Judy Ann Santos hires U.S. firm to lobby for "Ploning" at the Oscars

Nora Calderon
Monday, November 17, 2008 @ 05:20PM  |  22206 views

 

"Nang gawin namin ang Ploning, akala namin ay gagawa lang kami ng isang pelikulang naiiba at magugustuhan ng mga fans ko. Hindi namin in-expect na magugustuhan ito nang mag-screen para sa foreign-film category. Yun lang sinabihan kami na isa ito sa napili sa said category, isa nang malaking achievement ‘yon para sa movie. Kaya gumagawa kami ngayon ng paraan para nga makapag-lobby kami na maiboto ang Ploning," says Judy Ann Santos.

Photo By: File photo














Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann Santos sa launching ng Juday's Baby Line and Judy Ann Collection, in partnership with Scents & Blends. Ito ay ginanap kaninang tanghali, November 17, sa Secret Cafe ni Fanny Serrano sa Scout Rallos, Quezon City. 

Hindi ba nami-miss ni Juday ang Metro Manila Film Festival this year dahil wala siyang entry? Pagkatapos kasi ng magkasunod na taon na number one sa box-office ang kanilang mga pelikula ni Ryan Agoncillo sa Star Cinema—Kasal, Kasali, Kasalo (2006) at ang sequel nitong Sakal, Sakali, Saklolo (2007)—ay hindi mapapanood this year si Juday.

"Nagku-concentrate ako sa filmfest, ‘yon nga lang, sa Oscars!" napahalakhak na wika ni Juday. "Inspired kami [she and best friend director Dante Garcia] na magtrabaho ngayon para makalikom kami ng five million pesos, na kailangan namin sa pagla-lobby for Ploning sa Oscars sa February 2009. 

"Nang gawin namin ang Ploning," kuwento niya, "akala namin ay gagawa lang kami ng isang pelikulang naiiba at magugustuhan ng mga fans ko. Hindi namin in-expect na magugustuhan ito nang mag-screen para sa foreign-film category. Yun lang sinabihan kami na isa ito sa napili sa said category, isa nang malaking achievement ‘yon para sa movie. Kaya gumagawa kami ngayon ng paraan para nga makapag-lobby kami na maiboto ang Ploning."

Kumuha ba sila ng PR firm para mag-handle ng promotions ng Ploning?

"Yes po," sabi ni Juday. "Kaya nga medyo nadagdagan ang budget namin dahil mahal din po ang PR firm doon sa States. Pero okay lang dahil kailangang may mag-asikaso talaga doon. Mamaya may meeting ako, at doon ko malalaman kung aling PR firm ang nakuha namin."

Lumabas na rito sa PEP ang sinabi ni Ogie Alcasid na nag-imbita sila ng kasintahan niyang si Regine Velasquez ng mga kaibigan nila na puwedeng tumulong para makapag-raise ng funds si Juday. In cash and kind ang hiningi nilang donations sa mga invited guests. 

Magkatulong pa ngang nagluto last Thursday, November 13, sina Regine at Juday ng dinner para sa invited guests nila. Marami bang dumating?

"Marami po, and we're very thankful," sambit ni Juday. "Marami po kaming naipon na cash and goods na dala nina Jolina [Magdangal], Dingdong [Dantes], Gabby [Eigenmann], at iba pa naming friends. Naka-two balikbayan boxes din kami at may mga collections pa kaming kukunin sa ibang friends namin."

Paano nila gagawing cash ang mga donated goods sa kanila?

"Magkakaroon po kami ng auction sa Friday [November 28] sa Plaza Ibarra in Timog, Quezon City. Ang second auction ay sa Wednesday [December 3], sa Rockwell Tent in Makati City. Aalis po ako ng December 8 and I will stay in Los Angeles up to December 15 para tumulong kay Direk Ga sa kampanya para sa Ploning," lahad niya.

RYAN'S ARGENTINIAN CO-HOST. Sa sobrang busy ngayon ni Juday, hindi raw siya nagkakaroon ng time na mapanood si Ryan sa Pinoy Fear Factor ng ABS-CBN. Pero marami raw nagsasabi sa kanya na mahusay ang boyfriend sa paghu-host. Biniro tuloy siya na hindi pala niya nakita si Valeria, ang South American model na co-host daw ni Ryan sa reality show. 

"Alam ko ‘yon," sabi ni Juday. "Naitanong ko kay Ryan kung maganda ba siya, sabi niya, hindi raw maganda. So, okey lang sa akin ‘yon. May tiwala ako kay Ryan."

May nang-intrigang press kay Juday kung totoo nga bang pumasok si Valeria sa room ni Ryan sa Argentina.

"Ha? Hindi ko alam ‘yon, walang sinabi si Ryan! Hayaan n'yo, itatanong ko sa kanya!" natatawa niyang sabi.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name