"Hindi ko po masabi, pero hindi po talaga ako okay," makahulugan niyang sagot.
Nagbago ba ang pagtingin niya kay Richard pagkatapos ng nangyari sa kanila?
"Ayoko po munang mag-comment," iwas niya ulit.
Ano naman ang naging reaksiyon ng mga magulang ni Aljur nang malaman nila ang insidente?
"Siyempre, unang-una, nagalit. Nagalit po talaga, pero inintindi na lang po nila," saad ni Aljur.
May gagawin ba silang aksiyon tungkol sa nangyari?
"Depende po, kung kinakailangan. Pero mapag-intindi po ang parents ko," aniya.
JEWEL MISCHE. Dawit din sa isyu sa pagitan nina Aljur at Richard si Jewel Mische, na sinasabing dahilan ng kumprontasyong ng dalawang male Kapuso stars. Nagselos daw kasi si Richard dahil si Aljur ang madalas kasama ni Jewel sa inauguration ng bagong GMA Network Studios noong October 17, o ilang oras bago naganap ang sinasabing kumprontasyon nina Aljur at Richard.
Tinanong ng PEP si Aljur kung may namamagitan ba sa kanila ni Jewel.
"Ang masasabi ko lang po, e, wala pong namamagitan sa amin ni Ms. Jewel Mische. Kasamahan ko po ‘yan sa StarStruck," sagot ni Aljur.
Magka-batch sina Aljur at Jewel sa StarStruck 4, kung saan pareho silang nanalo—si Aljur bilang Ultimate Hunk at si Jewel naman bilang Ultimate Sweetheart.
Sa palagay ba ni Aljur ay nagselos sa kanya si Richard dahil kay Jewel?
"Hindi ko po alam. Ayoko po munang mag-comment," pag-iwas muli ni Aljur.
"No comment" din ang isinagot ni Aljur sa mga sumunod na tanong tungkol sa nababalitang ugnayan nina Jewel at Richard.
Dahil hindi pa nagbibigay ng detalyadong pahayag si Aljur, ano ang nais niyang iparating sa mga tao?





