| Register

Dingdong Dantes wants time off from personal questions after confirming breakup with Karylle


 
After his confirmation of the breakup, Dingdong pleads: "...hihilingin ko po sana na huwag na munang iungkat o pag-usapan kung anuman ang nangyari because I would like to deal with it sometime later on. Sana huwag dito sa panahon na may pelikula at maraming presscon, because ayoko namang mabigyan ng ibang kahulugan. Ayoko rin silang magambala sa mga bagay na hindi sila concerned." By "sila," he means the cast and crew of his upcoming movie, One True Love.

Dingdong Dantes wants time off from personal questions after confirming breakup with Karylle

Glen Sibonga

Rating

  • Bookmark and Share


Eksaktong isang linggo pagkatapos kumpirmahin ng PEP ang breakup nina Dingdong Dantes at Karylle, pormal nang in-announce ng dalawa ang kanilang paghihiwalay sa The Philippine Star, na lumabas ngayong araw, November 5. (CLICK here to read related story.)

 

Gaya ng naisulat na rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), walang third party sa breakup nina Dingdong at Karylle. Wala rin daw kinalaman ang screen partner ni Dingdong na si Marian Rivera sa kanilang paghihiwalay, na nakasaad din sa artikulo ng PEP noong October 29.

 

Walang sinasabi ang PEP na hindi malapit sina Dingdong at Marian. Sinasabi nga naming may espesyal na pagtitinginan ang dalawa, dala na rin marahil ng palagian nilang pagsasama sa telebisyon at, ngayon, sa pelikula na rin. Isang pagsasamang masaya na'y tanggap na tanggap pa ng publiko.

 

Ngunit sinasabi rin ng PEP na naniniwala itong walang pormal na usapan ang dalawa. Walang commitment sa pagitan nila. Kaya hindi nagsisinungaling si Dingdong pag sinasabi niyang labas si Marian sa paghihiwalay nila ni Karylle.

 

Kagabi, November 4, bago lumabas ang kumpirmasyon mula kina Dingdong at Karylle sa pahayagan, nakausap pa si Dingdong ng entertainment press, kasama na ang PEP. Ito ay nangyari sa press visit sa second to the last shooting day ng pelikulang One True Love—ang pelikulang pinagbibidahan nina Dingdong at Marian, with Iza Calzado—sa Vermont Park, Antipolo City.

 

Hindi pa direktang kinumpirma ni Dingdong ang breakup nila ni Karylle noong mga oras na ‘yon, dahil mas pinili niyang hintaying lumabas ang kanilang pagsisiwalat sa naturang daily broadsheet. Ngunit kagabi pa lang ay alam na ng press na ang ihahayag ni Dingdong at Karylle kinabukasan ay ang breakup nila. Ito ay base na rin sa nilalaman ng pananalita ni Dingdong during the press visit.

 

KARYLLE IS NO MORE DINGDONG'S ONE TRUE LOVE. Sino ang maiko-consider niyang "one true love" in real life?

 

"Well, iba-ibang level ‘yan, e. Iba-ibang antas ng pagmamahal. Siyempre, hindi puwedeng ibuhos lang ang pagmamahal sa isang bagay o sa isang tao lang. Like ako, sa ngayon, talagang ang pagmamahal ko sa pamilya ko, never mawawala ‘yon. That will always be there."

 

Kapag sinabi kasing one true love, this is associated with somebody romantically linked sa isang tao. So, sino ang somebody na ‘yon para kay Dingdong?

 

"Basta, I'm inspired," halatang umiiwas na sagot ni Dingdong.

 

Iba na ba ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon? Si Marian na ba?

 

"Hindi naman. Basta hindi siya nabago," matipid na sagot ng binata.

 

So, si Karylle pa rin ba?

 

"Basta hindi siya nabago. I'm inspired," patuloy na pag-iwas ni Dingdong.

 

Dati kasi ay direkta at mabilis na nasasabi ni Dingdong na si Karylle ang pinakaimportanteng babae sa buhay niya na hindi niya kadugo. Bakit ngayon ay hindi na niya ito masabi?

 

Paliwanag ni Dingdong, "Kasi napakahirap magsabi ng napakaimportanteng tao, especially at this point. Like what I've said, marami talaga akong tao na binibigyang halaga, lalo na ngayon. At hindi mawawala diyan ang pamilya ko, mga katrabaho ko, mga kaibigan ko, all the people who stick with me throughout the years. That's why siguro hindi ko rin masabi ng direkta, ng ganun, because right now sila talaga yung mga importanteng mga tao sa akin."

 

Sa sagot na ito ni Dingdong ay mahihinuha na hindi na nga si Karylle ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya ngayon. Pero binibigyang halaga pa ba niya si Karylle?

 

"Binibigyang halaga... Siyempre, hindi puwedeng hindi mangyari yun. We have so many good things together. That will always be there," sagot ni Dingdong.

 

May time pa ba siya kay Karylle?

 

"Wala ngayon, e, because we're shooting almost every day," aniya. Halatang hirap sa pagsagot si Dingdong dahil totoong hindi na nila nabibigyan ng oras ang isa't isa dahil nga sa sitwasyon.

 



Pages: 1  2  3  4  Next »


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share Email this link
Show/Hide
Comments
589 Comments
page    1    2    3    4    5    6    7    8    9    10    11    12   
pagelocation: news

Advertisement