According to several sources, the reported confrontation between Kapuso stars Richard Gutierrez (right) and Aljur Abrenica (left) at a high-end bar in Makati City was true. Young actress Jewel Mische (inset), say the PEP sources, is also involved.
PEP sources say Richard Gutierrez-Aljur Abrenica confrontation really happened
Wednesday, October 29, 2008
02:30 PM
Rating
Bago pa man magbigay ng official statement si Richard Gutierrez kaugnay ng nabalitang confrontation nila ni Aljur Abrenica sa isang high-end bar ay nag-imbestiga muli ang PEP (Philippine Entertainment Portal) upang kumuha ng karagdagang impormasyon mula sa iba pang sources. (CLICK here to read Richard's statement.)
Base sa mga impormasyong nakalap ng PEP, mas may malalim pa palang kuwento sa likod ng balitang ito.
Pinaninindigan ng PEP ang unang nai-report dito na may kumprontasyong naganap sa pagitan nina Richard at Aljur sa Fiamma bar sa Makati City. Ito ay naganap noong madaling-araw ng October 18, Sabado, pagkatapos ng inauguration ng GMA Network Studios noong gabi ng October 17, Biyernes.
Inamin ni Richard sa kanyang statement na pinaalis niya si Aljur sa mesa na pinag-uumpukan nina Richard at mga kaibigan nito. Pag-amin ito na may namagitang tensiyon sa dalawang talents ng GMA-7, sapagkat nag-uumpukan ang maraming tiga-Siyete at Dos sa bar nang gabing iyon. Sa salita ng isang artistang naroon, "Parang one big instant party, ang saya, lahat kami tuwang-tuwa sa pagdating ng kahit sino!"
Ganunpaman, inaamin ng PEP ang pagkakamali nito sa naisulat na kasama ni Aljur si Jewel Mische nang mangyari ang insidente. Wala si Jewel sa naturang bar sa Jupiter St., Makati City, at hindi siya kasama ni Aljur.
Ngunit naninindigan ang PEP na ang dahilan ng kumprontasyon nina Richard at Aljur ay may kaugnayan kay Jewel. Ito ay taliwas sa pahayag ni Richard na walang kinalaman si Jewel sa nangyari sa kanila ni Aljur.
GMA NETWORK STUDIOS INAUGURATION. Bagamat wala si Jewel sa Fiamma bar, si Aljur ang nagsilbing escort ng young actress sa inauguration ng GMA Network Studios, na naganap ilang oras bago ang kumprontasyon nina Richard at Aljur.
Ayon sa ilang sources na naroon sa inauguration, nakita nilang sina Jewel at Aljur ang magkatabi sa iisang mesa bago magsimula ang show. Sa mismong parada ng GMA-7 stars during the show ay kapareha naman ni Jewel si Hero Angeles, samantalang ang kasamang maglakad ni Aljur ay si Kris Bernal.
Sa inauguration, marami ang nakakitang magka-holding hands sina Jewel at Aljur. Ayon sa dalawang GMA-7 insiders, sinadya raw ito ni Jewel para pagselosin si Richard na naroon din sa naturang okasyon. Wala naman daw kasing kaugnayan talaga sina Jewel at Aljur, liban lang sa magka-batch sila sa reality star search na StarStruck. Si Jewel ang itinanghal na Ultimate Sweetheart at si Aljur naman ang nanalong Ultimate Hunk.
(Ang pinakahuling exposure ng dalawang baguhan ay ang sumusunod: Nagkaroon ng maikling papel si Jewel bilang babaeng niloko ni Wendell Ramos sa bagong primetime series ng GMA-7 na La Lola. Si Aljur naman ay napanood sa mga fantaseryeng Zaido, Dyesebel, at kasama rin sa sisimulang soap na Luna Mystica.)
Pero sina Richard at Jewel ay matatandaang na-link nang maging magkapareha sila sa Kamandag, isang fantaserye ng GMA-7. Bagamat hindi umamin ang dalawa na naging sila, ilang network insiders ang nagpapatunay na may namagitan sa dalawa at, higit doon, na hanggang ngayon ay meron silang "on-and-off relationship." (CLICK here for related story.)
Ngunit may mga report din na walang boto kay Jewel para kay Richard sa mga kaibigan ng binata. Matapos ang inauguration ng bagong building ng GMA-7, nagkaroon pa ng report na na-playtime daw si Jewel ng mga kaibigan ni Richard, partikular na si Bubbles Paraiso.
Sinasabing "siniko" at "tinapakan" ni Bubbles si Jewel nang kunwari ay may iaabot siyang bagay kay Chynna Ortaleza. Itinago rin daw ng grupo ang bag ni Jewel bilang katuwaan, at halos harangin ang dadaanan ni Jewel.
Bukod dito, sinabihan daw ni Bubbles si Jewel ng: "I am the worst bitch you will meet in your life!" Umiyak na lang daw si Jewel sa ginawa sa kanya ng grupo nina Bubbles.
May natanggap na impormasyon ang PEP na dahil sa pangyayari, maghahain daw ng complaint sa GMA-7 ang ina ni Jewel laban kay Bubbles.
Samantala, sa panayam ni Bubbles kay Allan Diones, na lumabas kahapon, October 28, sa Abante Tonite, ay itinanggi ng model turned actress na pinagtulungan nila si Jewel sa inauguration. Wala raw insidenteng ganun. Ngunit sinabi rin ni Bubbles na hindi siya magsasalita hangga't hindi magsasalita si Jewel, na nagpapahiwatig na may namagitan nga sa kanila.
THE FIAMMA INCIDENT. Pagkatapos ng inauguration ng GMA Network Studios, ayon sa kuwento ng isang Kapuso insider, tumuloy si Richard at ang grupo nito sa Fiamma bar, kung saan sila nag-after-party celebration.
Sa paglalarawan ng aming source, sa open area ng second floor ng Fiamma bar pumuwesto sina Richard. Marami pang taga-showbiz, kabilang ang ilang direktor at mga artista, ang nagsiratingan doon, at masayang nagkamustahan ang mga ito.
Matapos daw ang ilang sandali ay dumating din si Aljur, kasama ang co-star niya sa Dyesebel na si Marco Alcaraz. Ayon sa network insider pa rin, galing daw sina Aljur at Marco sa Chili's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Nag-dinner sila roon kasama ng ilan pang Kapuso stars na nanggaling din sa inauguration rites.
May nakarinig kay Marco nang yayain niya si Aljur na pumunta sa Fiamma bar. Si Aljur naman daw ay nagsabing hindi pa siya nakakapunta sa Fiamma, na sinasabing "It place" ngayon. Di naglaon, nakita na nga ang dalawa sa Fiamma.
- Richard Gutierrez anticipates more drama, twist in final week of Survivor Philippines ; looks forward to acting in soaps after hosting jobs
- Richard Gutierrez wants to stay away from fantasy themes this 2012; looks forward to doing heavy drama
- Richard Gutierrez says he will support his sister Ruffa and mom Annabelle Rama in their latest problems
- Hearing on "serious physical injuries" and "malicious mischief" cases vs. Richard and Rocky Gutierrez rescheduled for November 10, 2011
- Annabelle Rama cries foul over approximately one-million-peso deduction from son Richard Gutierrez's talent fee
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Bianca King says she has introduced rumored boyfriend Dennis Trillo to her mom and lola: " Wala namang problema."
- Kris Bernal and Mark Herras reunite in afternoon soap
- Nancy Castiglione on Vicki Belo and Hayden Kho Jr. split: "I don't really know what's going on."
- MTRCB Chairman Grace Poe-Llamanzares on the new SPG rating for TV
- Louise delos Reyes and Enzo Pineda to go on a Valentine date via Skype
- Jon Hall on his new romance: "I've had enough drama in my life...I just want a peaceful relationship. Wala nang sigawan or awayan."
-
Big Shot
Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
Anne will bring Annebisyosa to different countries in the next few months.
-
Theater
Cirque Mother Africa will be presented from April 19-22 at Resorts World Manila
Dancers, percussionists, singers, acrobats and contortionists will impress audiences with a unique African-themed spectacle.
-
Fact or Fiction
Ogie and Manilyn share drama moments in new serye, Daldalita.
-
Profiles
ChicoSci vocalist Miggy Chavez plans to venture into tattooing and acting
After playing a small role in Segunda Mano , Miggy says "Why not?" to doing more mainstream projects.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Jessa Zaragoza confirms "tent incident" with Sarah Lahbati's aunt
Advertisement

