PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Charee Pineda receives her first acting award for indie film "Alon"

Charee is now more inspired to improve her craft after winning an award.
by Rose Garcia
Published Nov 29, 2008
"Hindi ko po talaga ine-expect dahil yung mga kasama ko po sa nomination, talagang mga multi-awarded actress na po sila. Feeling ko, hindi mapapansin ang acting ko. Siyempre, yung mapapansin yung mga multi-awarded actress. Pero dahil po sa tulong nila at ng director namin, napansin. Thank you talaga!" exclaims Best Actress winner Charee Pineda.

Hindi makapaniwala ang young star na si Charee Pineda na siya ang naparangalang Best Actress sa Cinema One Originals Digital Film Festival na ginanap kahapon, November 28, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Nanalo si Charee para sa independent digital film na Alon. Kitang-kita sa mukha niya ang labis na kaligayahan at ang pagka-surprise talaga na, at this point in her career, ay nanalo na siya ng acting award.

Ayon kay Charee nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), "Sobrang saya po! Tulad nga po ng sinabi ko sa speech, hindi ko po talaga ine-expect dahil yung mga kasama ko po sa nomination, talagang mga multi-awarded actress na po sila. Feeling ko, hindi mapapansin ang acting ko. Siyempre, yung mapapansin yung mga multi-awarded actress. Pero dahil po sa tulong nila at ng director namin, napansin. Thank you talaga!"

Ang trophy na natanggap niya mula sa Cinema One Originals ang very first acting award ni Charee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ito po talaga at sana po hindi ito ang last. Sana marami pa po ang sumunod," nakangiti niyang sabi.

Ipinalabas ang entries sa Cinema One Originals Digital Film Festival sa iba't ibang eskuwelahan sa bansa and will eventually have regular screenings in different theaters. Kaya ang karamihan ng nakapanood ng mga entry sa Cinema One ay ang mga estudyante.

Ano ba ang ginampanang role ni Charee sa Alon para siya ang mapansin among the lead actresses?

"Vanni ang pangalan ng role ko," umpisa niya. "Unselfish siya, tactless, minsan insensitive siya sa feeling ng iba. Pero as the story goes, makikita mo kung paano magma-mature si Vanni. Katulong siyempre ng mag-asawa sa pelikula, sina Tito Mark Gil at Tita Eula Valdes."

Sa trailer ng Alon, lumalabas na nagkaroon sila ng relasyon dito ni Mark, na siya namang nanalo ng Best Actor, ka-tie si Ronnie Lazaro para sa Yanggaw.

"Actually, meron po, pero nothing physical," sabi ni Charee. "Parang it's more of falling in love. Parang hindi pala imposibleng ma-in love ang isang 17 years old sa 47 years old."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikalawang independent film pa lang ni Charee ang Alon. Her first was Sisa with Jodi Sta. Maria. Kasalukuyan ding umiikot sa iba't ibang eskuwelahan sa bansa ang Sisa.

Ayon kay Charee, dahil sa pagkilala na ibinigay sa kanya, mas lalo pa raw siyang ginanahang umarte.

"Opo talaga!" sambit niya. "Parang mas lalo ko pong gagawin ang best ko para sa mga susunod pang indie films at ibang movie or ibang acting piece."

Mas natatandaan ng PEP si Charee noong nasa GMA-7 pa siya, pero ngayon nga ay isa na siyang Kapamilya. Kasama rin daw siya sa Utoy, isa sa mga shows ng ABS-CBN na matagal na ring naka-lineup na ipalabas.

What happened at bigla siyang naging Kapamilya?

"Nag-start po talaga ako sa ABS," paglilinaw ni Charee. "May offer po sa akin noon na mag-Star Circle Quest. Pero feeling ko, kesa mag-compete, e, may offer po sa akin na Let's Go [defunct gag show in ABS-CBN]. After po ng Let's Go, nag-offer ang GMA sa akin na teleserye.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Siyempre, teleserye, so parang big break na sa akin yun kung kaya't yun po ang pinili ko. Kaya lang, nagkaroon ng problema ang GMA at saka ang manager ko [Becky Aguila]. Kaya napunta ulit kami sa ABS-CBN."

Bukod sa pag-aartista, si Charee ay chairperson din ng Sangguniang Kabataan sa Barangay Parada sa Valenzuela. Nag-aaral din daw siya.

Ayon kay Charee, nakakaya naman daw niyang pagsabayin lahat.

"Hindi pa naman po ako ganoon ka-busy sa showbiz. At least, nagiging busy po ako sa SK at saka sa schooling ko po."

If ever na may mag-alok sa kanya ng mga sexy roles, papayag ba siya?

"Hindi naman ako against sa pagpapa-sexy," sabi ni Charee. "Pero for now, mas gusto ko muna pong mag-focus sa mga pa-tweetums na roles. Although, I'm not closing my door. Kasi ngayon naman, ang mga nagpo-pose talaga sa mga sexy magazines din ang napapansin."

Read Next
Read More Stories About
Charee Pineda, Alon
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko po talaga ine-expect dahil yung mga kasama ko po sa nomination, talagang mga multi-awarded actress na po sila. Feeling ko, hindi mapapansin ang acting ko. Siyempre, yung mapapansin yung mga multi-awarded actress. Pero dahil po sa tulong nila at ng director namin, napansin. Thank you talaga!" exclaims Best Actress winner Charee Pineda.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results