Becky Aguila refutes claims of her former aide

Roldan Castro
Thursday, October 30, 2008 @ 07:47AM  |  35 views

 

"Yung mga sinasabi niya na paninira sa akin, iharap niya sa korte ang proof, wala akong kinatatakutan because I'm clean. Sa korte na lang tayo and stop giving false information sa tao. Lalo lang niyang dinadagdagan ang kaso niya," says talent manager Becky Aguila (in photo, with Jennylyn Mercado) about former employee Mel Pulmano. 

Photo By: Noel Orsal














Nagsampa na ng kaso si Jennylyn Mercado laban sa kanyang dating handler-road manager na si Rowena "Mel" Pulmano sa Quezon City Prosecutor's Office noong Martes, October 28, bandang alas-singko ng hapon. Kasama ang abogadong si Atty. Joji Alonzo at manager na si Becky Aguila, 19 counts of qualified theft through falsification of commercial documents and nine counts of falsification of documents ang ikinaso nila kay Mel.

After All Saints Day, si Becky naman ang magsasampa ng kaso sa dating staff.

"Kung kinausap lang niya kami nang maayos, inamin ang kanyang kasalanan at humingi ng kapatawaran, baka hindi pa humantong sa ganito," bulalas ni Becky nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero nanginig ang laman niya sa mga paratang at kuwento ni Mel sa Startalk at itinuturo niyang si Becky ang may kasalanan. (CLICK here for related story.)

"What she said was all fabricated lies. Mga bits and pieces of information na nilagyan niya ng twist," deklara ng manager. "Unang-una, sinabi niyang nag-recommend daw ako sa kanya ng valium, walang ganun at walang katotohanan yun. Ni hindi nga kami nagkakausap that time dahil galit ako sa kanya because may hiniram siyang pera sa friend ko without my knowledge.

"Kung uminom siya ng valium, wala akong kinalaman dun and hindi nga niya dapat ginawa yun dahil malinaw na pagtakas yun sa kanyang responsibilidad. Nagpunta kami ni Jen sa bahay niya para kumprontahin siya because that time, may mga na-discover na nga kami at hindi siya magising-magising," lahad ni Becky.

JENNYLYN'S HOUSE. Ibinulgar din ni Mel na pinursige diumano ni Becky na mabili ang bahay ni Jen para magkaroon ito ng pera at tanggihan ang offer na contract ng GMA-7 worth three to four million pesos.

Pero ayon kay Becky, "Alam ni Mel na kaya ko binili ang bahay ni Jen ay para isalba si Jen at matulungan. She needed money that time para sa kanyang pregnancy and panganganak because magla-lie low na nga siya. In-assume ko ang utang sa bangko ng bahay na six and a half years, and I gave Jen one million [pesos] in two installments para nga magamit niya sa kanyang pregnancy leave. Bago pa man dumating ang contract ng GMA-7, nabili ko na ang bahay ni Jen at nakakahiya naman sa GMA-7 na may ganitong issue.

"Regarding sa offer ng GMA-7, the offer was nice naman except that ang haba ng length. May mga bagay na hindi napagkasunduan and nagkaroon na lang kami ng compromise sa management na Jen will stay put as long as mapapangalagaan nila si Jen. Anyway, she's a homegrown artist naman and first StarStruck Survivor."

"FIGHT" WITH ANGEL. Exaggerated din daw ang ibinunyag ni Mel na araw-araw ay nag-aaway sina Becky at Angel Locsin.

"Open book naman sa lahat na ours is not a perfect relationship," sabi ni Becky. "Parang mother and daughter, may mga arguments but to say na araw-araw kaming nag-aaway is exaggerated dahil unang-una, hindi naman kami nagkikita ni Angel araw-araw. Nahihiya ako kay Angel at sa family niya dahil na-drag pa ang name niya rito while wala naman siyang kinalaman."

MEL'S INTERVIEW. Nilinaw rin ng manager ang sinabi ng former staff na wala siyang maipasuweldo kaya umalis ang mga tauhan niya. Pero nagtawanan lang daw ang ilang staff ni Becky sa kanyang opisina nang mapanood nila sa YouTube ang interview na yun ni Mel dahil updated daw sila sa suweldo.

Sabi ni Becky, "That was the time na nagagalit ako kay Mel because she borrowed money from my friend, using my company without my knowledge. So, nag-usap-usap silang mga tauhan ko na friends din naman ni Mel, and two of my staff resigned through text. They were asking for their salary and I told them na makukuha nila ang salary after they sign a quit claim at makukuha rin nila ang 13th month pay.

"Mel did not resign at ang sabi niya, magbabakasyon lang siya. So nag-report siya ng Monday ulit, pero I was mad pa that time sa kanya so hindi kami masyadong nagkakausap. Until dumating na nga yung time na na-discover ni Jen ang mga nagtatalbugang checks niya."

CASINO HABIT. Tungkol sa akusasyon sa kanyang lulong siya sa casino, aminado si Becky na dalaga pa lang daw siya ay nagka-casino na siya. Pero sariling pera niya raw ang kanyang ginagamit.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name