Nag-guest ang komedyanteng si Dennis Padilla sa talk show ng TV5 na Juicy kahapon, November 25. Tinanong siya ng host na si Alex Gonzaga kung kumusta na ang annulment case ng kasal nila ni Marjorie Barretto.
"Okey na, tapos na! Naaprubahan naman siya nung June this year," pagbabalita ni Dennis.
Dagdag niya, "Ang nakakatuwa dun, nung ipinayl yun is June 12, which is Independence Day."
Single na ulit si Dennis kaya nagbiro siya sa televiewers ng Juicy kung gustong kunin ng mga girls ang number niya.
"Nagkakausap pa ba kayo ni Ms. Marjorie?" tanong ni Alex kay Dennis.
"Dati madalas kaming mag-usap pag tungkol dun sa mga bata. Pero ngayon, ang aming broker ay yung yaya. So kunwari meron akong message na ipaparating sa kanya, tatawagan ko si Yaya. 'Yaya, pakisabi kay Ma'am ganito. Blah! Blah! Blah!' Ganundin si Marjorie, ibinibilin din niya sa yaya kung meron siyang message," kuwento ni Dennis.
One year and seven months nang hiwalay sina Dennis at Marjorie.
"Siyempre, yung mga unang months, malungkot yun, sobra! Yung period ng depression ko, mahaba rin, malungkot," pag-amin ni Dennis.
Kung si Marjorie ay sinasabing may bago nang karelasyon, si Dennis din ay nakahanap na ng kapalit ni Marjorie sa puso niya.
"May girlfriend ako ngayon. Siguro I want her to be my last... Siyempre, 35 na kasi ako!" biro ni Dennis sa kanyang edad.
"No, I'm already 46. And I told her, ‘I want you to be my last,'" bawi ng dating konsehal ng Caloocan City.
Non-showbiz daw ang girlfriend ni Dennis.
"She's only 22. She's studying and working at the same time," banggit niya.
Dahil nga mas bata kay Dennis ang bagong babae na nagpapatibok ng kanyang puso, kaya nagbiro siya na dapat daw ay lagi siyang mukhang batang tingnan. Gumagamit nga raw siya ng cream na pampabata ng mukha.
