Bubbles Paraiso finally speaks up about "sikuhan" issue with Jewel Mische

Nitz Miralles
Thursday, October 30, 2008 @ 05:45PM  |  57257 views

 

"There's no reason to gang up on her, kaya gulat ako sa isyu. I've never worked with her pa. Magkakilala kami but she's not my friend and not my enemy either. We're acquaintance," says Bubbles Paraiso about Jewel Mische (inset).

Photo By: Noel Orsal













THE FIAMMA INCIDENT. Isyu rin ang presence ni Bubbles sa Fiamma Bar sa Makati City na pinangyarihan naman diumano ng kumprontasyon nina Richard Gutierrez at Aljur Abrenica. Ayon sa isang source ng PEP ay si Bubbles daw ang yumakap kay Richard para raw awatin sa pang-aaway kay Aljur.

Ayon kay Bubbles, totoo na niyakap niya si Richard, pero hindi raw para awatin.   

"I was in Fiamma, but I left early dahil pagod ako dahil wala akong kinain. Niyakap ko si Chard, parang hello yun as a brother at hindi dahil inawat ko siya. Walang pagnanasa ang yakap na yun. Niyakap ko rin sina Raymond [Gutierrez, Richard's twin brother], at Michelle.

"Nakita ko rin dun si Aljur at kinausap ko pa siya and how is he enjoying Fiamma. Umalis ako agad kaya hindi ko alam ang away-away na ‘yan. Ang alam ko, si Marco [Alcaraz] pa ang naghatid kay Aljur, kaya nagulat ako na may isyung away na," kuwento ni Bubbles.

BUBBLES WANTS TO CLEAR HER NAME. Paano niya gustong magtapos ang isyung ito?

"Gusto ko ma-clear ang isyu dahil wala naman akong ginawa. Gusto ko ma-clear ang name ko. I don't expect na after this magiging friends kami ni Jewel, but I'm willing to talk to her. Ang liit ng showbiz and we're all in Channel 7. Sooner or later, magku-cross ang path namin at baka magkasama pa kami sa trabaho. Ang pangit kung nasa dressing room kami at hindi nagpapansinan," pahayag ni Bubbles.

Payag ba siyang matawag na "Siko Queen"?

"Ang pangit naman noon, ibahin natin," pakiusap nito sa press.

Wala pang next project si Bubbles sa GMA-7 pagkatapos ng Codename: Asero, na malapit nang magwakas. Kung may choice siya, gusto niya raw mag-try ng comedy.

Paano kung pagsamahin sila ni Jewel sa isang show at gawin siyang kontrabida nito?

"Okey lang! Basta trabaho, hindi ako tatanggi," sagot niya.

Bago matapos ang interview ng PEP kay Bubbles, may humabol na isyu na may kumakalat na text message at tinukoy si Pauleen Luna as the young actress from GMA-7 na source ng "imbentong balita" kina Jewel at Bubbles. Any comment?

"May bago na namang nadadamay sa isyu, ang daming nadadawit na hindi dapat. Kaya kailangang matapos na ito at kung talagang may nasiko ako, hindi ko yun sinasadya," pagtatapos ni Bubbles.

« Prev  1  2  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name