Dingdong Dantes and Karylle will answer rumored breakup together


 
"I know, it's not easy for her and the people around. So, gusto sana naming maayos ang pagsagot namin sa ganitong isyu. Alam ko that the people want to hear our side. Pero ako, I really want to ask for their patience because this is not an easy thing," says Dingdong Dantes.

Dingdong Dantes and Karylle will answer rumored breakup together

Rose Garcia

Rating


Kahapon, October 28, ay bumisita ang ilang piling entertainment press, kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sa shooting ng One True Love sa Las Posadas Lakeview, Sucat, Parañaque. Naabutan naming kasalukuyang kinukunan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa bahay nila sa movie. Honeymoon scene na raw ang kukuhanan pagkatapos.

 

Pagkatapos ng kanilang eksena ay nilapitan na nina Dingdong at Marian ang bumisitang press people at magiliw na nagpa-interview.

 

Ayon kay Dingdong, hindi madali ang movie na ginagawa nila.

 

"Mas seryoso, mas mature kesa sa mga roles na ginagampanan namin dati," umpisa niya. "Kung dati, nag-uumpisa ang mga eksena namin sa light hanggang sa puro biruan. ‘Eto, mag-uumpisa sa pinaka-peak ng story ng isang couple. Doon pa lang, magsisimula na ang conflict.

 

"Di ba, sa iba, sa gitna pa lang pumapasok ang conflict? ‘Eto, umpisa pa lang, alam mo na ang conflict. So, buong pelikula, yun ang itatakbo niya. Hindi siya madaling gawin."

 

Bilang isang young director, paano niya nasabing hindi madaling gawin ang One True Love?

 

"Because it deals more with emotion. Totoo siya at puwede siyang mangyari. Applicable talaga siya sa buhay. Kung sa bigat, siyempre may scenes na mabigat, may scenes na hindi. Iisipin mo kung imposible ba na mangyari yun and maa-amaze ka," saad ni Dingdong.

 

Two weeks na raw silang dire-diretsong nagsu-shoot na 18 hours halos araw-araw. Tuloy na tuloy na rin kasi sa November 19 ang playdate ng movie nila.

 

CLOSENESS WITH MARIAN. Kinumusta rin ng PEP kay Dingdong ang kung anumang closeness at sweetness meron silang dalawa ni Marian ngayon. Tila nabigyan din ng kakaibang kulay ng iba ang mensahe nila sa isa't isa sa Startalk noong October 25. Nagpasalamat kasi si Marian kay Dingdong dahil palagi raw siyang pinapasaya nito at tanggap niya kung anuman ang young actress.

 

"Ah, oo, kasi kahit naman dati. Nagtataka kayo kung bakit palagi ko siyang pinagtatanggol. It's because I understand her. If some people don't... Ako rin naman, not everyone siguro ay maniniwala sa akin. Pero kumbaga, may mga tao rin naman siguro na mali ang interpretasyon sa kanya.

 

"And that's the reason why ipinagtatanggol ko siya. Kaya siguro nasabi niyang tanggap ko siya dahil wala naman siyang kailangang baguhin. At yun nga, that's the reason why we click, wala kaming kailangang patunayan sa ibang tao. Wala kaming kailangang itago sa sarili namin," paliwanag ni Dingdong.

 

Hindi kaya ang ibig sabihin nito ay may espesyal na namamagitan sa kanila ni Marian?

 

"Puwede talagang magkaroon ng interpretation," pagsang-ayon niya. "Hindi ko naman matatanggal sa tao yun, na iniisip nila yun. The thing is, kung ano lang talaga ako sa kanya noong magsimula kami, walang nagbago run. Mas maganda pa rin ang samahan namin ngayon. At ang sa akin, mas maganda na ganoon ang relasyon namin."

 

Diretsuhang tanong: Sila na ba ni Marian?

 

"Hindi," sagot ni Dingdong.

 

RUMORED BREAKUP WITH KARYLLE. Nagpaliwanag naman si Dingdong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa niya magawang sagutin nang diretso ang tungkol diumano sa breakup nila ni Karylle.

 

"Kasi ganito ‘yan, siguro more or less, you know basically, but we made a promise to each other. Kami ni Kay, kung sasagot kami regarding this issue, magkasama kami. Hindi naman siya isang simpleng bagay. Hindi siya madaling bagay.

 

"I know, it's not easy for her and the people around. So, gusto sana naming maayos ang pagsagot namin sa ganitong isyu. Alam ko that the people want to hear our side. Pero ako, I really want to ask for their patience because this is not an easy thing," lahad niya.

 

Bakit hindi pa rin natutuloy ang sabay na pagsasalita nila?

 

"Matutuloy siya...matutuloy siya," paniniguro ni Dingdong. "Definitely, it would be this week, and she decided kasi na, since she has a column in [The] Philippine Star, so if things will turn out okay, doon na malalaman kung ano ang mangyayari.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  4  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement