Sa interview ng Startalk sa dating handler ni Jennylyn Mercado na si Mel Pulmano, sinabi nitong handa siyang harapin ang kasong isinampa ni Jennylyn at handa rin siyang sagutin ang mga paratang ni Becky Aguila.
Matatandaang nag-file na last October 28 ng kasong qualified theft at falsification of documents si Jennylyn kontra kay Mel. Kasama ni Jennylyn sa pag-file ang kanyang manager na si Becky at ang kanilang abugado na si Atty. Joji Alonso. (CLICK here for related story.)
"Kasi alam ko magsasampa sila ng kaso. Kaya sila nade-delay kasi wala silang makuhang ebidensiya," ang sabi ni Mel sa Startalk. "Hanggang sa si Becky nga ay tinatakot na ang kung sino-sino na malalapit sa akin, na pinapagawa nila ng statement. Kaya natagalan sila kasi walang gumagawa ng statement."
Last October 29 ay nakipag-usap na rin si Mel sa kanyang abugado na si Atty. Noel Bulaong.
Nasabi ni Jen na sinubukan niyang kausapin si Mel, pero pagdating sa bahay nito ay nakapikit lang daw si Mel at ayaw dumilat. Eto ang sagot ni Mel: "Hinarap ko si Jen. Pero ang problema, tulog ako, e. Hanggang four days akong tulog. Kaya siguro hinarap ko siya kahit tulog ako."
Ang mahabang pagkakatulog ni Mel ay dahil umano sa ininom niyang valium, na sinabi raw ni Becky na inumin niya.
"Talagang parang lantang gulay naman ako kung makikita daw nila ako. Kung sasabihin ni Jen na nag-iinarte ako, bakit niya ako dadalhin sa ospital? Naawa si Jen sa akin, e. Pero si Becky ang nagsasabi sa kanya na, 'Huwag mong dalhin sa ospital. Nagloloka-lokahan lang 'yan. Nag-aarti-artista lang.' Si Becky ang nagsasabi nun kay Jen."
ONE-SIDED. Nagkomento pa si Mel tungkol sa pagkampi ni Jen kay Becky.
"One-sided siya, e. Sana si Jen, hindi siya one-sided. Ngayon na lang na ganito ang sitwasyon dapat... Tine-text ko siya, e, pati si Mommy Lydia [adoptive mother ni Jen]. Hindi ako sinasagot. Hindi ako magmamalinis. Sasabihin ko kung ano yung katotohanan."
Sinasabi niyang mahal niya si Jen, ginusto ba niyang umabot sa ganito ang pagsasama nila ni Jen?
"Hindi. Hanggang ngayon naman mahal ko naman siya, e. Tinext ko nga siya, e. Sabi ko, ‘Kung mahal mo pa rin ako at itinuturing mo akong tita, kausapin mo ako.' Pero hindi siya nag-text back.
"Kasi ang ginawa ni Becky, magaling, e... Pinangunahan niya agad ako habang tulog ako. Kinausap niya si Jen. 'Eto ang gagawin mo. Nagpapa-interview daw si Mel. Sinabing nagpalaglag ka daw.' Dun lang si Jen nagalit sa akin. Sabi nga ni Mommy Lydia, bilin ni Becky kay Jen na huwag akong kausapin."
Ano ang message niya kay Jen?
"Jen, malalaman kung ano ang katotohanan, kung ano ang merong ugali yung manager mo na si Becky Aguila."
WHERE JENNYLYN'S MONEY WENT. Nang tanungin si Mel kung saan napunta ang perang hinahanap ni Jen, tahasan nitong sinabing: "Kay Becky Aguila! Check mo yung account ko, wala akong ganun, e. Check mo sa bahay ko, wala. At saka hindi ako nagpapa-lipo, di ba? Hindi ako nagka-casino."





