Nang kumpirmahin ni Vina Morales na siya'y buntis, hindi man niya pangalanan ang ama ng ipinagbubuntis niya ay umalingasngas naman agad na ito ay ang businessman boyfriend na si Cedric Lee.
Kasunod nito ay ang paglabas agad ng iba't ibang mga kuwento na may kuneksyon sa kalagayan ngayon ni Vina. Nandiyan ang balitang nagbanta raw ng demanda ang legal na asawa ni Cedric, kahit na nasa proseso na diumano ang annulment ng kasal nito kay Cedric. At may lumabas din na statement daw diumano ni Cedric denying he's the father of Vina's baby. Labis tuloy itong pinagtakhan at ikinasama ng loob ng mga malalapit kay Vina.
When PEP (Philippine Entertainment Portal) and Cinema News Weekend Alert got the chance to interview Vina's younger sister Shaina Madayao, sa set ng Estrella, a horror movie under Star Cinema, agad namin siyang hiningan ng reaskyon tungkol sa mga isyung kinahaharap ng kapatid na ngayon ay nasa ibang bansa for a series of shows.
"Ever since naman kasi, yung business niya is sa kanya lang. Kasi ako naman, di ko naman mapapasaya ng ganun yung sister ko, di ba? Kung saan na lang siya masaya, dun na lang kami. Kami ng buong pamilya ko.
"Right
now, gaya nga ng sinasabi ko, di kami nagpo-focus dun sa mga negative things
kasi baka maapektuhan yung bata, especially, may edad na yung ate ko, baka kung
ano ang
mangyari sa pamangkin ko. Yung mga positive things na lang na mayroon
kaming addition sa family namin, na mayroon na naman kaming blessings. Yung
sister namin si Sheryl, may baby pa kami sa bahay, ‘tapos may padating pa uling bago. Sabi
ko nga, di kami nawawalan ng baby, go lang, basta di lang ako, sige lang."
Regarding sa sinasabing balak na pagdedemanda raw ng legal na asawa ni Cedric laban kay Vina at sa asawa, ito lang ang sagot sa amin ni Shaina.
"Hangga't
di nangyayari, I don't think dapat mag-worry. Puro sabi-sabi lang naman
ang lahat."
Shaina assured PEP na buo ang suportang ibinibigay ng buong pamilya Magdayao sa kalagayan ng kapatid, pero natutuhan din ng young actress na medyo i-detach ng kaunti ang sarili sa isyung ito para hindi rin siya gaanong maapektuhan pag may mga usap-usapang lumalabas.
"Siguro I'll be very affected if I'm really into it, kung talagang sine-search ko siya at tinutukan kung anuman ang nangyayari or naisusulat. Pero gaya nga ng sinasabi ko, di ako nagpo-focus sa negative things kaya di ako naapektuhan. I think nasa tao lang naman ‘yan."
"Kami
naman buo ang support namin kay Ate, kasi sinu-sino ba naman ang magtutulungan
kundi kaming buong pamilya rin, di ba?"
Nasa ibang bansa man ang kapatid for a series of shows ay siniguro naman sa amin ni Shaina na nasa mabuting kalagayan ito, lalo pa't kasama naman pala nito ang daddy nila para mag-alaga dito.
"Kailangan,
e, kasi may last series of shows pa siya bago manganak. She's with Ms. Kuh
[Ledesma] , nagtu-tour sila but she's with my dad naman, so, no worries. Saka
sinasabi naman ng doctor na if your body is sanay sa activities, di mo kailangang
itigil kung anuman yun [activities]. Yung mga friends ng sisters ko, maski
eight months nang buntis, malalaki na ang mga tiyan nila, nagdyi-gym pa rin
sila, though di na yung usual na ginagawa nila. Yung sister ko naman, di naman
super hataw na gaya ng dati. Hindi na siya tinatapon-tapon gaya ng mga sayaw
niya before sa ASAP."
Tinanong din namin kung anong gender ba ang gusto niyang maging pamangkin kay Vina.
"Maski
ano, basta healthy. Alam mo naman ako, basta bata kahit babae o lalake, okey
lang sa akin. At least madadagdagan ang pamangkin ko."
BIRTHDAY CELEBRATION. Shaina celebrated her 19th birthday recently. She spent her special day sa isang orphanage kung saan siya raw mismo ang nag-asikaso ng lahat. Ang nababalita namang special someone niya na si John Prats ay naghanda naman ng isang party for Shaina kung saan inimbita ang mga malalapit na kaibigan ng aktres inside and outside showbiz.
Kinuwento ni Shaina ang celebration niya with the orphans.
"Sobrang nag-enjoy ako kasi ako mismo, personally, yung tumawag, nag-set up ng clowns, ako yung bumili ng milk, ng diapers. Gusto ko kasi di ko party, party nung mga bata. I think kasi these days, imbes na ipam-party mo na lang, ibigay na lang sa mga nangangailangan. Actually, sabi ko before, sana out of the country, pero hindi rin, e. Mas maganda na yung ganito, at least napasaya ko yung mga bata.
As for John's party for her.
"Yung
party sa akin ni John, after yun ng birthday ko, he invited my showbiz and
non-showbiz friends. I appreciate it."
FAMILY AGAINST JOHN? Balita before na hindi raw boto noong una ang Magdayao family kay John para kay Shaina pero sa ngayon daw ay tanggap na ito ng buong pamilya.
"Wala naman akong nakakausap pa na anyone from the media hanggang ngayon. So, di ko alam saan nanggaling ang issue na ‘yan na ayaw sa kanya ng family ko. Pero, oo, okey naman si John sa family ko. Nakikita naman nila na mabuti naman yung tao, wala namang masamang intensyon sa akin. Ever since alam naman nila na kilala ko si John. Even before pa, bata pa lang kami nun, Marinella days pa lang. Saka di lang si John ang may kilala sa akin, kilala ko ang buong pamilya nila, kilala ko si Camille. Mabuting pamilya sila, so, I think walang masamang masasabi na anything against them."
MORE ON ESTRELLA. Ang Estrella
under Star Cinema ang pinagkakaabalahan ngayon ni Shaina. Kasama niya rito sina
Jake
Cuenca, Maja Salvador, Geoff Eigenman at John
Estrada. Agad namang nagkuwento si Shaina tungkol sa role niya sa nasabing pelikula at kung ano ang
dapat abangan dito ng tao.
"Ito ay horror movie from Star Cinema for 2009. I play the role of Ann dito. Mayroon akong trauma. Deep inside, weak ako pino-front ko lang na matapang ako. This is my first time to do a horror movie. Yung story na ginagawa namin ngayon is really different.
She expressed her happiness dahil iba't ibang roles ang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN at ng Star Cinema, dahil she can really show her talents and her versatility as an actress.
"Nakakatuwa nga na after Tanging Ina Nyong Lahat, may horror movie ako. In fairness naman, iba't iba ang ginagawa ko, natutupad naman yung hiling ko na di lang ako pa-sweet, pa-tweetums. I can say na nagkakaroon ng iba't ibang experiences yung showbiz life ko."
