Boy Abunda on being gay: "It's the closest you can get to being an angel."


 
"Ako I will fight for same-sex marriage. But I will not get married. I'm in a 25-year relationship pero hindi ako kasal. Ang pinaglalaban ko lang ay karapatan. You know, ang hinihingi ng mga bakla ay hindi naman doon sa sobra sa karapatan ng tao. Ang hinihingi ng mga bakla ay equal chances, equal opportunities, equal lang," says TV host Boy Abunda, who has lifetime partner in the person of Bong Quintana.

Boy Abunda on being gay: "It's the closest you can get to being an angel."

Glen Sibonga

Rating

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang King of Talk na si Boy Abunda pagkatapos ng salu-salo sa ABS-CBN compound para sa birthday celebration niya sa The Buzz last Sunday, October 26.

 

Nagkuwento si Boy tungkol sa kanyang pamilya, buhay-pag-ibig, at ang patuloy niyang pakikipaglaban para sa karapatan ng mga bakla. Nagpunta sa Hong Kong si Boy para doon ipagdiwang ang kanyang birthday, kasama ang kanyang buong pamilya. Umalis sila umaga ng Lunes, October 27, at bumalik din after ng actual birthday ni Boy kahapon, October 29.

 

"First time ito sa buhay namin. Kasama ko ang Nanay Lesing, kapatid ko si Manang Fe, asawa ng kapatid ko, mga pamangkin ko, at syempre si Bong [Quintana, longtime partner ni Boy] kasama rin. Kami ni Nanay ang usually magkasama sa travel. Pero ito yung first time na buo kaming magkakasama," excited na pahayag ni Boy isang araw bago sila umalis.

 

Espesyal ang trip na ito para sa kanya dahil makakasama niya ang kanyang kapatid, ang Vice Mayor ng Borongan City na si Manang Fe. Aminado si Boy na for quite some time ay hindi sila in good terms.

 

"Nag-sorry ako. Sinabi ko ang lahat ng sama ng loob ko. Sinabi nila ang sama ng loob nila sa akin. Alam mo, it humbles me. It took me a lot of time to realize na hindi siya ako, at hindi ako siya. Hindi ba, kadalasan sinasabi natin na, 'Bakit hindi mo ako magaya? Bakit hindi ka ganito? Bakit hindi ka ganyan?' Mali pala 'yon. And it took me a long time. Sabi ko, salamat sa Diyos na in Nanay's lifetime, hindi man kami perpekto, sinubukan naming mabuo," saad ni Boy.

 

Mahirap daw talaga na mangyari noon na magkaroon ng ganitong pag-uusap ang pamilya. Pero kailangan na raw talaga, ani Boy, kaya siya na ang nag-initiate.

 

Gaano kahirap yung ganoong sitwasyon na dapat yung kapatid mo ay kasama mo at kausap mo pero kasamaan mo pala ng loob?

 

"Hindi kasamaan ng loob, ha," paglilinaw niya. "Mas maganda nga sana iyong masama ang loob mo, dahil may ginawa. Pero kami, meron lang kaming strain. Alam mo yun, hindi lang kayo magkaintindihan dahil iba siya, iba ako. Halimbawa, ang atake ko sa problema iba, ang atake niya iba. 'Pag nagtagpo kayo, hindi naman sa nag-aaway, pero nagsisigawan kayo. At saka 'yong sinasabi nga ng nanay, bakit hindi siya katulad ko. Hindi maganda 'yon sa kapatid mo. Dahil ang kapatid mo ay unique."

 

VICTIM MENTALITY. Gaano kahirap yung panahon na ikaw ay sarado at sa palagay mo ay perpekto ka?

 

"Gaano kahirap yun? Para kang nilalatigo minu-minuto sa iyong buhay. There were times when I felt the victim mentality. I felt that I was so abused. Hindi ko alam na the biggest abuser ng sarili ko, ako. Alam mo, may mga panahon noong nagtatrabaho ako, umaakyat ako, pumupunta sa ibang kuwarto, para lang umiyak. Kasi hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Dumating pa ako sa time na komonsulta pa ako sa isang psychiatrist.

 

"When people say, 'Is it going to be easy?' Of course not, it's going to be hard. There will be a time na hindi ka na kasing kailangan ng industriya. Advantage ko, manager ako. Dumadaan, pumapasok ang mga bagong artista. I know what it is. Alam ko ang kalungkutan. Alam ko ang depresyon na pinagdadaanan ng mga taong gusto pa pero wala nang pumapalakpak. That somehow prepares me. But does it mean it will be easier for me? No. Pinaghahandaan ko ba, siguro. Insecure ba ako, siguro.

 

"Hindi siguro kasing bigat sa iba kasi nagawa ko na ang gusto ko. I always do my job to the best that I can, di ba? Hindi ako suwapang. Alam na alam ko sa puso ko, may dalawang points yan e, isa ayaw na sa iyo, pangalawa baka umayaw din ako. Nakakapagod din ang trabaho natin. You know, no matter how you love this job, this can be tiring. Alam mo my friends would say, alam mo 'yang si Abunda, kapag napagod 'yan, lalayas 'yan. Totoo.

 

"There may be a day that I would just realize that, 'Teka muna, I want to spend more time with Nanay. I want to spend more time with Bong. I want to travel more.' So, dalawa lang 'yan, either ayaw na nila sa akin or ayaw ko na rin. Hindi sa ayaw. Pero I want to have more time, gusto kong magturo. Kumukuha ako ng Foreign Service sa Philippine Women's University. Five years from now, who knows, I'll be an ambassador."

 ,

May plano ba sa pulitika?

 

"Hindi, e. Kasi ang kapatid ko nasa pulitika. Ang nanay ko galing sa pulitika. My late father was also into politics. Ako talaga hindi, e. Si Kris [Aquino] sabi niya, ‘I'm not closing my doors.' Pero ako, kung tanungin n'yo ako, ayoko talaga. If I'm going to change my mind, I don't know. Pero malabo. Baka kapag nag-speech ako, bigla akong sigawan ng, ‘Bakla!' baka makapatay pa ako!" biro ni Boy.

 

25 YEARS WITH BONG. Alam naman ng marami na matagal na silang nagsasama ng kanyang partner na si Bong Quintana. Sa katunayan, 25 years na sila. Paano ba ide-describe ni Boy ang kanilang relationship?

 

"With Bong it is not easy. Ang pinagdaanan kasi namin ni Bong, hindi rin madali. Twenty-five years na kami sa November 3, birthday ni Ate Vi [Vilma Santos]. It is not a perfect relationship. Ang dami naming kagaguhan. Ang dami naming ayaw sa amin. Pero lahat nang iyan nalampasan."

 

Ano yung pinakamabigat na pagsubok na halos ay maghiwalay sila?

 

"Ang dami, pero hindi kami naghiwalay, e. Isang gabi sigurong hiwalay. Pero walang matagal. In our 25 years, madami na kaming pinagdaanan," saad ni Boy.

 

Since birthday nga niya sa October 29, may ibinigay na bang regalo si Bong sa kanya?

 

"Ako ang nagregalo sa kanya!" pagbibiro ni Boy. "Alam mo I was about to go home, I don't know what he has for me. Alam mo why he's very, very important to me aside from the love? Siya talaga yung...he's the only person I think, outside of my family, who loves me more than I love my self."

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement