Dingdong Dantes wants time off from personal questions after confirming breakup with Karylle


 
After his confirmation of the breakup, Dingdong pleads: "...hihilingin ko po sana na huwag na munang iungkat o pag-usapan kung anuman ang nangyari because I would like to deal with it sometime later on. Sana huwag dito sa panahon na may pelikula at maraming presscon, because ayoko namang mabigyan ng ibang kahulugan. Ayoko rin silang magambala sa mga bagay na hindi sila concerned." By "sila," he means the cast and crew of his upcoming movie, One True Love.

Dingdong Dantes wants time off from personal questions after confirming breakup with Karylle

Glen Sibonga

Rating

"Pareho," mabilis niyang sagot. "Pero kung tatanungin n'yo ako ng feelings niya, siyempre siya ang makakasagot noon. Hindi ko rin naman alam what's really happening to her and how she's handling this right now."

 

Magkasosyo sina Dingdong at Karylle, kasama ng ilan pang mga kaibigan, sa itinayo nilang negosyo, ang Centerstage Family KTV at Circle Cafe sa Timog, Quezon City at sa Jupiter St., Makati City. What will happen to their business partnership?

 

"Wala, tuloy pa rin," paniniguro ni Dingdong.

 

May lumalabas na isyu na lilipat na raw ng ABS-CBN si Karylle. Alam niya ba ito? Ano ang masasabi niya tungkol dito?

 

"Hindi, hindi ko alam," ani Dindong. "Ngayon ko lang nalaman 'yan. Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko kasi wala pa naman talagang announcement."

 

MARIAN IS NOT A THIRD PARTY. Bagamat itinanggi na nina Dingdong at Marian noon, pilit pa ring iniuugnay ang pangalan nila sa isa't isa. Kaya tinanong ulit ng entertainment press kung wala ba talaga silang relasyon ni Marian.

 

"Wala!" tahasang sinabi ni Dingdong.

 

Kaya lang, sinasabi pa rin ng iba na si Marian ang third party at dahilan ng breakup nina Dingdong at Karylle. Ano ang totoo?

 

"No, not at all, definitely," diin ni Dingdong. "Like what I've said before, kung anuman ang... Kahit lumalabas noon na may issue about us, she has nothing to do with it."

 

Ano ang magiging reaksiyon ni Dingdong kapag sinabing nakipag-break siya kay Karylle, at si Marian ay nakipag-break din sa kanyang boyfriend na si Ervic Vijandre, tapos sila rin pala ang magkakatuluyan? Ito ba talaga ang plano nila?

 

"No," tanggi niya. "Siyempre, given the fact na sabihin natin na ganun talaga yung mangyari, siyempre you can't avoid people would think that way. That's why we're here to answer questions and to clarify."

 

Pero may chance na maging sila ni Marian?

 

"I would like to maintain the status quo at the moment. We're good, we're okay. We believe that yung partnership namin is working well this way. So, ayaw naming sirain ito," pahayag ni Dingdong.

 

ONE TRUE LOVE, THE MOVIE. Siyempre, dahil nasa set kami ng One True Love, napag-usapan ang tungkol sa pelikula.

 

Sina Marian Rivera at Iza Calzado ang leading ladies ni Dingdong sa movie. Bago nakatambal ni Dingdong si Marian sa mga teleserye na Marimar at Dyesebel, nakatambal muna ni Dingdong si Iza sa fantaserye na Atlantika at sa mga pelikulang Moments of Love at Eternity.

 

Paano niya ide-describe sina Marian at Iza?

 

"Si Iza, she has always maintained her warmth at saka yung pagkalalim niya as a person, na nagre-reflect sa kanyang pag-arte at sa character niya. Kumbaga, yung mainit na pagmamahal niya sa mga tao. Hindi lang sa akin, pati sa mga tao sa paligid niya, ay mararamdaman mo talaga," paglalarawan ni Dingdong kay Iza.

 

At kay Marian naman, pagkukumpara ni Dingdong, "Whereas, si Marian, yung kanyang pagiging free-spirited, pagiging bubbly at masayahing tao, ay nagre-reflect yun sa kung paanong pamamaraan ipinakikita niya yung pagmamahal niya." 

 

With Iza and Marian as leading ladies, Dingdong has the best of both worlds dito sa One True Love. Ano ang pagkakaiba ng kissing scenes niya with Iza and Marian?

 

"Yung kay Iza, it's more intense. And then yung kay Marian, it's more of familiarity. Kumbaga, yung kay Iza, may pananabik dahil nga long-time girlfriend ko siya na nagkahiwalay kami. Yung kay Marian naman, masaya."

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  3  4  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement