"Actually, tama yung reaction ni Kuya Boy, kasi hindi ko rin alam talaga na magkakilala sila ni Ervic. It's true na hindi lahat ng kakilala ni Ervic ay kakilala ko, ganoon na lang yun," madiplomasyang pahayag ni Marian sa isyu ng kilala ba o hindi ni Boy ang ex-boyfriend niya.
Marian Rivera chooses diplomacy in near misunderstanding with Boy Abunda
Tuesday, November 4, 2008
04:12 PM
Kasagsagan na ng shooting para sa One True Love at nag-umpisa na rin ang paggiling ng kamera para sa Desperadas 2. Any day now, raratsadahin na rin ni Marian ang trabaho para sa Shake, Rattle & Roll X, kung saan ang aktres ay tampok sa episode na "Nieves."
Ang One True Love ay ipalalabas na sa November 19, samantalang pareho namang entries sa 2008 Metro Manila Film Festival ang Desperadas 2 at Shake, Rattle & Roll X.
Wala na halos panahon si Marian para sa isang matinong sit-down interview, unless pupuntahan siya sa set. Mabuti na lang at nakipag-ayos ng phone interview si Marian para sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
WHAT A COINCIDENCE! "Lahat na ng tungkol sa split-up namin ng ex-boyfriend ko, naipaliwanag ko na, kaya ayoko nang magpaulit-ulit," pauna ni Marian. "Three months na rin kaming off, kaya wala nang saysay para pag-usapan pa yun. Ang importante naman doon, happy ako sa naging desisyon ko. Hindi ganoon kadali yun, pero tinanggap ko na lang. Sa dami ng trabaho ko, wala na akong panahon para makaramdam ng bitterness."
Matatandaang inamin ni Marian ang pakikipag-break niya sa model na si Ervic Vijandre, sa interview sa kanya ng PEP noong October 28, sa shooting ng One True Love. (CLICK here to read related story.)
Marami ang nagsasabing tiyempung-tiyempong nagtatrabaho sina Marian at Dingdong Dantes sa kanilang unang team-up sa pelikula, at saka naman naglabasan ang breakup stories: siya kay Ervic, at si Dingdong kay Karylle.
"Nagkataon lang siguro," sabi ni Marian. "Gaya sa sinabi ko, yung sa akin, three months ago lang. Kailan lang lumabas. Wala talaga akong kinalaman sa split-up nina Dingdong at Karylle. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan kong magpaliwanag tungkol diyan, kasi magkatrabaho lang talaga kami ni Dingdong."
Diretsahang sinabi rin ni Marian, "Kung iniisip ng iba na gimmick lang namin ito, wala akong magagawa. Kahit ano pa ang sabihin ko, kung yun din lang ang paniniwalaan ng iba, it's all up to them. Pero talagang labas ako sa kung ano ang mga isyu kina Karylle at Dingdong.
"The same thing na wala ring kinalaman si Dingdong sa personal life ko. Nagkakakuwentuhan man kami, friendship level lang talaga yun. Sa amin na lang yun, kasi friends naman kami talaga ni Dingdong."
ON BOY ABUNDA. Pero ano ang masasabi ni Marian sa reaction ni Boy Abunda, na may himig-pagtataray sa The Buzz, noong Linggo, November 2? Nanggaling daw kasi sa kampo ng manager niyang si Popoy Caritativo ang mga salitang kesyo hindi naman daw kilala ni Ervic si Boy.
Nagsimula ang isyu nang ikuwento ni Kris sa The Buzz noong Linggo ang alam niyang dahilan kung bakit nag-break sina Marian at Ervic. Malapit kasing magkaibigan si Kris at ang manager ni Marian na si Popoy.
Ayon kay Kris, ayaw raw ni Ervic na gawin ni Marian ang isang commercial. Pinapili raw ni Ervic si Marian kung ang commercial o siya. Pinili raw ni Marian ang commercial.
Kinontra naman ni Boy ang sinabi ni Kris. Ayon daw kasi sa mga kaibigan ni Ervic ay hindi totoong pinapili ng binata si Marian kung siya o ang commercial.
Nag-react naman si Kris at sinabing hindi siya naniniwalang kakilala ni Boy si Ervic.
During the commercial break ay tinawagan agad ni Kris si Popoy. Nang bumalik na sila sa ere, ikinuwento ni Kris na tinawagan ni Popoy si Marian tungkol sa pagiging magkakilala nina Boy at Ervic.
Ang sabi raw ni Marian kay Popoy, ang alam daw niyang kakilala ni Ervic ay ang kolumnistang si Joe Barrameda at hindi si Boy.
Pagkatapos ulit ng commercial break, sinagot ni Boy ang sinabi nina Popoy at Marian na hindi kilala ni Ervic si Boy. Sabi niya, hindi raw kawalan sa kanya kung kilala man siya o hindi ng ex-boyfriend ni Marian. Dagdag pa niya, may mga kakilala raw si Ervic na hindi kakilala nina Marian at Popoy.
Ang madiplomasyang sagot ni Marian: "Nag-uusap naman sina Kuya Boy at ang manager ko, at parang biruan lang nila nina Kris [Aquino] yun. Actually, tama yung reaction ni Kuya Boy, kasi hindi ko rin alam talaga na magkakilala sila ni Ervic. It's true na hindi lahat ng kakilala ni Ervic ay kakilala ko, ganoon na lang yun.
"Sinabi ni Kuya Boy kay Popoy na hindi naman daw siya nagtataray at nagpaliwanag lang. I don't mean anything bad, na sinabi kong hindi naman sila [Ervic at Boy] magkakilala personally, dahil siyempre, walang nabanggit sa akin si Ervic."
THE REAL MARIAN. Parang may lumalabas na impresyon sa publiko na maldita si Marian. Kumalat nga noon na nagtataray raw siya nang wala sa lugar.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Dolphy advises Willie Revillame not to run for public office
- TNS National TV Ratings (Nov. 16-19): TV Patrol World and May Bukas Pa in a tight contest for primetime supremacy HOT
- Angelica Panganiban receives Hermes bag from boyfriend Derek Ramsay on her birthday
- Manny Pacquiao turns his victory party into a mini-concert
- AGB Mega Manila TV Ratings (Nov. 16-19): Darna reclaims top spot from Stairway To Heaven HOT
- Carla Abellana misses chance to work with Marian Rivera and Dingdong Dantes in separate projects
Elsewhere
-
Features
Korean Cultural Festival to feature K-pop boyband Shinee
The free concert will also feature jazz band Winterplay and rap duo Mighty Mouth
-
Controversies
Maricar Reyes reveals inner strength in Women's Health November issue
Maricar reveals how she was able to rise above the hounding video controversy.
-
Travels
Dingdong confirms paparazzi photos of him and Marian taken in Singapore.
-
Looking Back
Rio Locsin remembers classic films with acclaimed directors
She takes pride in having had the chance to work with legendary filmmakers Lino Brocka, Ishmael Bernal and Elwood Perez.
Most Popular
- Manny Pacquiao and wife Jinkee reportedly had a big fight over Krista Ranillo
- YouTube video shows Manny Pacquiao inside his car with a mysterious woman
- Manny Pacquiao on rumored affair with Krista Ranillo: "No comment."
- Krista Ranillo's camp planning when and how to answer rumor on affair with Manny Pacquiao
- Manny Pacquiao wins by TKO over Miguel Cotto!
- Veteran actor Johnny Delgado succumbs to cancer at 61
- Joey Marquez denies tweet about mall rendezvous with Joanne Quintas; PEP releases their "holding-hands" photo
- Boy Abunda gives his take on Manny-Krista rumored affair
- Rosanna Roces warns the Revillas: "Kapag ako nag-Pasko wala ang apo ko, magiging kulay abo ang langit nila!"
- KC Concepcion would rather not support any politician openly


