MARIAN IS NOT A THIRD PARTY. Bagamat itinanggi na nina Dingdong at Marian noon, pilit pa ring iniuugnay ang pangalan nila sa isa't isa. Kaya tinanong ulit ng entertainment press kung wala ba talaga silang relasyon ni Marian.
"Wala!" tahasang sinabi ni Dingdong.
Kaya lang, sinasabi pa rin ng iba na si Marian ang third party at dahilan ng breakup nina Dingdong at Karylle. Ano ang totoo?
"No, not at all, definitely," diin ni Dingdong. "Like what I've said before, kung anuman ang... Kahit lumalabas noon na may issue about us, she has nothing to do with it."
Ano ang magiging reaksiyon ni Dingdong kapag sinabing nakipag-break siya kay Karylle, at si Marian ay nakipag-break din sa kanyang boyfriend na si Ervic Vijandre, tapos sila rin pala ang magkakatuluyan? Ito ba talaga ang plano nila?
"No," tanggi niya. "Siyempre, given the fact na sabihin natin na ganun talaga yung mangyari, siyempre you can't avoid people would think that way. That's why we're here to answer questions and to clarify."
Pero may chance na maging sila ni Marian?
"I would like to maintain the status quo at the moment. We're good, we're okay. We believe that yung partnership namin is working well this way. So, ayaw naming sirain ito," pahayag ni Dingdong.
ONE TRUE LOVE, THE MOVIE. Siyempre, dahil nasa set kami ng One True Love, napag-usapan ang tungkol sa pelikula.
Sina Marian Rivera at Iza Calzado ang leading ladies ni Dingdong sa movie. Bago nakatambal ni Dingdong si Marian sa mga teleserye na Marimar at Dyesebel, nakatambal muna ni Dingdong si Iza sa fantaserye na Atlantika at sa mga pelikulang Moments of Love at Eternity.
Paano niya ide-describe sina Marian at Iza?
"Si Iza, she has always maintained her warmth at saka yung pagkalalim niya as a person, na nagre-reflect sa kanyang pag-arte at sa character niya. Kumbaga, yung mainit na pagmamahal niya sa mga tao. Hindi lang sa akin, pati sa mga tao sa paligid niya, ay mararamdaman mo talaga," paglalarawan ni Dingdong kay Iza.
At kay Marian naman, pagkukumpara ni Dingdong, "Whereas, si Marian, yung kanyang pagiging free-spirited, pagiging bubbly at masayahing tao, ay nagre-reflect yun sa kung paanong pamamaraan ipinakikita niya yung pagmamahal niya."
With Iza and Marian as leading ladies, Dingdong has the best of both worlds dito sa One True Love. Ano ang pagkakaiba ng kissing scenes niya with Iza and Marian?
"Yung kay Iza, it's more intense. And then yung kay Marian, it's more of familiarity. Kumbaga, yung kay Iza, may pananabik dahil nga long-time girlfriend ko siya na nagkahiwalay kami. Yung kay Marian naman, masaya."





