Dingdong Dantes wants time off from personal questions after confirming breakup with Karylle


 
After his confirmation of the breakup, Dingdong pleads: "...hihilingin ko po sana na huwag na munang iungkat o pag-usapan kung anuman ang nangyari because I would like to deal with it sometime later on. Sana huwag dito sa panahon na may pelikula at maraming presscon, because ayoko namang mabigyan ng ibang kahulugan. Ayoko rin silang magambala sa mga bagay na hindi sila concerned." By "sila," he means the cast and crew of his upcoming movie, One True Love.

Dingdong Dantes wants time off from personal questions after confirming breakup with Karylle

Glen Sibonga

Rating

THE BREAKUP. Manggaling na sa kanya, hiwalay na ba sila?

 

"Gaya ng sabi ko before... Last presscon kasi, sabi ko magkakaroon ng sort of confirmation, which will come out tomorrow [November 5] sa Philippine Star. Because yun ang napag-usapan namin [ni Karylle]. Basta it will come out tomorrow," giit ni Dingdong kagabi. 

 

So, kukumpirmahin na nilang hiwalay na sila?

 

"Hintayin na lang natin," sagot niya. "Ayaw ko naman kasing ma-preempt. Sa akin kasi, I value kung anuman yung napag-usapan namin. Ayokong masira yung pinag-usapan namin about that."

 

Gaya ng nabanggit na namin, lumabas na ngayong araw ang kumpirmasyon ng dalawang artistang naging magkasintahan din ng tatlong taon. 

 

Pero kagabi, nakiusap pa rin si Dingdong sa press na anuman ang malaman ng lahat ay ibalato na lang muna sa kanya ang mga bagay-bagay. Huwag na muna raw siyang tanungin tungkol dito.

 

Pakiusap ni Dingdong: "Pagkatapos ng mga mangyayaring ‘yon, hihilingin ko po sana na huwag na munang iungkat o pag-usapan kung anuman ang nangyari because I would like to deal with it sometime later on. Sana huwag dito sa panahon na may pelikula at maraming presscon, because ayoko namang mabigyan ng ibang kahulugan. Ayoko rin silang [cast and crew ng One True Love] magambala sa mga bagay na hindi sila concerned."

 

Ano ang gusto niyang hingin sa mga tao?

 

"Wala akong puwedeng hingin sa kanila because I cannot control their interpretations. Basta ako, I'm always for the truth. At the end of the day, the truth will come out."

 

ANG PAGDIDESISYON. Mahirap na desisyon ba sa kanya at kay Karylle ang pag-aming wala na sila?

 

"No naman, it's just a matter of right timing siguro," sagot ni Dingdong.

 

Masakit ba ang ginawa niyang paghahayag ng kanyang tunay na damdamin?

 

"Hindi naman," aniya, "because we're being asked, and I just answered. Kasi kung hindi naman ako tanungin, I will not say anything."

 

Nagkausap ba muna sila ni Karylle, bago nila ginawa ang paghahayag na ito?

 

"Matagal na. Siguro mga last week pa."

 

Marami ba ang masasaktan kapag nabasa ang kanilang ihahayag?

 

"Siyempre, hindi ko masasabi 'yon."

 

Is he hurt by what's being said about him at this stage? 

 

"Well, because of the fact na maraming different interpretations, because I'm not divulging any information at this point... sa mga sinasabi ng mga tao, yes, it is very hurtful. Pero tatanggapin ko na lang yun. I will remain this way. Because I believe, para sa amin, it is better to keep that privacy," saad ni Dingdong.

 

Nasasaktan siya sa mga naglalabasang isyu. Nasasaktan din ba siya para kay Karylle?

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  3  4  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement