy. "As a show, we have to move within parameters [set by] regulating bodies. Hindi naman ito ano'ng iniisip mo, ano'ng iniisip ko. We have to go by rules, by requirements of regulating bodies.
"Yung aking binasa ay essentially we are saying na kung meron man kaming sensibilidad na na-violate, patawad. Mga magulang, mga bata, kahit sino man. Kaya dinugtungan ko nung huli na maraming salamat sa inyong mga papuri, pero sa trabahong ito, mahirap talaga. May mga bagay na may masasabi kaming mali. May mga bagay na magkasalungat ang ating opinyon. May mga bagay siguro na naiirita ang mga nakikinig sa amin. Patawad, ganun lang, simple. At saka doon sa mga natutuwa, maraming salamat."
Hindi ba bunsod ito ng order galing sa management o sa MTRCB?
"I'm not aware of that. But I don't discount the possibility. I think the show and ABS-CBN, the network, should be sensitive to regulating bodies, to citizens reacting, to people writing letters, to bosses who teach us good values. So, yung sinasabi mo na, ito ba ay isang reaksiyon sa isang memo na napadala, hindi ko alam. Pero is it possible? It is possible. Because we can be wrong. And if you're wrong you should apologize. And after the apology you should try to be better," saad ng TV host.
Tuwing Linggo nahaharap si Boy sa samu't saring intriga sa The Buzz, pero para sa kanya ano ang pinakamabigat na intriga na kinaharap niya sa buhay niya?
"Sa dami ng intriga na pinagdaanan ko, hindi lang sa The Buzz, sa karera ko sa showbiz, ang dami-dami. Bilangin mo lahat ng umupo sa harapan ko na in-interview ko, ang dami-daming intriga. May pagkakataon minsan na hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko dahil dalawang magkaibigan ang involved.
"Dahil bahagi ka ng kuwento, dahil sobrang alam mo... You know I'm handling some of the most complex, some of the most interesting personalities in the Philippines. From Krissy, to Gretchen [Barretto], to Dawn [Zulueta], to Rufa Mae [Quinto], to Ai-Ai [delas Alas], to... I mean, friends like Cristinelli. Pero alam mo ang natutuhan ko, dapat patas ka.
"There is honor in controversies. There is always a way of handling it without selling out. There's a way of doing it justly. Pero it's very hard. Creating that balance is extremely hard. Maraming beses na ako... maraming intriga, maraming kontrobersiya, na akala ko hindi ko malalampasan ng buo."
BIRTHDAY WISH. Sa dami ng kanyang achievements at success, may gusto pa ba siyang hilingin para sa birthday niya?






