A few days after PEP (Philippine Entertainment Portal) came out with news that a sex video which hit cellphones and the Internet apparently involved Criselda Volks, the sexy actress confirmed the existence of the controversial video. "Kami ‘yon ng boyfriend ko ng five years," Criselda confessed. "Kami ang magkasama, so automatically siyempre nagbi-video-han kami."

Photo: Noel Orsal

 

Noong Huwebes, October 30, ay lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkalat diumano ng sex video ng sexy actress na si Criselda Volks. (CLICK here for related story.)

 

Ayon sa artikulong isinulat ni Rommel Llanes, "Apat ang sex videos, at sa apat na yun, pawang may close-up shots pa ang babaeng nasa video. May mga closeup shots din ang lalaking ka-sex ng babae sa video, bagama't bahagyang kita lamang ang mukha nito sa mga kuha dahil nasa akto ng pakikipag-sex." 

 

Matagal nang walang balita tungkol kay Criselda, maliban sa mga personal issues na lumabas tungkol sa kanya, tulad ng lagay ng relasyon niya at ng dating asawa na si Cris Villanueva. Noong isang taon nga ay nabalita ang suicide attempt ni Criselda, matapos uminom ng detergent soap at liquid bleach dala ng matinding depression, matapos diumano makipag-break sa boyfriend nito.

 

Mula noon ay wala nang narinig tungkol sa dating sexy actress hanggang sa kumalat nga ang hinihinalang sex video niya sa pamamagitan e-mails, Internet forums, at cell phones.

 

"PERSONAL VIDEO." Sa isang taped interview na ipinalabas kahapon, November 2, sa The Buzz, inamin ni Criselda na siya ang babae sa nasabing video.

 

"Kami ‘yon ng boyfriend ko ng five years. Kami ang magkasama, so automatically siyempre nagbi-video-han kami," diretsong pahayag ni Criselda.

 

Paliwanag ni Criselda, "personal" daw ang kuha at hindi ito dapat kumalat.

 

"Alam ko basically kung ano'ng laman ng video," sabi ng dating artista. "Nakita ko ‘yong video sa phone at that time. Matagal na ‘yon, pero hindi ko inisip na lalabas ‘yon."

 

Sa mga ganitong uri ng insidente ay natural lamang na mapagbintangan ang kabilang party, lalo na kung hindi maganda ang naging paghihiwalay ng dating magkarelasyon. Pero naniniwala raw si Criselda na walang kinalaman ang dating boyfriend sa pagkalat ng sex video. Ayon sa kanya, bagama't hiwalay na sila ay nananatili pa rin daw silang mabuting magkaibigan kaya malabo na ito ang nagpakalat ng video.

 

"I don't regret making the video because it was supposed to be a personal life, personal namin ‘yon. Sumama ang loob ko doon sa naglabas ng video," himutok ni Criselda.

 

MERE VICTIM SCANDAL. Inamin din ni Criselda na pumasok siya sa isang rehabilitation center para matulungan siyang matanggal ang mga bisyo, katulad ng pagsusugal at pag-inom ng ilang medication.

 

"For almost three years, hindi na ako nagka-casino. When I went to rehab a year ago, I stopped everything. Hindi na ako nagsusugal, hindi na ako nag-sleeping pills, hindi ko na din tina-try i-kill ang sarili ko," sabi ni Criselda.

 

Nanawagan si Criselda sa publiko na sana'y huwag siyang husguhan dahil lamang sa kumalat na sex video. Sa usaping ito ay biktima lang din daw siya katulad ng iba pang nasangkot sa ganitong klaseng isyu.

 

"Sana huwag na lang akong pandirihan dahil biktima lang ako," panawagan ni Criselda. "Ako, naaawa ako sa sarili ko, sana maawa din kayo. Na-down po ‘yong moral ko, ‘yong dignidad ko sobrang down na down na." 

 

Si Criselda ay lumabas sa mga sumusunod na pelikula: No Read, No Write (1997), Walang Katapusang Init (1998), Kaleldo (2006), at Siquijor: The Mystic Island (2007). Siya ay hinangaan ng maraming kritiko sa kanyang pagkakaganap sa maraming klase ng roles, lalo na sa indie film na Kaleldo, kung saan gumanap siya bilang lover ni Cherry Pie Picache.