Sexy actress Criselda Volks was in the news last year when she tried to take her life by drinking liquid bleach and detergent soap. Recently, four sex videos started to proliferate through the Internet and through cellphones. Allegedly, the woman in all four videos, is Criselda. Above: a photo of Criselda taken at the Golden Screen Awards in 2006. Inset: the screencapture of the woman in the said sex videos.

Photo: Noel B. Orsal (main photo) screencapture from video (inset)

Kumakalat na sa pamamagitan ng Internet forums, e-mails. at cellphone videos ang ilang sex videos ng isang babaeng diumano'y ang sexy actress na si Criselda Volks.

Apat ang sex videos, at sa apat na yun, pawang may closeup shots pa ang babaeng nasa video. May mga closeup shots din ang lalaking ka-sex ng babae sa video, bagama't bahagyang kita lamang ang mukha nito sa mga kuha dahil nasa akto ng pakikipag-sex.

Si Criselda Volks ay nakilala sa mga pelikulang sexy ang tema. Nagsimula siya ng kanyang showbiz career noong late ‘90s at kabilang sa mga pelikulang nagawa niya ay ang No Read, No Write (1997), Walang Katapusang Init (1998), Kaleldo (2006), at Siquijor: the Mystic Island (2007).

Pansamantala namang nagpahinga ito sa showbiz nung 1999 hanggang 2002, nang makarelasyon ang aktor na si Cris Villanueva at nagkaanak ng isang batang lalaki rito. Nakipaghiwalay siya kay Cris nung 2005.

Huling nagkaroon ng balita tungkol kay Criselda nung 2007, nang nagtangka itong magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng detergent soap at liquid bleach. Dali-daling isinugod sa ospital si Criselda, ngunit tumangging magpa-admit sa ospital na pinagdalhan. Umuwi na lamang ito ng mag-isa, sakay ng taksi, sa tinutuluyang condo unit sa Makati City.

Nung una'y sinabi nitong nalulungkot lang siya dahil sa pag-iisa kaya siya nagtangkang magpakamatay, ngunit kalaunan ay inamin nitong ang pakikipag-split sa boyfriend niya ang tunay na dahilan ng kanyang tangkang pagpapakamatay.

Wala nang narinig pang muli tungkol kay Criselda matapos ang mga balitang iyon, hanggang sa nagsimula na ngang kumalat sa Internet at pagpasa-pasahan sa mga cellphones ang tinagurian ng "Criselda Volks Sex Video Scandal."

Sa ilang Internet forums, diumano'y boyfriend ni Criselda ang lalaking nasa video. May mga nagsasabi pa ngang very recent lang ang scandal na ito dahil sa isa sa mga video ay nakasuot pa ang babae ng football jersey ng British football team na Arsenal. Ang jersey na ito raw ay para sa 2006-2008 international football season.

Sa kolum naman ni Ogie Diaz sa People's Tonight na "May Gano'n?" noong October 27, isinulat nitong lubhang nakakaawa raw ang itsura ng babae sa video, na sabi ni Ogie ay diumano'y si Criselda.

"Hindi maipagkakailang siya yung nasa video na nakahiga sa kama at ‘sinasamantala' ng isang Malaysian," report ni Ogie.

"Gusto naming murahin nang bonggang-bongga yung lalaki, dahil ‘nagamit' na nga niya 'yung katawan nu'ng babae, talagang kinunan pa niya ng video.

"Ginawa nitong ‘bading' si Criselda," ulat pa ni Ogie.

Sa pagkakasulat na ito ni Ogie, mahihinuha kung anong klaseng sex positions ang ginawa ng lalaki sa babaeng sinasabing diumano'y si Criselda.

Habang sinusulat ang balitang ito'y sinikap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Criselda Volks at mahingan siya ng pahayag sa pamamagitan ng pagtawag namin sa kanyang cellphone number. Ngunit hanggang sa lumabas na ang balitang ito'y hindi pa rin niya sinasagot ang aming texts at tawag tungkol sa mga nasabing sex videos.