Banana Split executive producer Janice Señorin says she's surprised at Rafael Rosell's interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) complaining about the attempts of the gay extras to kiss him and fellow Coverboy Jon Avila on the lips in one of the show's scenes. "Nakausap na namin si Rafael. Naayos na. Hindi na dapat palakihin," declares Ms. Señorin. She says they already spoke with Rafael, yesterday evening, and agreed that the said scene will not be aired.

Photo: Noel B. Orsal

 

"Nakausap na namin si Rafael [Rosell]. Naayos na. Hindi na dapat palakihin," deklara sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng executive producer ng Banana Split ng ABS-CBN 2 na si Janice Señorin nang makausap siya sa cell phone.

 

Nagulat nga ang executives at staff ng naturang show kung bakit nagpa-interview pa si Raf ng kanyang hinaing (read related article ) samantalang nakausap na nila ito kagabi, November 20. Napagkasunduan din na hindi na ipalalabas ang eksena na tinangkang siilin ng halik sa labi ng mga gays ang mga guests na sina Jon Avila, Will Devaughn at si Rafael nga.

 

Feeling ni Rafael ay na-"violate" daw siya sa paghalik ng mga extra na bading sa comedy show na Banana Split kunsaan tampok sina Angelica Panganiban, Valerie Concepcion, Cristine Reyes, Roxanne Guinoo, RR Enriquez, Princess Ryan at Dianne Medina. Napapanood ito tuwing Sabado, 9:30 pm pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya. Sa direksyon ng mag-amang Edgar "Bobot" Mortiz at Frasco Mortiz.

 

Ngayon lang may napikon at sumama ang loob sa mga "playtime" sa Banana Split pagkatapos mag-guests ang mga hunks na sina Diether Ocampo, Jake Cuenca, Gabby Concepcion, Sam Milby, Zanjoe Marudo at John Lloyd Cruz. Hindi naman kaila sa lahat na kasama sa format ng Banana Split ang pinaglalaruan ang guests at bahagi na rin ng show na ginugulat sila o pini-playtime.

 

Ani Ms. Janice, tapos na ang issue kay Rafael at mas gusto niyang ibalita na lang ang pagge-guest bukas, Sabado, November 22, sa Banana Split ng boyfriend ni Angelica na si Derek Ramsay.

 

Walang kiyeme nga at hinayaan na lang ni Angelica na paglaruan ng Banana Split girls ang boyfriend na si Derek.

 

Ipinahiram din ni Angel si Derek kay Roxanne sa isang sketch kunsaan ay gumaganap na mag-asawa sila. Magrereklamo si Rox na may mga sirang gamit sila sa bahay at gusto niyang ipagawa kay Derek. Ang problema nga lang, ayaw gawin ni Derek.

 

May Machete sketch din na tampok naman sina Derek at Angelica. Magiging isang estatwa (as Machete) si Derek na nabubuhay at nagiging bampira tuwing hatinggabi. Meron ding sketch na magkakakilala sa isang restaurant sina Angelica at Derek at magkakasabay silang magsalita at parehong-pareho ang mga sasabihin.

 

Nakakatawa rin daw ang eksenang mag-uusap ng straight gay lingo sa isang gym ang mga machong sina Derek at Kontin Roque habang pinapakinggan nina Angelica at Roxanne. Makakapareha rin ni Derek ang iba pang Banana Split girls na sina Cristine Reyes at Princess Ryan sa iba pang nakakatawang sketch sa show.

 

Plug na rin ni Ms. Janice, abangan din daw sa Banana Split ang mga episodes guests nila sina Luis Manzano, Pooh at Frank Garcia.