PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Toni Gonzaga refuses to comment on Anne Curtis-Sam Milby breakup

Toni reveals she had feelings for Sam in the past.
by Melba R. Llanera
Published Oct 28, 2008
"Bago pa man natin narinig ang issue na ‘yan, marami na rin tayong naririnig na nag-on, nag-break...nag-on, nag-break. Sa ngayon kasi, I don't wanna comment regarding other people's personal lives. Hayaan na lang natin na sila ang magsalita para sa mga personal nilang buhay," Toni Gonzaga safely replied when asked about the reported breakup of Anne Curtis and Sam Milby.

Ikinukumpra ang hosting styles nina Toni Gonzaga (for PDA Season 2) at Nikki Gil (for PDA Little Dreamers). Dahil dito, may mga usap-usapang may hidwaan na nga raw na namamagitan sa dalawa. Nandiyan na kesyo hindi na raw nagpapansinan sina Nikki at Toni off-cam, at ang nakikitang pag-uusap nilang dalawa sa kamera ay bahagi na lang daw ng kanilang trabaho, mga usap-usapan na lalong nagpatibay sa hinala ng iba na maaring may katotohanan ang mga kuwentong lumalabas tungkol sa dalawang TV hosts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa nakaraang pressscon ng My Only U ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Toni at Vhong Navarro under the direction of Direk Cathy Garcia-Molina ay agad naming tinanong kay Toni kung totoo nga bang may gap sila ni Nikki?

"Definitely walang ganyang nangyayari. So far, sa ABS, sa pananatili ko dito, wala naman akong nakabangga. Wala ring competition sa amin ni Nikki when it comes to hosting. Parang sina Mariel [Rodriguez] at Bianca [Gonzales] lang. First show ni Nikki in ABS, sa MRS, dun ko siya unang nakasama, ‘tapos nga sa PDA. Walang issue sa aming dalawa."

ALEX, TONI COPYCAT? Sa ngayon ay marami na rin ang nakakapansin sa husay ng kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga when it comes to hosting. May regular show ito sa TV5, ang Juicy, isang daily showbiz-oriented talk show. Kapansin-pansin na bukod sa husay na ipinamamalas ni Alex sa pagho-host gaya ni Toni ay marami rin silang mannerisms na parehong-pareho. Tuloy, may intriga na ginagaya raw si Toni ng kanyang nakababatang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Masayang-masaya ako for my sister and I'm very proud of her. Di maiiwasan yung nagkakapreho kami ng kilos, ng pananalita, kasi magkapatid kami. Ganun talaga yun because sabay kaming lumaki, sa iisang bahay kami nakatira. Siguro yung mga nuances namin na mayroon kami sa isa't isa ay halos pareho dahil iisang dugo lang naman ang dumadaloy sa veins namin.

Pero dahil pareho silang nagho-host na, may sibling rivalry na ba?

"Wala ring sibling rivalry sa amin, yun ang ina-assure ko sa inyo. Kung anuman ang mayroon siya o mayroon ako, gusto ko share kami."

SWITCHING TIME SLOTS. Last Sunday ay napanood na sa The Buzz si Kris Aquino bilang pamalit sa nasuspinding si Cristy Fermin. Nabalita noon na isa raw sa kundisyon ni Kris bago tinanggap ang The Buzz ay ilipat ng Sabado ang The Buzz at gawing Linggo naman ang Entertainment Live dahil family day daw para sa kanila ang Sundays. Agad naming hiningan ng reaksyon si Toni kung matutuloy ang kundisyon na ito ni Kris a few weeks from now.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Naririnig ko ‘yan pero wala pang sinasabi ang management at mismong ang show regarding that kaya wala pa akong maibibigay na reaction but kung magkatotoo nga ‘yan, sina Tito Boy [Abunda], Ms. Kris, silang lahat, institution na ang mga ‘yan pagdating sa showbiz talk shows. Siguro ibibigay namin sa kanila dahil matagal na sila sa business na ito. Anuman ang maging decision ng management, we'll respect that, empleyado lang naman kami ng ABS."

FEELINGS FOR SAM. Sa nakaraang mga interviews ni Sam Milby ay pinanindigan ng aktor na kahit sinabi raw before ni Toni na hanggang "M.U." o mutual understanding lang talaga ang relasyon nila, para kay Sam ay nauwi na sa relationship ang naging samahan nila noon ni Toni. Di naman itinanggi ni Toni na nagkaroon talaga siya before ng special feelings for Sam.

"Nakausap ko nga si Sam, nagkausap kami one time. I guess during that time di kasi kami nagkausap about it. Kung anuman ang feelings namin for each other before, di napag-usapan kasi nga bising-busy kami pareho, pressured dahil bagong love team kami noon, so di namin napag-usapan yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Definitely, mayroon naman kaming naramdaman sa isa't isa, kaya nga lang di natuloy yun."

Nang hingan namin ng reaksyon sa nababalitang breakup nina Sam at Anne ay umiwas na magbigay ng reaksyon si Toni.

"Bago pa man natin narinig ang issue na ‘yan, marami na rin tayong naririnig na nag-on, nag-break...nag-on, nag-break. Sa ngayon kasi, I don't wanna comment regarding other people's personal lives. Hayaan na lang natin na sila ang magsalita para sa mga personal nilang buhay."

NO PROBLEM WITH PAUL. Open book na masaya si Toni sa itinatakbo ng mahigit isang taon na rin nilang relasyon ni Direk Paul Soriano. Ngayong 24 years old na si Toni, tinanong ng PEP kung ito na ba ang age para magpakasal na sila ng kanyang boyfriend na director.

"Sa tingin ko, nagsisimula pa lang ako sa karera ko ngayon, mahirap tumigil, mahirap mag-settle down, lalo't di ko pa nakukuha ‘yung mga gusto kong maabot sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Basta kami ni Direk Paul, okey na okey kami. It's getting strong, matibay dahil di ko siya masyadong dina-drag sa show business. Nababanggit siya pero as much as possible, we try to make it normal and private."

Toni also assured PEP na hindi naging problema sa kanila ng boyfriend ang pagkaka-partner uli ni Toni kay Vhong for My Only U. Very open kasi sina Toni at Vhong sa pagsasabi na nagkaroon talaga sila ng feelings for each other noon.

"Walang selos, kasi malaki ang tiwala niya sa akin, malaki ang tiwala niya kay Vhong at kung anuman ang mayroon kami. Hiwalay ang trabaho sa personal."

Magkakaroon ang My Only U ng premiere night on October 28 sa SM Megamall Cinema 10 at regular showing on October 29 sa mga paborito nating sinehan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Bago pa man natin narinig ang issue na ‘yan, marami na rin tayong naririnig na nag-on, nag-break...nag-on, nag-break. Sa ngayon kasi, I don't wanna comment regarding other people's personal lives. Hayaan na lang natin na sila ang magsalita para sa mga personal nilang buhay," Toni Gonzaga safely replied when asked about the reported breakup of Anne Curtis and Sam Milby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results