Confirmed: Dingdong and Karylle breakup; Denied: Marian as third party

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Wednesday, October 29, 2008 @ 05:38PM  |  153653 views

 

It has been weeks since the rumored breakup between Dingdong Dantes (main photo) and Karylle (inset, top) was first heard. They still have to confirm or deny this, but PEP sources say that the two have, indeed, broken up. Dingdong's screen partner, Marian Rivera (inset, bottom) is being named as the third party, but Dingdong says that is not true.

Photo By: Noel Orsal














Kumpirmadong break na sina Dingdong Dantes at Karylle.

Ito ang napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa iba't ibang sources na pawang may malalim na koneksiyon sa dalawa at sa Kapuso network. Inaasahang bago matapos ang linggong ito ay sabay na magpapa-interview sina Dingdong at Karylle sa isang national broadsheet para sabihin once and for all kung break na sila.

Bago pa man ang anunsyong iyan, tinitiyak ng PEP na break na nga ang dalawa, na naging magkasintahan din ng tatlong taon.

Samantala, pumapasok ang pangalan ni Marian Rivera sa breakup.

Matagal nang ikinakabit ng iba ang pangalan ni Marian Rivera kay Dingdong, dahil na rin sa panay-panay na tambalan ng dalawa sa telebisyon at, kamakailan, ay sa pelikula man. Ngunit iginiit ng isang network insider na walang third party sa pagtatapos ng relasyon nina Dingdong at Karylle.

Ayon sa source, na may malayang access sa GMA-7, ang network kung saan nakakontrata sina Dingdong at Karylle, "na-outgrow" na lang ng dating magkasintahan ang isa't isa. At sa recent interviews naman nina Dingdong at Marian, itinanggi ng dalawa na may namamagitan sa kanila bukod sa pagiging matalik na magkaibigan.

Sa isyung Dingdong-Marian, ito ang paniwala ng PEP: Nagsasabi ng totoo si Dingdong sa pahayag na hindi si Marian ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Karylle. Ito ay sa dahilang "wala talagang commitment si Dingdong kay Marian," ayon sa isang beteranong reporter na malapit kay Dingdong.

Sa katunayan nga raw, sabi ng ilang reporters na nakapaligid kay Dingdong, parang "free na free" ang dating ni Dingdong. Parang ini-enjoy raw nito ang pagiging "single" muli. Madalas pa nga raw magkomento ang binata na nagagandahan siya sa ganito at ganoong babae, at nabibiro siya sa kanyang panlasa. Hindi raw ito ang magiging dating ni Dingdong kung tali na siya kay Marian.

Ganunpaman, hindi naniniwala ang PEP na walang namamagitan kina Dingdong at Marian. Maraming nasa paligid din ng dalawa ang bumubulong na mahigit sa magkaibigan sa propesyon ang turingan ng dalawa. Ayaw nga lang daw nilang ma-quote kasi baka pag-isipan ang dalawa ng masama ng mga maka-Dingdong-Karylle.

Naniniwala kasi silang matagal nang tumabang ang romansang Dingdong-Karylle, at kung sa nariyan o sa wala si Marian, hindi na rin daw ito iinit pa.

CONTRADICTORY STATEMENTS. Lumabas noon sa ilang reports na sabay raw magpapa-interview sina Dingdong at Karylle pagbalik ng young actor mula sa Amerika nitong Oktubre. Ito ay upang linawin ang balita kaugnay ng estado ng kanilang relasyon. Ngunit, mahigit isang linggo mula nang bumalik si Dingdong, wala pa ring pahayag mula sa kanya o maging kay Karylle.

Sa ilang panayam ng entertainment press kina Dingdong at Karylle matapos kumalat na break na sila, nakapagtatakang kadalasan ay hindi magkatugma ang kanilang mga sagot.

Noong October 8, sa mismong araw ng pag-alis ni Dingdong papuntang Amerika upang mag-abay ito sa kasal ng isang kaibigang matalik, nakausap ng YES! magazine si Karylle sa pamamagitan ng text message. Nang tanungin kung ano ang totoo sa balitang break na sila ni Dingdong, ito ang naging sagot ni Karylle: "We were just together this whole afternoon. He leaves in a while for the States. I just chose to be quiet kasi parati na lang ganito. The other week, [the rumor was] as if buntis ako. Paikot-ikot lang ang issue."

Ganito rin ang laman ng pahayag niya sa GMA-7 news program na 24 Oras noong October 14. (CLICK here to read related story.)

Pagdating na pagdating ni Dingdong mula sa Amerika noong October 17 ay dumiretso siya sa inauguration ng GMA Network Studios. Doon ay nahingan siya ng reaksiyon tungkol sa pahayag ni Karylle sa telebisyon.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name