PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera not closing doors on possible "FHM" cover debut

Marian's role in the upcoming romantic movie One True Love requires her to be daring and sexy.
by Bong Godinez
Published Oct 30, 2008
It definitely won't happen this year, but former Marimar and Dyesebel lead star Marian Rivera revealed that her gracing the cover of FHM Philippines is still highly possible. "Kinu-consider namin siya. Pero hindi ko alam kung kelan din, at saka hindi naman sa mas madami kaming pinapaboran, mas marami kasi akong trabaho ngayon na dapat ding unahin," she said to PEP in a recent interview.

Maging si Marian Rivera ay naninibago sa kanyang role sa upcoming romantic movie ng GMA Films at Regal Entertainment na One True Love. Dumalaw sa set ang PEP (Philippine Entertainment Portal), kasama ang ilan pang entertainment reporters, noong Martes, October 28, sa Las Posadas, Lakefront, Sucat, Parañaque.

"Parang oo!" tawa ni Marian nang itanong ng PEP kung sexy ba ang kanyang papel sa nasabing pelikula. May love scenes dito si Marian at ang leading man niya na si Dingdong Dantes.

Dagdag ng dalaga: "Hindi ako nagna-nighties, ngayon nagna-nighties ako. Sa Dyesebel kasi, kiss lang kami. Dito [One True Love], kasi may mga atake na ginagawa si Direk Mac [Alejandre] na ginawa namin, pero dahil sa mga camera niya, kung paano niya iikot, so mag-iiba talaga sa paningin ng tao. Instead kasi na focus agad sa mukha, kunwari balikat muna. So, ginawa niyang mas kapana-panabik siya at mas kaayaaya siyang panoorin na parang hindi bastos pero wow! Parang nakaka-in love."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FALLING FOR DINGDONG. Mainit pa rin ang bulung-bulungan na may namamagitan kina Marian at Dingdong. Noong press visit ay mariin na itinanggi ni Marian ang usap-usapan, partikular sa punto na siya raw ang dahilan kung bakit nauwi sa breakup ang relasyon ni Dingdong at ng singer na si Karylle.

"Kahit kelan hindi ko inisip sa sarili ko na makapanakit ng ibang tao para sa sarili kong kaligayahan at never akong mang-aagaw para magka-boyfriend ako," direstong pahayag ni Marian patungkol sa issue.

"Kasi kaya ko magkaroon [ng boyfriend] nang hindi ko kailangang mang-agaw, at kaya akong mahalin ng isang lalake nang wala akong ginagawa. Mas maganda ‘yong naka-steady lang ako kung may magkagusto man sa akin. Pero never kong gagawin na makapanakit para sa sarili kong kaligayahan. Never kong gagawing manulot para magkaroon ako ng boyfriend, never. Dahil takot ako sa karma."

Pero hindi naman daw imposible na mahulog ang loob niya kay Dingdong dahil na rin sa kabaitan na ipinapakita sa kanya nito sa tuwing magkasama sila sa tapings o iba pang showbiz-related functions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Dingdong kasi, simula nung nag-Marimar kaming dalawa, hindi nagbago, e, sobrang maalaga maalalahanin," sabi ni Marian. "Alam mo ‘yong tutulungan ka niyan sa bawat ginagawa mo? Sobrang suportado ka. Halimbawa, kinakabahan ka, 'Ano ka ba, kaya mo 'yan! Yung alam mong palagi siyang nandiyan sa 'yo, hindi ka niya pababayaan. Totoong tao, e, 'yon 'yong pinakaimportante sa isang tao. 'Yong totoo ka sa sa sarili mo, totoo ka sa ginagawa mo, sincere ka sa lahat ng ginagawa mo. Walang pag-aalinlangan, walang kaplastikan, 'yong totoo lang lahat."

Kung sa personal preference lang din sa isang guy ay hindi naman daw pihikan ang dalaga. Katuwiran nito: "Wala ako nung ‘Ay, kailangan guwapo!' ‘Ay, kailangan matangkad!' Wala akong ganun, e. Iba-iba, minsan maliit 'tapos maitim, ‘Ay, ang cute naman nun!' Di ba? Minsan naman ang tangkad, ‘Ay, ang cute!' Depende din. Hindi pare-parehas."

GRACING FHM'S COVER. Kinumusta ng PEP kay Marian kung ano na ang current status ng matagal nang proposal ng FHM Philippines na lumabas siya para sa cover nito matapos niyang masungkit ang titulong Philippines' Sexiest Woman for 2008.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Alam mo, sa totoo lang, hindi ko alam kung papaano ko gagawin kasi ginagawa ko 'to [One True Love], sumi-segue ako sa Shake [Rattle and Roll]. May Desperadas pa ako, isi-segue pa ko nila dun kina Kuya Jose [Manalo], Scaregiver. So, paano ‘yon?" tanong ni Marian.

Originally sana ay target ng nasabing popular men's magazine na mapapayag si Marian ngayong taon. Subalit dahil patapos na ang 2008 ay imposible na itong mangyari.

Wala naman dapat ikalungkot ang mga loyal readers ng FHM dahil hindi naman isinasara ni Marian ang kanyang pinto sa posibilidad na mag-pose dito.

"Kinu-consider namin siya," nakangiting pahayag ni Marian. "Pero hindi ko alam kung kelan din, at saka hindi naman sa mas madami kaming pinapaboran, mas marami kasi akong trabaho ngayon na dapat ding unahin, lalo ‘yong mga movies na ‘to, araw-araw ‘yong shooting namin. I'm sure naiintindihan naman nila 'yon at pinaliwanag naman namin sa kanila," pagwawakas ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It definitely won't happen this year, but former Marimar and Dyesebel lead star Marian Rivera revealed that her gracing the cover of FHM Philippines is still highly possible. "Kinu-consider namin siya. Pero hindi ko alam kung kelan din, at saka hindi naman sa mas madami kaming pinapaboran, mas marami kasi akong trabaho ngayon na dapat ding unahin," she said to PEP in a recent interview.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results