Marian Rivera insists she has no romantic relationship with Dingdong Dantes

Nora Calderon
Wednesday, November 05, 2008 @ 03:21PM  |  74 views

 

"Matagal na po 'yong sinasabi nilang kami na nga raw ni Dingdong. Bahala na po sila kung ang ang gusto nilang isipin o sabihin. Balang araw, lalabas din po ang katotohanan," says Marian Rivera.

Photo By: Courtesy of GMA Films













Si Marian Rivera ay muling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng pelikulang One True Love kagabi, November 4, sa Vermont Park, Antipolo City. Kasama ni Marian sa pelikulang ito ng GMA Films at Regal Entertainment sina Dingdong Dantes at Iza Calzado.

Nakatulog si Marian sa sasakyan papuntang Vermont Park, pagkatapos kunan ang wedding scene nila ni Dingdong sa San Jose del Monte, Quezon City. Hindi na nga raw niya nailagay ang kanyang hair extension dahil naghihintay na sa kanila ni Dingdong ang maraming entertainment reporters. Pero naiwanan pa rin niya si Dingdong sa location dahil may kukunan pa itong eksena na hindi siya kasama.

Marian described their wedding scene as "a very simple one." Ang suot lang daw niya ay mula sa sponsor niyang Karimadon, pero magugustuhan daw ito ng mga manonood ng movie nila. 

LOVE SCENES WITH DINGDONG. Paano naman idi-describe ang naiiba nilang love scene ni Dingdong sa movie?

"Dalawa po ang love scenes namin dito ni Dong, isang comedy, isang passionate," wika ni Marian. "Ako naman po, kung ano lang ang sinasabi ni Direk Mac Alejandre, sumusunod lang ako. Pero dapat ninyong panoorin ang movie para malaman ninyo kung paano naging comedy ang isang love scene. Ibang-iba rin ang ipinakita rito ni Dong."

Paano naman ang passionate love scene nila ni Dingdong? Hindi ba sila nailang, o hindi ba sila nadala ng eksena?

"Wala naman pong ilangan," sabi ni Marian. "Ilang beses na rin naman kaming nag-love scene at nag-kissing scene ni Dingdong. Siguro mas passionate lang ito kesa doon sa mga nagawa na namin sa Marimar at Dyesebel dahil sa movie naman po ito. 

"Pero hindi po ito malaswa," paniniguro ng aktres. "Hindi ito bibigyan ng malisya ng mga manonood. Saka paano naman po kami madadala sa eksena, e, ginagampanan lang namin ito bilang mga artista? Pero si Direk Mac, may hawak pang megaphone, sinasabi kung ano ang gagawin namin para take one lang ang eksena."

DINGDONG-KARYLLE BREAKUP. Dito na namin tinanong si Marian tungkol sa breakup nina Dingdong at Karylle. Idinadawit kasi ang pangalan ng aktres, na siya diumanong third party sa hiwalayan.

Pinaninindigan ni Marian ang mga sinabi niya noon, na wala siyang kinalaman kung nagkaroon ng problema sa relasyon nina Dingdong at Karylle.

May pagkakataon bang pinag-usapan nila ni Dingdong ang tungkol dito? Inupuan ba nila ang issue?

"After po ng interview noon, once lang namin napag-usapan ‘yon," saad ni Marian. "Sa inupuan ang issue, wala po namang dapat upuan. Trabaho lang kami."

Pormal nang in-announce ngayong araw, November 5, nina Dingdong at Karylle ang kanilang breakup, na unang kinumpirma ng PEP, sa The Philippine Star, kung saan may kolum din si Karylle.

Paano kung sa breakup nina Dingdong at Karylle ay siya ang sisihin? May relasyon ba sila ni Dingdong?

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name