Advertisement

article

(Updated) Becky Aguila feels betrayed by Mel Pulmano's recent statements


 
"Kung diktador ako kagaya ng sinabi niya dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), di sana siya nakaligtas sa akin. This is a case of  betrayal of trust and confidence. Jen and I are very sad about all this," says talent manager Becky Aguila about the cases she and talent Jennylyn Mercado filed against former aide Mel Pulmano.

(Updated) Becky Aguila feels betrayed by Mel Pulmano's recent statements

Roldan Castro

Rating

  • Bookmark and Share

 

Bagama't nasa korte na ang reklamo ni Jennylyn Mercado laban sa kanyang handler-road manager na si Mel Pulmano, diumano'y nakakatanggap naman ngayon ng death threats ang controversial manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila.

 

Through cellphone number 09065743949, nakarating kay Becky ang ganitong mensahe: "Mag-ingat ka! May Papatay sa iyo."

 

NOT GUILTY. Malaki ang suspetsa ni Becky na may kinalaman ito sa laban na kinakaharap niya ngayon sa dati niyang empleyado na si Mel Pulmano nga. Ayaw na sana niyang magsalita tungkol sa dati niyang tauhan at ipinaubaya na lang ang lahat ng usaping tungkol dito sa korte, pero nang humingi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na linawin pa ang ilang issue na ipinupukol sa kanya, hindi naman nagdamot ng panayam ang kontrobersyal na talent manager.

 

"I just want to clarify that I don't frequent casinos. During the few times I went to play slots, to while time away with my mother. I would always observe a cap in my spending, win or lose. Pera ko at hindi pera ng iba ang pinanglalaro ko. I also want to correct the wrong impression that I've had money matter issues. I wouldn't be here if I was guilty of stealing from my artists. I continue to manage them because they trust me.

 

"I wasn't guilty before and neither am I now. I'll prove that in due time. Jen has nothing to do with these forged checks and she'll prove it in court. It's definitely not a gimmick for her comeback. We will never stoop down that low. In fact, she'll have to work double time to meet her expenses. Mas malaki na ang overhead niya, ngayon na may baby na siya.

 

"Lessons learned for me is not to take charge of anyone's finances. It's a big responsibility. With Jen on the other hand, not to trust anyone in handling her own account and for the bank to check and call their clients when in doubt. Huwag masyadong relax.

 

REACTIONS TO MEL'S RECENT STATEMENTS. Ano ang reaksyon niya sa dalwang pahayag ni Mel sa PEP?

 

Una ay tungkol sa mga tseke na pina-rediscount umano ni Mel: "Minsan, personal checks ko talaga yung pinapa-rediscount ko. Pero ilang beses na dadalhin ko ang mga tsekeng ibinigay sa akin ni Becky, at pirmado na ni Jennylyn. Ipapadala sa akin ni Tita C yung pera. ‘Tapos, ibibigay ko ke Becky yung pera.

 

Yung pangalawa naman ay tungkol sa kasama ni Mel nun pina-rediscount ang tseke: "Nakita ni Tita C kung sino yung kasama ko, kung sino ang nagbaba sa akin sa kotse, at kung sino ang kasama kong umalis."

 

Dagdag pa rito ay ang sinabi ni Mel na si Tita Becky ang nagpakilala raw sa kanya kay Tita C para magpa-rediscount.

 

Heto ang sagot ni Tita Becky sa ikinuwentong ito ni Mel:

 

"I had the chance to talk with Ms. C, the rediscounter, a few days ago. I got to talk to her thru Nene Riego. Nene wrote Ms. C's story in Bulgar about a week ago. Ms. C told me that she owns the salon besides OctoArts.

 

"Si Ms. C ang nagpasulat regarding Jen sending her text messages, sending MMS pictures of Jazz and talking to her on this smart number 09209705025. This cellphone number is Mel's personal use for my agency's talent bookings. Smart line ito ni Jen pero matagal na ‘to pinagkatiwala ni Jen sa agency thru Mel. Siya lang ang gumagamit nito at wala nang iba since December, 2007. My staff and everyone else who knows about this number can attest to this."

 

(The entire four paragraphs which were initially published were deleted. Ms. Becky was advised by the lawyer to hold her statement and just keep mum about the insinuations coming from Mel's camp.)  

 

Becky continued, "Sa kuwento ni Ms. C, nakita daw niya ako na sinundo ko si Mel. According to Ms. C, that day na sinundo ko daw si Mel, humiram si Mel ng 400 thousand as payment daw for Jen for the coffeetable book ng producer.

 

"According to Ms. C, ang ginamit na collateral ni Mel is the blank check of the producer nito. Sa lawyer's meeting namin last October 9, 2008, nabanggit ng isang biktima rin ni Mel na pinahiram niya ang blank check niya kay Mel at nag-aalala siya na baka ito ay ang nasa kamay ni Ms. C. Ang blank check ay pag-aari ng dati kong staff na matalik na kaibigan din ni Mel. Umiiyak siya noong isinalaysay niya ito sa amin. Pinagkatiwala daw niya ang blank check niya kay Mel.

 

"Base sa pakikipag-usap ko naman sa telepono na naka-loud speaker at naririnig ng mga kasama ko about three weeks ago, sa isang best friend ni Mel na kasama niya that day na nagpasundo siya sa katabi ng OctoArts, takot na takot daw siya kay Mel dahil sa dalawang bags na dala nito—isang brown at isang black na punung-puno ng pera at sa tantiya daw niya ay close to a million ang laman nito. At nang tinanong niya si Mel kung saan niya ito dadalhin, sinabi ni Mel na, ‘Dadaanan ako dito ni Tita Becky at kukunin niya ang pera, para pang-casino.'

 

"Noong October 9 at around 1:00 p.m., itinawag sa akin ng staff ko na may naghahanap sa akin at dinala niya ang mga ito sa bahay ko. Sina Ms. C, kasama ang asawa niya, at mag-asawang Leon at Cathy, mga kapwa biktima. Timing naman na napadaan sina Jen, Babeth Lam at Lheng at nagkausap kaming lahat.

 

"Sina Bianca [Aguila, daughter of Becky], Bing [Casar] at Dyan [Yongco] ang nakasaksi sa naging usapan. Dun nga namin na-discover kay Ms. C ang mga text messages raw na galing kay Jen na galing sa Smart line na 09209705025. Pinabasa ni Ms. C ang mga ‘text messages daw' kay Jen at pati sa akin. Sina Cathy at Leon naman ay pinabasa rin ang ‘text message ko' raw with the same Smart number 09209705025.

 



Pages: 1  2  3  Next »


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share Email this link
Show/Hide
Comments
82 Comments
page    1    2   
pagelocation: news
Login to All Access to use PEP Talk

Elsewhere