"Siguro sa mga nakabasa talaga [ng statement ni
Richard], kayo na po bahalang manghusga. Basahin n'yo lang po ng maigi,
maiintindihan n'yo po. Hindi po totoo lahat ng sinabi niya," says Aljur Abrenica (in photo) about Richard Gutierrez's official statement about their reported confrontation.
FIRST READ ON PEP Aljur Abrenica on Richard Gutierrez: "Hindi po totoo ang lahat ng sinabi niya."
Tuesday, November 11, 2008
11:31 PM
"Hindi po totoo ang lahat ng sinabi niya."
Ito ang pahayag ni Aljur Abrenica hinggil sa official statement na ipinalabas ni Richard Gutierrez kaugnay ng napabalitang kumprontasyon nila sa isang high-end bar noong madaling-araw ng October 18. (CLICK here to read related story.)
Lagpas dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang lumabas ang balita tungkol sa kumprontasyon dumano nina Richard at Aljur sa Fiamma Bar, Jupiter St., Makati City. Nagbigay na ng kanyang panig si Richard sa pamamagitan ng isang official statement, na unang lumabas dito sa PEP noong October 27. Pinabulaanan ni Richard na may engkuwentrong naganap sa kanila ni Aljur. (CLICK here to read Richard's statement.)
ALJUR SPEAKS BUT HANGS BACK. Bagamat nakakuha ang PEP ng ilang impormasyon mula sa ilang sources tungkol sa insidente, nanatiling tahimik si Aljur. Hindi siya nagpaunlak ng interview sa kahit na sino mang gustong kunin ang kanyang panig.
Pero sa kauna-unahang pagkakataon ay nakausap ng entertainment press, kabilang na ang PEP, si Aljur sa presscon ng kinabibilangan niyang fantaserye sa GMA-7, ang Luna Mystika. Ginanap ang presscon kagabi, November 11, sa Studio 5 (dating Studio 3) ng GMA Network Center.
Naging maingat si Aljur sa pagbibitiw ng mga salita. Hangga't maaari sana ay ayaw na niyang pag-usapan ang kung anumang nangyari sa kanila ni Richard, pero nagbigay pa rin siya ng ilang pahayag.
"Ayoko na po munang magsalita tungkol sa mga nangyari. Gusto ko po muna ngayon, e, mag-concentrate sa pagtatrabaho," unang sagot ni Aljur nang subukang alamin ng press sa kanya kung ano nga ba ang totoong nangyari noong October 18 sa Fiamma Bar.
Pero nang tanungin kung nagkaayos na ba sila ni Richard, ito ang naging sagot ni Aljur: "Ewan ko po. Kasi sa akin, hindi po siya okey, e."
May pinagsabihan ba siya ng tungkol sa nangyari sa kanila ni Richard?
"Actually, wala pa akong pinagsasabihan, lumabas na," sabi ni Aljur. "Wala naman akong pinagsabihan na kahit sino man. Wala naman pong nanggaling sa akin na binatukan ako or something. Nung narinig ko na, ‘tsaka na ako nagsalita kung ano ang talagang nangyari sa mga kaibigan ko."
Pinagbawalan ba siya ng GMA-7 o ng Artist Center na magsalita tungkol sa isyu?
"Hindi naman po, pero ayoko po talagang pag-usapan," maingat na sabi ni Aljur.
Sa hindi niya pagsasalita, ibig bang sabihin nito ay may itinatago siya o di kaya ay may kinatatakutan siya?
"Ay, hindi po talaga ako natatakot!" tanggi ni Aljur. "Basta wala po akong kinakatakutan. Malinis ang konsensiya ko. Ayoko lang pong mag-comment. Anong rason ko para matakot?"
ON RICHARD'S OFFICIAL STATEMENT. Ano naman ang reaksiyon ni Aljur sa official statement ni Richard? Sinabi kasi ng top leading man ng GMA-7 na bigla na lang umupo sa kanilang table si Aljur kahit hindi naman nila ito iniimbitahan. Pinasaringan din ni Richard ang kakulangan diumano ng "social graces" ni Aljur.
"Basta't lahat ng mga sinabi niya, wala pong katotohanan," mahinahong sabi ni Aljur. "Siguro sa mga nakabasa talaga [ng statement ni Richard], kayo na po bahalang manghusga. Basahin n'yo lang po ng maigi, maiintindihan n'yo po. Hindi po totoo lahat ng sinabi niya."
Dagdag niya, "Basta't ayoko na pong mag-comment. Ayoko na pong ikuwento yung totoong nangyari. 'Tsaka na lang po."
Pero invited ba siya talaga noon sa Fiamma Bar?
"Actually, sa Fiamma bar...it's a public place. Walang party talaga," saad ni Aljur.
Marami bang nakakita ng insidente?
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Bing Loyzaga dismisses malicious rumor linking her to Jake Cuenca
- Richard Gutierrez and PEP finally find peace HOT
- Angelica Panganiban wants to settle down with boyfriend Derek Ramsay someday
- Sam Milby has separate projects with Anne Curtis and Maja Salvador
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top HOT
- TNS National TV Ratings (Feb. 2-7): A miraculous finale for May Bukas Pa HOT
-
Events
Kapuso stars Rhian Ramos and Victor Aliwalas receive Model Star Award citations in Korea
"We really can't believe that we were part of this event. It is so overwhelming," the two chorused.
-
Babies and Kids
KC Concepcion says movie with her dad Gabby has go-signal from mom Sharon
KC cancels out-of-the-country appointment to attend her Tita Ciara Sotto's wedding.
-
Fashion and Beauty
FASHION FAD: The thing to WATCH out for!
Join Dimples Romana and Megan Young on their watch-shopping.
-
Indie
Mon Confiado plays gay psychotic killer in Pilantik
This suspense thriller was supposed to be topbilled by Bb Gandanghari.
Most Popular
- Sharon Cuneta on her adopted son: "I think yung nag-iba lang, hindi siya lumabas sa akin. But I chose to be his mother."
- Pokwang answers some issues about Wowowee
- Piolo Pascual admits KC Concepcion is part of his birthday wish
- PEP EXCLUSIVE: PART I Marlene Aguilar narrates the "violent environment" her son Jason Ivler grew up in
- Nostalgia marks Willie Revillame's 49th birthday celebration
- Maricel Soriano returns from hibernation after her mother's death
- Jolina Magdangal revamps herself with new look; changes manager
- PEP EXCLUSIVE: Part III Marlene Aguilar: "Jason's fan club will change the world."
- Bayani Agbayani is thankful to GMA-7 for opening its door to him again
- Marian Rivera runs 5K to support Dingdong Dantes's Yes Pinoy Foundation
Advertisement


