Sa kabila ng pagtanggi nina Nikki Gil at Billy Crawford na may namamagitan sa kanila, patuloy pa rin ang paglabas ng mga kuwento at balita na magpapatunay ng itinatagong relasyon diumano ng dalawang singers.
May balita pa ngang lumabas na nakita raw sina Nikki at Billy sa Tagaytay kamakailan. Sobrang sweet daw sila sa isa't isa at naghalikan pa raw sila na parang walang ibang mga tao sa paligid nila. Ipinagtataka lang ng iba kung bakit patuloy pa rin sila sa pagkakaila gayong pareho naman silang single.
Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na makausap si Nikki noong Linggo, November 9, sa dressing room ng ASAP '08. Tinanong namin siya kung totoo bang magkasama sila ni Billy sa Tagyatay. Hindi naman ito itinanggi ng singer.
"Sa kawalan ng magagawa sa Manila, nagpunta kami ng Tagaytay. E, malapit lang naman siya sa bahay ko, thirty minutes drive lang. Yes, nag-dinner kami. Kaming dalawa lang at wala naman sigurong masama dun dahil we go out, we date. Dun sa sinasabi na nag-kiss kami, baka lasing ang mga nakakita sa amin, baka nakainom sila masyado!" natatawang sabi ni Nikki.
Inamin din ni Nikki na mas lumalalim ang samahan nila ni Billy ngayon. Puro papuri rin ang binitawan ng MYX VJ para sa espesyal na lalake sa buhay niya ngayon.
"I won't even say just friends, kasi masyadong showbiz yun," sabi ni Nikki. "But we're getting to know each other's personalities. We see each other often, we enjoy each other's company. It's too early to tell, but it's in progress. Siyempre, nag-e-evolve yung friendship."
"Wala akong masasabi kay Billy. He's very down-to-earth. I respect him as an artist and as a person. Lahat ng natatanong ko, kahit matagal na niyang nakatrabaho sa industriya, he's still the same Billy. For someone who has been in the industry for so long, hindi siya showbiz in the negative sense of the word."
Natawa na lang si Nikki sa intrigang siya raw ang rason kung bakit nandito pa rin sa Pilipinas si Billy, gayong hanggang noong September lang ang pinirmahang kontrata sa ABS-CBN ng international singer.
"Kung hindi sa kanya manggaling, hindi. Tanungin ninyo siya because siya ang makakapagsabi nun. I think gusto niya dito mag-Christmas. I think, but I'm not sure if the family is flying over or he's flying to France or to the States. Probably one of the reasons also why he's still here is marami siyang work and commitments, marami pa siyang dapat gampanan dito," pagtatapos ni Nikki.
