PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera says she is not avoiding the press

Marian explains why she cannot promote "One True Love" as much as she wants to.
by Nora Calderon
Published Nov 14, 2008
"Sa palagay ko kasi, kasama na ‘yan sa part ng buhay ko bilang isang artista. Minsan na po akong umiyak sa intriga, pero ngayon, ayoko nang iyakan kung anuman ang dumarating na intriga. Hindi ko na lang pinapansin, lalo na kung hindi naman totoo," says Marian about intrigues.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marian Rivera sa shooting ng pelikulang Desperadas 2 sa Bonifacio High Street, Taguig City, kahapon, November 13. Kasalukuyang kinukunan that time ni Direk Joel Lamangan ang eksenang nagsa-shopping ang magkakapatid sa pelikula na sina Marian, Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, at Ogie Alcasid.

Tinanong namin si Marian kung may pagbabago na ba ang character niya rito sa Desperadas 2.

"Kung doon sa una, designer ako ng mga swimsuit, ngayon designer na rin ako ng mga dresses. Mas successful na ang career ko," kuwento ni Marian. "Ang problema ko lang, dahil sa success ng career ko, nai-insecure naman sa akin ang boyfriend ko [Will Devaughn]. Pero inaayos ko ang career ko at ang lovelife ko."

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya ngayon kina Ruffa, Rufa Mae, at Iza?

"Ay, mas enjoy po kami ngayon!" masayang sabi ni Marian. "Mas may bonding na kami, madalas na kasi kaming magkakasama kasi sa pagsu-shooting. Sabi nga po nila, mas matsika na raw ako. Siyempre po last year, bago ko lang po silang nakasama, kaya tahimik lang ako noon. Nadagdag pa nga si Kuya Ogie ngayon kaya mas masaya kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakunan na rin daw nila ang eksenang naka-swimsuit lang si Marian.

FIRST MOVIE WITH DINGDONG. Sa November 19 na ang opening day ng first movie ni Marian with screen partner Dingdong Dantes, ang One True Love, kung saan kasama rin nila si Iza. Hindi ba kinakabahan si Marian?

"Sa kinakabahan, hindi po naman masyado," sagot ng aktres. "Mas excited lang ako. Napanood ko na po ang ibang parts ng movie nang mag-dub ako, at alam ko pong magugustuhan nila kasi maganda siya. Maiiyak kayo, matatawa, kikiligin, at hahagod sa puso ninyo ang mga eksena. Patutunayan ng movie na hindi lamang minsan dumarating sa buhay ng isang tao ang one true love."

Kapansin-pansin na hindi masyadong nagpu-promote sina Marian at Dingdong ng kanilang pelikula. Tuloy, ang iniisip ng iba, umiiwas lang sila ni Dingdong sa press. Ang fans naman nila ay miss na miss na silang makita na magkasama.

"Humihingi po ako ng sorry sa kanila, pero talagang hindi namin kaya ni Iza na mag-promote," paliwanag ni Marian. "Hindi po kami umiiwas sa press, at nahihiya rin kami ni Iza kay Dong dahil siya lang mag-isa ang nagpu-promote ng movie namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May seven shooting days pa po kasi kami ni Iza ng Desperadas 2. Ako, may four shooting days pa sa ‘Nieves' episode ko sa Shake, Rattle & Roll X. Kailangan ko pong matapos ‘yon bago kami umalis ni Dong for Los Angeles, California, on December 2. Dadalhin po namin sa Shrine Auditorium ang Let's Celebrate birthday concert namin noon sa Araneta Coliseum.

"Pero sa Sunday [November 16], big promo po namin sa SOP. Sana manood sila dahil marami po kaming ibibigay na magagandang production numbers, plus darating ang buong cast ng One True Love," pagbabalita ni Marian.

Magtatagal ba sila ni Dingdong sa Los Angeles?

"Ako po, five days lang doon," sabi ni Marian. "Kailangan ko pong bumalik dahil may mga shoots po ako ng TV commercials ko. Ewan ko po si Dong, balak yata niyang manood ng Pacquiao-Dela Hoya fight sa Las Vegas. Basta ako, mauuna akong umuwi rito."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iniwasan nang sagutin ni Marian ang iba pang mga tanong tungkol sa kanila ni Dingdong kaya hindi na kami nagpilit.

NEW COMMERCIALS. Sinabi ni Marian sa amin kung anu-ano ang mga bago niyang TV commercial shoots, pero nakiusap siya na huwag muna naming isulat.

Biniro tuloy namin siya na sa kapipigil niyang isulat namin ang mga balita tungkol sa kanya, hayun at naunahan na kami. Gaya na lang ng kanyang Ginebra 2009 calendar. Nagsisimula pa lang silang mag-shooting ng One True Love, sinabi na niya ‘yon sa amin. Pero sa December na lang daw namin isulat dahil baka raw mapagalitan siya ng agency. Pero kahapon, naglabasan na ang sexy pictorials niya for the calendar sa newspapers.

"Nagulat din nga po ako, kasi ‘yon ang sabi ng agency sa amin. Baka po sa kanila na rin nanggaling iyon," nahihiyang sabi ni Marian.

"Milyonarya" na raw si Marian, sabi ng ilang entertainment press na kaharap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman po!" ngiti ni Marian. "Siguro alam ko lang kung paano ko itago ang pera ko. Hindi rin po kasi ako magastos na tao. Pag may sobra, bumibili naman po ako ng kailangan ko. Inilagay ko na po sa business, at gusto ko pong makaipon dahil gusto kong magpatayo ng sarili kong bahay. Maliit na po kasi sa akin ang condo unit na tinitirhan ko ngayon."

MEANINGFUL CHRISTMAS. It seems inspirado si Marian ngayon. Magiging meaningful ba ang Christmas 2009 niya? Ano ba ang gusto niyang matanggap na Christmas gift mula sa mga mahal niya?

"Lagi naman po akong inspirado simula pa nang magtrabaho ako," sabi ni Marian. "Inspirado po ako dahil sa aking family, sa aking career. Hindi po ako materialistic na tao. Kahit walang gift, kahit greeting cards lang ang matanggap ko, ipagpapasalamat ko na po ‘yon. Marami na po akong blessings na dumating, at nagpapasalamat sa mga blessings na patuloy na dumarating."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ba sa mga blessings na dumating sa kanya ay ang mga intrigang ikinakabit sa kanya?

"Siguro po," aniya. "Sa palagay ko kasi, kasama na ‘yan sa part ng buhay ko bilang isang artista. Minsan na po akong umiyak sa intriga, pero ngayon, ayoko nang iyakan kung anuman ang dumarating na intriga. Hindi ko na lang pinapansin, lalo na kung hindi naman totoo."

Anong intriga ang iniyakan niya? Ito ba ang pagdawit sa pangalan niya sa breakup nina Dingdong at Karylle?

"Naku, hindi po ‘yon!" tanggi ni Marian. "Tulad ng sinabi ko, kung anuman ang iniisip nila, bahala na po sila. Basta ako, wala pong katotohanan ‘yon.

"Ang iniyakan ko, noong bago pa lang akong nag-aartista ay yung mga nasulat na may anak na raw ako. Hindi pa po ako sanay sa intriga noon, kaya talagang iniyakan ko ‘yon. Pero ngayon, wala na, hindi na po ako iiyak sa intriga, nasanay na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Saka ako po kasi, kung may problema, pinipilit ko yung i-solve sa sarili ko. Kung hindi ko naman kaya, I turn to my family, o di kaya sa mga superclose friends ko... Like Ate Lotlot [de Leon], Tita Perla [Bautista], Nanay Rita [Avila], Paolo Ballesteros, na talagang very close ako since nagkasama kami sa Dyesebel.

"Biro ko nga kay Paolo, sana manood muna siya ng premiere night ng One True Love sa November 18 sa bago siya umalis for Chicago. Pero gusto niyang nasa tabi siya ng girlfriend niyang si Kaye sa pagsilang ng baby nila. At yes, ninang daw po ako ng magiging baby nila. Ewan ko lang kung isasama niyang umuwi rito si Kaye at ang baby nila. Pag-uusapan pa raw nila," lahad ni Marian.

VIVIAN'S ROLE. May nagsabing natutuwa raw ang dating aktres na si Vivian Velez sa napipintong pagganap ni Marian sa role na dating ginampanan nito sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Tiyak daw na mahihigitan ni Marian ang pagganap ni Vivian sa TV remake ng naturang Carlo J. Caparas novel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang reaksiyon ni Marian dito?

"Naku, hindi naman po. Siguro happy lang siya para sa akin. Sa ngayon po kasi, wala pa akong idea kung ano ang role na gagampanan ko. Ang alam ko lang, ‘yon ang susunod namin project, our last sa TV ni Dingdong. Pero hindi pa nila ako kinakausap. Pagbalik ko pa lang from the States, saka kami makikipag-usap sa GMA-7," pagtatapos ni Marian.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa palagay ko kasi, kasama na ‘yan sa part ng buhay ko bilang isang artista. Minsan na po akong umiyak sa intriga, pero ngayon, ayoko nang iyakan kung anuman ang dumarating na intriga. Hindi ko na lang pinapansin, lalo na kung hindi naman totoo," says Marian about intrigues.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results