PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas admits "crush" on Robin Padilla

Ai-Ai answers The Buzz's "Tough Ten" questions.
by Glen Sibonga
Published Dec 2, 2008
"Isa ito na matinding sakripisyo kasi tao lang ako. Pangalawa, babae ako. Pangatlo, siyempre lahat naman tayo dumadaan sa ganung pagkakataon na minsan meron tayong gustong gawin na ganun, kahalay-halay. So, ‘yon. Sabi ko sa Kanya, ayoko muna," says Ai-Ai delas Alas about her vow of celibacy.

Sa segment ng The Buzz na "Tough Ten" last Sunday, November 30, isa-isang sinagot ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas ang ten toughest questions ng host at manager niyang si Boy Abunda.

Dressed in an all-white outfit with matching flamboyant hairstyle, inamin ni Ai-Ai na kinakabahan siya sa pagsabak niya sa "Tough Ten" ng The Buzz.

Pagkatapos niyang mag-promote ng pelikula niyang Ang Tanging Ina N'yong Lahat, na entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival, sinimulan na ni Boy ang pagtatanong.

Tough Question No. 10: Bilang reyna ng komedya sa kasalukuyan, kanino ka pinakanatatawa—kay Pokwang, Eugene Domingo o Candy Pangilinan?

"Doon sa tatlo... Kasi lahat naman ng tatlo na ‘yan ay may kanya-kanyang kagalingan sa pagpapatawa. And siguro sa kanilang tatlo, kay Uge [Eugene] kasi siya yung madalas kong makasama sa pelikula, sa show. Kasi si Pokwang, hindi pa naman kami nagkakasama sa isang pelikula. And si Candy naman, magkakasama kami sa One Woman Show. Si Uge, siya yung madalas kong nakakasama and doon mo makikita na nakakatawa pala talaga siya," paliwanag ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tough Question No. 9: Bilang isang ina, nakahanda ka na ba na isang araw, isang gabi uuwi si Sancho [Ai-Ai's eldest son] at sasabihin, "Ma, mag-aasawa na po ako"?

"Nakakaloka naman ‘yan!" tili ni Ai-Ai. "Siyempre ako, hindi pa ako handa. Kasi sabi ko nga sa kanya, marami naman ngayong paraphernalia [contraceptives] para hindi ka makabuntis. So, gawin mo 'yan kasi habang nag-aaral ka tapos nakabuntis ka, sira na ang buhay mo, sira na ang future mo. Kaya sa ngayon, hindi pa ako handa."

Tough Question No. 8: Kung nagkaroon ka ng isang secret love na aktor, paano mo siya ipapakilala sa amin sa pamamagitan ng isang blind item?

"Isa siyang juicy... In English juicy, in Tagalog masarap. Isa siyang lalaking kapaki-pakinabang. Walang pag-iimbot at buong katapatan. O, yun lang, Ama [tawag ni Ai-Ai kay Boy], tama na!"

Tough Question No. 7: Kilala ka bilang isang generous na tao. Sa mga nagdaang relasyon mo, ano ang pinakamahal na bagay na naibigay mo sa iyong karelasyon at kanino?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kotse!" sagot ni Ai-Ai.

Talaga? Kanino?

"Oo, sa asawa ko, sa ex-husband ko [fomer singer Miguel Vera]. At saka doon sa isa."

Kotse rin?

"Oo, at saka doon pa sa isa. Tatlo sila! Grabe! Sana ibalik nila yung iba!" sabay tawa nang malakas ni Ai Ai.

So, hindi puwedeng pangalanan?

"Ay, hindi puwede!" sambit ng komedyana.

Tough Question No. 6: Piolo, John Lloyd, Sam... Halimbawa, hypothetical lang ito, sino ang gusto mong maging asawa at bakit?

"Piolo Pascual!" mabilis na sagot ni Ai-Ai. "Para siyang pag tinitigan mo siya, para siyang Greek goddess..."

At biglang nag-react ang audience sa term na "goddess"...

"Ay, Greek god. Sorry, ano ba? Sorry naman. Para siyang Greek god. Puwedeng sorry? Sampalin ko kayo!" buwelta ni Ai-Ai na nagbibiro.

Tough Question No. 5: Bakit ka nag-commit sa vow of celibacy, o ang tuluyang pagtalikod sa anumang sexual activity?

"Actually, Ama, para akong tanga kasi ako hindi ko alam kung ano ang rason," aniya. "Pero kasi noong pumunta ako sa Vatican, marami akong hiningi ng tawad sa Panginoon. Marami akong pinagdaanan sa buhay. So, noong nag-usap kami doon, sabi ko it's about time na magbigay naman ako for You. Kumbaga, isang sakripisyo, bukod sa iba pang sakripisyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Isa ito na matinding sakripisyo kasi tao lang ako. Pangalawa, babae ako. Pangatlo, siyempre lahat naman tayo dumadaan sa ganung pagkakataon na minsan meron tayong gustong gawin na ganun, kahalay-halay. So, ‘yon. Sabi ko sa Kanya, ayoko muna."

Hanggang kailan ito?

"Hangga't kaya ko, Ama. Pero sabi ko sa Kanya, pag hindi ko na kaya, ‘Sasabihin ko sa Iyo, ha.'"

Tough Question No. 4: Dito sa The Buzz ay minsan nang nabanggit na merong isang taong super-special sa buhay mo na may initial na DM. Ang tanong, kumusta naman kayo ni DM?

"Ikaw ang nagsimula niyan, Ama, e. Ikaw ang nagsimula ng DM-DM na ‘yan," buwelta ni Ai-Ai kay Boy.

Pero kumusta na kayong dalawa?

"Okay pa rin. Masaya siya. Masaya din ako."

Tough Question No. 3: Ano ang itinuturing mong pinakamalaking pagkakamali mo sa iyong buhay at bakit?

"Sabi nila sa buhay ng tao, lahat ng na-experience ko there are lessons to be learned, kumbaga. Pero sana noong nag-asawa ako... Sana virgin muna ako noong ikinasal ako!" sagot ni Ai-Aik na ikinatawa ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ano ba, bakit ba kayo nakikialam?" patuloy niya. "Gusto ko yun, e. Di ba, Ama? Siyempre minsan gusto ko naman na maging malinis nang bonggang-bongga. Kaya nga naka-all white ako ngayon, e! Minsan lang luminis ako, di ba?"

Tough Question No. 2: Once and for all, may sama ka pa ba ng loob kay Robin Padilla kaya ayaw mo na raw siyang makatrabaho? Ano ba talaga ang totoo?

"Hindi," tanggi ni Ai-Ai. "Kasi noong nagsu-shooting kami noon, ng pelikula namin noon, ako lang yung nang-aaway sa kanya. Pero hindi naman niya ako pinapatulan. Away-awayan lang yun kunwari."

Pero friends kayo? Wala kayong away talaga?

"Oo, super friends kami. Wala kaming away. Sobrang gentleman niya. Kaya maraming nai-in love doon kasi mabait, gentleman. Kasi ako inarte ko lang ‘yon."

Na-in love ka ba sa kanya?

"A..." sabay tawa ni Ai Ai. "Ikaw naman, masyado mo akong binibigla, e!"

"Baka mahuli lang kita," sagot naman ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"A... ano, nagka-crush. Ang arte-arte, ang tanda-tanda na umaarte pa ng crush!" tawa ni Ai-Ai.

Tough Question No. 1: Malapit na ang Pasko... malamig na ang panahon, malambot na ang puso... kung meron kang nais batiin ngayong Pasko na hindi mo kinakausap at nagkakausap nitong mga nakaraang buwan, sino ito at bakit?

"Uhmm... wala naman na," sabi ni Ai-Ai. "Kasi yung noon na noon-noon pa, yung kay James [Yap, mister ni Kris Aquino] noon. Di ba, nag-sorry na ako sa kanya? Yun lang. Tapos wala naman na, e. Wala na naman akong kaaway sa industriya."

Ano ang gusto mong sabihin kay Kris?

"Kay Kris? A...," hindi agad nakasagot si Ai Ai.


Malalim na ang pinagsamahan n'yo. You have been very good friends. Pero dahil nga sa mag pagkakataon ay nagkaroon ng lamat na hindi n'yo naman parehong gusto.

"Oo. Wala, ano lang... Siguro yung mga lahat ng nangyari, nangyari yun kasi kinampihan ko siya, kasi kaibigan ko siya. And kahit ano'ng mangyari, kaibigan ko siya. And naninindigan ako na kaya ko nasabi yun kasi sa pagmamahal ko sa kanya as friend," mangiyak-ngiyak na sabi ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At pinuna ni Boy ang pag-iyak ni Ai Ai at sinabing, "Umiiyak ka. I know kung ano yung pinagdaanan n'yo ni Kris. I understand. Pero alam n'yo po mga kaibigan, lahat talaga dumadaan sa problema...'ika nga life is a roller-coaster ride. Pero I'm so proud na ang mga anak mo, Aileen [tunay na pangalan ni Ai-Ai], okay sila."

"Oo, Ama, and excited na sila sa Tanging Ina N'yong Lahat. Sabi nila, ‘Ma, nood tayo ng Tanging Ina.' Sabi ko, ‘Anak, sa 25 pa ‘yon,'" pasimpleng pagpu-promote ni Ai-Ai.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Isa ito na matinding sakripisyo kasi tao lang ako. Pangalawa, babae ako. Pangatlo, siyempre lahat naman tayo dumadaan sa ganung pagkakataon na minsan meron tayong gustong gawin na ganun, kahalay-halay. So, ‘yon. Sabi ko sa Kanya, ayoko muna," says Ai-Ai delas Alas about her vow of celibacy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results