PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Anthony Fernandez copes but will miss Daboy on forthcoming holidays and 29th birthday

Mark Anthony still saving for his next child with wife MeMark Anthony still saving for his next child with wife Melissa.
by Ruel J. Mendoza
Published Nov 13, 2008
"But I am slowly coping with the loss. Natanggap ko naman na wala na siya dito sa mundo. He's in a better place at alam kong masayang-masaya na siya. Kami namang nandito pa, we will live with his memories," says Mark Anthony Fernandez regarding his late father Rudy Fernandez.

Actor Mark Anthony Fernandez will turn 29 years old on January 16, 2009. Pero baka hindi raw muna siya mag-celebrate ng kanyang kaarawan dahil hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang lungkot sa pagpanaw ng kanyang amang si Rudy Fernandez.

Pumanaw si Rudy noong June 7, 2008 dahil sa cancer.

Ayon kay Mark, mahirap para sa kanya ang magsaya sa kanyang birthday dahil tuwing sasapit ang kaarawan niya ay parating present ang kanyang Papa. Ngayon ay first time ngang mag-birthday siya na wala ang ama.

"Hindi lang naman ngayong birthday ko, pati na this coming Christmas at New Year, wala na si Papa," malungkot na sabi ni Mark. "But I am slowly coping with the loss. Natanggap ko naman na wala na siya dito sa mundo. He's in a better place at alam kong masayang-masaya na siya. Kami namang nandito pa, we will live with his memories.

"Marami kasing nagawang maganda si Papa kaya hindi siya agad malilimutan ng marami. Unang-una, yung mga movies niya, pinapalabas sa TV [ABS-CBN]. Mahirap man panoorin dahil naiiyak ako when I see him alive and strong. Pero like what I said, tanggap ko na ang nangyari. Kami na lang ang kailangang mag-move on talaga nang husto. We all miss him very much kasi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya dine-dedicate daw ni Mark ang bago niyang show sa GMA-7 na Luna Mystika sa kanyang ama.

"Kung buhay pa si Papa, alam ko na he will be happy," sambit ni Mark. "Bago nga siya nawala, ginagawa ko na noon yung Ako Si Kim Samsoon. Masaya siya because nakabawi na raw ulit ako. Husayan ko pa raw para tuluy-tuloy.

"Kaya dito sa bagong show namin ni Heart [Evangelista], wala akong hindi gagawin para matuwa lahat ng mga manonood namin, lalo na ang mga bata dahil pambata talaga ang istorya nito. Matutuwa sila sa mga characters dito sa show."

ANOTHER CHILD. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark kung kailan ba nila susundan ng misis niyang si Melissa ang anak nilang si Cameron. Matagal na raw nilang pinaplano na sundan ang kanilang panganay. Gusto nga raw ni Mark noon ay isang baby girl naman.

"Nag-iipon pa tayo. Madali lang gumawa ng bata, pero ang panggastos mahirap ipunin!" malakas na tawa ni Mark. "Kami naman ni Melissa, we want the best for our child. Kung madadagdagan pa ng isa, doble kayod dapat tayo for that. Kaya kailangan tuluy-tuloy lang ang trabaho para makaipon agad and, who knows, baka next year may mabuo na kami para maging bagong baby ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakaka-miss na rin kasi na may karga kang baby, di ba? Matagal ko na ring hindi nagagawa ‘yon. Kaya I pray to God na sana maging maganda ang turnout ulit ng career natin next year para maplano na naming magkaroon ng bagong baby."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"But I am slowly coping with the loss. Natanggap ko naman na wala na siya dito sa mundo. He's in a better place at alam kong masayang-masaya na siya. Kami namang nandito pa, we will live with his memories," says Mark Anthony Fernandez regarding his late father Rudy Fernandez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results