May mga nagsasabi na gimmick lang daw ng comedienne na si Kitkat ang sinabi niya na ninakawan siya ng live-in partner niya for six years na si Alfred Santos Lumanlang. Ayon sa ilan, gusto lang daw kasi ni Kitkat na maging kontrobersiyal siya. Nagtagumpay naman daw ang gimmick niya dahil kabi-kabila ang publicity ni Kitkat ngayon at panay na rin ang TV guestings niya.
Ayon sa kuwento ni Kitkat, na huling napanood sa pelikulang My Only U, tinangay diumano ng boyfriend niya ang mga alahas niya at ang pera niya sa kanyang ATM card. (CLICK here to read related story.)
Nag-guest si Kitkat sa talk show ng TV5 na Juicy, hosted by Alex Gonzaga and IC Mendoza, kanina, November 23. Dito ay pinabulaanan niya ang paratang na gumigimik lang siya.
Sabi ni Kitkat, "Hindi ako gumigimik sa mga ganitong isyu. Maraming puwedeng maging gimmick ng hindi ganito, na sobrang... Ang sakit, di ba? Halos walang natira sa akin, e. Wala naman akong pakialam kung maniwala kayo o hindi. Basta ano, yung justice lang."
Tanong ni Alex, mapapatawad pa raw ba ni Kitkat ang ex-boyfriend niya kung sakaling humingi ito ng sorry sa kanya?
"Unang-una, kung in good faith siya, makikipag-usap muna siya sa akin, hindi kung saan-saan siya nagpupunta at kung sinu-sino ang mga kinakausap niya," sabi ng comedienne. "Kailangan resolbahan muna niya sa sarili niya kung... Explain niya paano niya nagawa sa akin yun, bakit niya nagawa sa akin yun. Makipag-usap muna siya. Pero siyempre, hindi pa rin natin masabi kung mapapatawad o hindi sa pakikipag-usap na yun."
Totoo ba na nadiskubre rin ni Kitkat na may asawa si Alfred?
"Oo," sagot niya. "Bukod sa pagnanakaw at kung anu-ano pa, may asawa nga siya."
Tanong naman ni IC, "Sa six years na yun, ever since college pa kayo, may asawa na siya nun?"
"Ang alam ko talaga, wala...separated, hindi makontak, wala, hindi mahanap. 'Tsaka sa six years na ito, lahat naman ng oras nasa akin. Kung ikaw ba ang asawa, sa six years laging nawawala ang asawa mo, siyempre hahanapin mo."
Hiningan ni Alex si Kitkat ng message kay Alfred.
"Alfred, puwede ka namang makipag-usap sa akin. Kung ano man itong gulong nangyari...lahat. Kung gusto mong ayusin, makipag-usap ka lang sa akin. Kung ayaw mo naman, puwede mong puntahan si Mario Dumaual [ABS-CBN entertainment reporter], sa kanya ka makipag-usap, ano ang gusto mong iparating sa akin. Basta makipagkita ka lang nang matapos ng lahat ng ito."
