Jay-R Siaboc thanks Kris Aquino for revealing his relationship with Irish Fullerton

Cesar Pambid
Saturday, November 15, 2008 @ 07:21AM  |  27988 views

 

"Parang blessing in disguise that we told the truth publicly nang magaan ang loob ko. Pakiramdam ko nga noon, malaki ang pasasalamat ko dahil kundi pa kami ibinuking ni Kris Aquino, baka ngayon, nagtatago pa rin kaming dalawa," says Jay-R Siaboc.

Photo By: Noel Orsal













Wala nang itinatago sina Jay-R Siaboc at ang girlfriend niyang si Irish Fullerton. Matagal din kasing itinago ng dalawang dating scholars ng Pinoy Dream Academy (PDA) ang kanilang relasyon hanggang sa magdesisyon nga silang lumantad na.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jay-R at idinetalye niya ang ilang bagay na may kinalaman sa kanilang relasyon nila ni Irish.

Mahal na mahal daw niya si Irish, ito raw talaga ang nag-iisang babae sa buhay niya sa ngayon. Si Irish din daw ang dahilan ngayon ng lahat ng mga pagpupursigi niya sa kanyang career bilang singer at aktor.

"She is the source of my inspiration, siya ang natatangi sa puso ko at lahat ng mga pangarap na gusto ko pang tuparin ay sa kanya ko iniaalay," saad ni Jay-R.

Matagal din daw silang naghirap ni Irish. Yun bang matindi ang kanilang pinagdaanan dahil bawal pang isiwalat noon ang tungkol sa katotohanan ng kanilang relasyon.

"Mahina ako sa math, hindi ko na makuwenta kung gaano na kami katagal," biro ng singer-actor. "Ang importante, in all the years na kami, nagsalo kami sa hirap at kaligayahan dahil nga medyo mahirap yung pinagdaanan naming dalawa. 

"Mahal na mahal namin ang isa't isa, pero hindi kami puwedeng lumantad. Ako naman kasi, naiintindihan ko noon na maraming plans sa amin ang management ko, so okey lang talaga na nagtatago kami. But you know, it's not easy. Nali-link ako sa iba, pero siya talaga ang love ko. Siya naman, nililigawan nang hayagan ng iba pero wala akong magawa," lahad ni Jay-R.

THANKS TO KRIS. May halong pagpapasalamat si Jay-R sa pambubuking sa kanila ni Kris Aquino sa isang episode ng ABS-CBN morning show na Boy & Kris, kung saan pareho raw silang nag-guest ni Irish. That time daw, alam naman ni Kris ang katotohanan sa kanilang relasyon, so Kris being the "tactless host," sinabi nito ang totoo on air. 

"Actually, I liked what happened," sabi ni Jay-R. "Parang blessing in disguise that we told the truth publicly nang magaan ang loob ko. Pakiramdam ko nga noon, malaki ang pasasalamat ko dahil kundi pa kami ibinuking ni Kris Aquino, baka ngayon, nagtatago pa rin kaming dalawa."

Pero inaamin ni Jay-R na talagang open secret naman ang relasyon nila ni Irish. Yun ngang marami ang nakaaalam sa mga taong nakapaligid, pero hindi nga nila maamin publicly ang lahat. At noong ibinuking na sila ni Kris, naging magaan na ang lahat. 

"Kami kasi, particularly ako, I was consulting my friends, my management, kung ano ang gagawin namin ni Irish. Tingin ko naman, that time, okey lang na lumantad na kami at yun na, si Kris Aquino ang naging dahilan."

Kung totoo mang mahirap ang pinagdaanan nila ni Irish sa panahong nakatago silang dalawa sa lihim nilang pagmamahalan, may magandang sukli naman daw yun sa buhay ni Jay-R. Yun din kasi ang panahong malaki ang suporta sa kanya ng ABS-CBN.

From a mere contest runner-up ng PDA, ginawa nilang taga-mainstream showbiz si Jay-R bilang isa sa mga principal actors ng naturang network. Hindi naman talaga biro yung pagbibigay nila ng malaking break sa kanya.

JAY-R ANSWERS ISSUES. Sinagot din ni Jay-R ang ilan pang mga intriga na ikinabit sa kanya sa simula pa lang ng pagsabak niya sa mainstream.

Nandiyan ang akusahan siyang kabit ng isang maimpluwensiyang bading sa showbiz. Na kabilang daw siya sa mga lalaking tinatakan ng sinasabing maimpluwensyang bading. Dahil din daw sa sobrang pagmamahal niya kay Irish Fullerton, nagawa niyang talikuran ang sarili niyang pamilya sa Cebu.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name