Newscaster Connie Sison and her husband Chris Escudero relaunched their restaurant Masas Filipino Cuisine in Greenbelt 2, Makati City. Chris says they want to reach out to more Filipino families who want to try Filipino foods with a twist.

Photo: Ruel J. Mendoza

Nakakatuwa namang makita ang mag-asawang nagtutulungan para sa kanilang tinayong negosyo. Kitang-kita nga ang pagiging abala ng mag-asawang Connie Sison at Chris Escudero sa relaunching ng kanilang restaurant na Masas Filipino Cuisine sa Greenbelt 2 in Makati City last November 19.

Ayon nga sa GMA-7 at QTV-11 newcaster na si Connie ay five years ago pa nilang sinimulan ang restaurant business na brainchild ng kanyang mister. Nasa food business kasi ang pamilya ni Chris kaya naisipan nilang gawin itong negosyo since mahilig din silang mag-asawang mag-eksperimento sa iba't ibang pagkain.

"Para sa amin ni Chris, food is the best business anywhere. Tayong mga Pinoy, we love to eat and we love to eat different foods. Gano'n kaming mag-asawa kaya bakit nga naman di kami magtayo ng sarili naming restaurant business, di ba?" sabi ni Connie nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Also, we want a restaurant na puwede sa buong pamilya. That we have food for every member of the family. Merong puwede sa mga bata at sa mga parents nila. We have a variety of foods for everybody."

Kinuwento naman ni Chris na kaya Masas ang pinangalan nila sa kanilang restaurant dahil gusto nilang maka-reach out sa maraming Pinoy families who love to try Filipino foods with a twist.

"Our food is a fusion of Pinoy and Spanish taste. We take the usual Filipino food and we add something to it to make it special. It's something unique and very affordable.

"We have food that has that spicy taste, we have sweet-tasting cuisine and that everyday grilled food that every Pinoy loves. In short, our food is not just delicious but healthy as well.

"That's why we had this relaunching because we have a new look and a new set of food that everyone will really enjoy tasting."

At bilang mag-asawa, may division of labor daw sila Connie at Chris sa pagpapatakbo ng kanilang restaurant.

"Since the restaurant is Chris's idea, siya ang head nito. He's the operations manager, business consultant and everything that has to do with the business. Ako naman as his wife, nasa likod lang niya ako. I believe that in every man's success stands a woman.

"My job basically is doing marketing and the PR since nasa media ako. I also entertain the patrons of our restaurant. I want to make sure na everything is going on smoothly with the business. Kung may problema or reklamo, I'm the one who they can talk to."

JUGGLING CAREER, BUSINESS AND FAMILY. Bukod nga sa pagiging wife, mother and business partner, busy rin sa kanyang broadcasting career si Connie Sison. She does GMA News Live everyday and she also does news reporting for QTV-11. Hindi ba siya nahihirapan to juggle both career and family?

"Hindi naman because both are very rewarding," ngiti niya. "I love the job I'm into. Hindi lang ang pagiging newscaster but being a wife, mother and business partner is a full time job.

"The secret there siguro is if you love what you're doing, nothing can go wrong. ‘Tapos I have my husband, my daughter, my family and my friends in and out of the business na nandiyan for me. So ano pa ba ang mairereklamo ko, di ba? The secret is just be happy with what the Lord has given you and things will get better every day."