Talent manager Becky Aguila files multiple cases against former aide Mel Pulmano

Roldan Castro
Tuesday, November 18, 2008 @ 01:07PM  |  33 views

 

"Masakit ito para sa akin, pero at the end of the day, yung mga taong humuhusga sa akin, kayo naman ang magdadala niyan, e. Basta ang importante sa akin, malinis ako. ‘Yan ang gusto kong patunayan sa korte," says talent manager Becky Aguila about the cases she filed against Mel Pulmano (inset).

Photo By: Noel Orsal (Becky) & GMANews.TV (Mel)














Idinemanda ng talent manager na si Becky Aguila ang kanyang dating tauhan at road manager-handler ni Jennylyn Mercado na si Rowena Mel Pulmano kahapon, November 17, bandang 3:30 p.m., sa Quezon City Regional Trial Court.

Patong-patong na kaso ang isinampa ni Becky laban kay Mel: 19 counts of Qualified Theft, five counts of Qualified Theft Thru Falsification of Documents, at Falsification of Commercial Documents.

Bago si Becky ay nauna nang nagsampa ng mga kaso si Jennylyn laban kayMel noong October 28. Nineteen counts of qualified theft thru falsification of commercial documents and nine counts of falsification of documents ang ikinaso ng aktres kay Mel.

Sa complaint affidavit na isinumite ni Becky sa korte ay nakasaad ang lahat ng kanyang mga reklamo laban sa dating staff. Kabilang na rito ang diumano'y tripleng pagbabayad ng agency niya sa isang talent, anomalous checks and check vouchers, anomalous petty cash vouchers, at mga forged signatures.

Nasa complaint din ang tungkol sa dalawang shows ni Joross Gamboa, na isa sa mga talent ni Becky, sa Angeles at Cabanatuan. Diumano, si Mel ang tumanggap ng bayad at down payment pero hindi raw ito nakarating sa manager at sa young actor.

Ayon kay Becky, nalulungkot man daw siya sa kinahantungan ng relasyon nila, dapat lang daw pagbayaran ni Mel ang kanyang mga ginawa, lalo pa't siya pa raw ang binabaligtad ng dating tauhan. (CLICK here to read related article.)

"May mga dokumento na magpapatunay ng inosente ako. Kaya kong patunayan lahat ‘yan sa korte. Hindi biro yung mapagbitangan ako na ‘mastermind' ng mga ginawa niyang kamalasaduhan. Hindi lang sa akin, hindi kay Jennylyn, kundi pati na rin sa maraming parents na niloko niya. At saka yung mga kaibigan namin na nagbibigay ng tulong," bungad ni Becky nang makapanayam siya ng press sa Max's Restaurant, P. Tuazon, Quezon City, pagkatapos niyang magsampa ng kaso.

Patuloy niya, "Masakit ito para sa akin, pero at the end of the day, yung mga taong humuhusga sa akin, kayo naman ang magdadala niyan, e. Basta ang importante sa akin, malinis ako. ‘Yan ang gusto kong patunayan sa korte.

"Kay Mel naman, kung ano man ang gusto niyang sabihin after nito, tigilan na niya dahil ang next venue ng whatever information na lalabas tungkol sa kasong ito is a court. Kung napaniwala niya kayo, siguro naman sa ngayon, nakita n'yo ang mga dokumento. Sana kahit papaano matimbang n'yo na kung sino ang nagsasabi ng totoo."

Handa na rin ba si Becky sa kontra-demanda ni Becky?

"Di mag-file siya!" buwelta ng talent manager. "Siyempre gagawin niya. Lahat nga ng bagay ginagawa na niya para masira ang credibility ko, e! Ang sa akin lang, kaya lang nagsasalita ako ngayon dahil masyadong naapektuhan ang buong pagkatao ko.

"Pati nanay ko, who is very sick, dinamay niya. Na ginastos ko raw ang perang kinuha niya para ipagamot sa nanay ko. My mom is a U.S. citizen and there's no need to spend even a single centavo coz the government takes charge.

"Kung ano man ang personal na bagay na ginagawa ko sa buhay ko, that's mine. Wala akong taong minalasado. She's answerable for that and she has to prove that in court. At the end of the day, it's not my fault, si Mel pa rin," diin ni Becky.

Kumusta naman sila ni Tita C, ang sinasabing negosyante na nag-rediscount ng mga tumalbog na tseke ni Jennylyn?

"Hindi ako nagpa-rediscount," sabi ni Becky. "I don't know Tita C. Pag okey na si Tita C at okey na rin ako...kalmado na rin ako, mag-uusap kami. Parehas lang naman kaming biktima dito. Ang kailangan siguro namin dito ay communication.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name