"Definitely that's not me. Sa buhok pa lang sa katawan, mabuhok ako. Siya , hindi siya mabuhok. Pango yung ilong niya, saka he's more Chinese, e. He doesn't even look Filipino or Spanish, so malayo talaga," says Pinoy Fear Factor contestant Jose Sarasola (main photo) about a series of nude photos and sex video now circulating on the Internet (inset).

Photo: Courtesy of ABS-CBN/Internet

Bago pa man mapanood ang bagong ABS-CBN reality show na Pinoy Fear Factor, na nagsimula kagabi, November 10, kumalat na sa Internet ang nude photos at sex video diumano ng isa sa participantes nito na si Jose Sarasola. Ang naturang mga larawan at video ay nagpapakita ng isang lalake na nasa aktong nagpapasaya ng kanyang sarili sa harap ng computer.

Pero sa isang statement na ipinalabas ng direktor ng Pinoy Fear Factor na si Laurenti Dyogi, itinanggi niya na si Jose ang lalaking nasa mga larawan at video.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap nang personal si Jose upang kunin ang kanyang panig. Mariin ding pinabulaanan ng 22-year-old aspiring chef at Culinary Arts student sa La Salle College of St. Benilde na siya ang nasa larawan at video na kumakalat sa Internet.

"Definitely that's not me," deklara niya. "Sa buhok pa lang sa katawan, mabuhok ako. Siya, hindi siya mabuhok. Pango yung ilong niya, saka he's more Chinese, e. He doesn't even look Filipino or Spanish, so malayo talaga.

Dagdag niya, "I was shocked talaga na it came out like that. Pero obvious naman na hindi talaga ako yung guy na nasa pictures o scanner, o kung sinuman yun kasi talagang malayo. Especially for people I've been with, friends ko or people who really know what I look like, talagang malayo yung difference."

Siniguro rin ni Jose na hindi niya gagawin ang ganitong mga bagay.

"I'll never do that, baka palayasin ako ng daddy ko sa bahay namin!" tawa niya. "I'm assuring all the fans of Fear Factor and ABS, and fans ko na hindi talaga ako yung nasa nude photos."

Wala ring ideya si Jose kung sino ang nagpasimula at nagkalat ng mga naturang mga larawan at video sa Internet, na pinapalabas na siya. May balak ba siyang hanapin o idemanda ang nagkalat ng mga naturang nude photos at sex video?

"Hindi ako gagawa ng anumang action," sagot ni Jose. "If I'll look for the guy or sue any Internet [website], wala because hindi naman talaga ako yun. Not a big deal talaga sa akin."

Noong una raw ay binalewala ni Jose ang nasabing mga balita. Pero ang nakaalarma sa kanya ay nang makita na niyang naapektuhan ang kanyang mga magulang, lalo na't ang mommy pa niya ang nagsabi sa kanya tungkol dito.

"At first I didn't mind it kasi I just thought lang na because Fear Factor is coming out, all these things popping out. So, parang balewala lang. But then, more people are texting me and letting me know na I have pictures daw on the Net. So I checked it and malayo naman.

"I'm not making it a big deal kasi hindi ko naman talaga kamukha yung guy. Medyo nag-worry ako and nainis na rin because it's affecting my parents. Our family is very religious. My parents taught me good morals in life. When it starts affecting my parents, and being the only child in the family, you don't want your parents to be sad.

"Actually, it's my mom who saw it sa Net, na parang may nude photos nga raw ako. My mom knows me naman very well, so hindi naman siya naniwala." 

Maging ang mga taga-Pinoy Fear Factor ay pinagtawanan lang daw ang isyu dahil alam ng mga ito na hindi talaga siya ang nasa hubad na larawan at sex video.

"They were laughing about it, kasi I've been with them for a long time. And being in the show, they know what I really look like talaga," sabi ng Pinoy Fear Factor contestant.