"I felt I was violated," fumes Rafael Rosell about the incident in the comedy show Banana Split, where he and fellow Coverboy Jon Avila were almost kissed on the lips by gay extras. Photo: Noel B. Orsal



Nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang diumano'y sama ng loob ng aktor na si Rafael Rosell dahil sa bad joke played on him sa taping kamakailan ng Banana Split kung saan isa siya sa mga guests.

 

Ayon sa isang report na nakalap namin sa isang nakatunghay sa insidente, si Raf, kasama ang isa pang Coverboys member na si Jon Avila, ay sinabihan diumano na hahalikan sila sa pisngi ng ilang bading.

 

Pumayag naman sila dahil kung sa pisngi lang ay wala silang nakikita at nararamdamang offensive doon. Pero, laking-gulat nila, lalo na si Raf, nang tangkain silang siilin ng halik sa labi ng mga bading.

 

Hindi raw sila nakakibo dahil very much aware sila na nasa harap sila ng kamera.

 

"I felt that I was violated," tahasang sabi ni Raf. "Hindi naman dahil sa hinalikan ako ng isang bading, kung hindi I was totally unaware of what would happen.

 

"Pinaramdam ko talaga sa kanila na hindi ko nagustuhan ang nangyaring yun. They sent feelers naman that they will talk to me [the producers and the director] personally para ayusin ang problema.

 

"To be honest, hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko, and who gave the instructions to those guys to kiss us on the lips instead of our cheeks," sabi pa ni Raf.

 

VIOLATION IS THE ISSUE, NOT HOMOPHOBIA. Nasabi namin kay Raf na wala naman sigurong maglalakas ng loob na mga bading na halikan sila on cam sa labi kung hindi malinaw ang instructions sa kanila, at kung alam nilang ikapapahamak nila yun.

 

"'Yun na nga, kaya hindi agad ako nakapag-react," pagtatapat ni Raf in a phone interview with this writer.

 

"And I can't just give statements 'cause ayoko ring lumaki ang isyu. Hihintayin ko na lang ang pakikipag-usap sa akin ng mga tao behind the show, kung bakit nangyari yun."

 

Kung babae ba yun at hindi bading, mao-offend ba si Raf?

 

"It's not really the issue, kung hindi yung sa palagay ko, nagkaroon ng violation, may malice yung joke, at hindi magandang joke yun.

 

"I can do gay kissing scenes sa pelikula, if my role requires it, in front of the camera. Pero, dapat yun ay handa ako. And I should be fully aware where I should come from sa ganoong sitwasyon.

 

"Hindi yung ganoon. Ano sa palagay nila ang magiging reaksyon namin? Na matutuwa kami kahit na alam naming may joke na ganoon na gagawin sa amin?" sabi pa ni Raf.

 

At wala naman talagang nakakatawa sa halik ng isang bading sa isang lalaki, di ba? Depende na lang kung ano ang intensyon ng gag na yun na hindi naman klaro kung maipalalabas sa Banana Split.

 

"Alam ko kasing iba ang magiging interpretation ng iba sa sinabi ko. Baka yung iba, sabihing homophobic ako. Again, hindi naman yun ang point doon.

 

"Kahit kaninong straight guy, palagay ko, kung matino siya, hindi siya matutuwa na basta na lang halikan ng kapwa lalaki o ng isang gay na hindi niya alam.

 

"Yung iba nga, baka manakit pa. Pero, hindi kasi ako ganoon. I just felt, may violation doon, and I find it foul," nasabi na lang ni Raf.

 

MALAYA WILL UNDERSTAND. Hindi kaya dahil sa protective siya sa relasyon nila ng girlfriend niyang si Malaya Lewandowski, member ng grupong Kool Chx?

 

"Malaya has nothing to do with this. If I kiss another guy on cam, she will understand that it's part of the job.

 

"In this case, sabi ko nga, there's a violation, and it's not part of the job. Palagay ko, kung mayroong hindi magandang nangyari, it's just normal and proper that I voice it out, at sabihin kong hindi ko nagustuhan yun," sagot na lang ni Raf.