Sampung taon na si Paolo Bediones sa industriya bilang isa sa pinakasikat at pinakamagaling na host. Sa pagdiriwang ng kanyang 10th year sa industriya, dumating kay Paolo ang pinakamalaking hosting job niya—ang primetime reality TV show ng GMA-7 na Survivor Philippines.
Kaugnay ng selebrasyon ni Paolo, isang thanksgiving party ang ibinigay niya sa entertainment press kahapon, December 2, sa Windmills & Rainforest restaurant sa Sct. Borromeo St., Quezon City.
"Thanksgiving ko ‘to para sa mga kaibigan natin sa press, sa media na sa loob ng sampung taon, hindi ako pinahirapang masyado. At talaga namang sinuportahan ako and they make sure that each and every time na mag-usap kami, magkita kami, I improve in one way or another," simulang pahayag ni Paolo.
Bukod sa pagpapa-raffle ni Paolo ng iba't ibang prizes, dumating din ang karamihan ng castaways na na-eliminate sa Survivor Philippines. Nakisaya ang castaways sa entertainment press sa ilang parlor games na inihanda ng staff ng GMA-7.
Naghanda rin ng isang audi-visual presentation ang GMA News & Public Affairs na nagbalik-tanaw sa sampung taon ni Paolo bilang host. Nagbigay rin ng mensahe ang halos lahat ng mga nakatrabaho niya mula nang magsimula siya: Ryan Agoncillo, Miriam Quiambao, Suzi Entrata-Abrera, Lyn Ching, Janice de Belen, Rufa Mae Quinto, Phoemela Baranda, Mariel Rodriguez, Regine Tolentino, Rochelle Pangilinan at Ethel Booba.
TEN YEARS & COUNTING. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Paolo kung ano ang pakiramdam niya na sa pagse-celebrate niya ng kanyang 10th year sa television ay kasabay pa nito ang tagumpay ng Survivor Philippines.
"Siyempre, sa kahit anong industriya, kapag tumagal ka ng sampung taon, maaari mong maipagmalaki yun. Pero excited ako sa darating kong mga sampung taon," saad ni Paolo.
Nagsimula actually ang hosting career ni Paolo noong 1996 sa Game Plan ng Probe Productions, na block timer noon sa GMA-7. Pero namahinga siya ng dalawang taon pagkatapos siyang masibak sa trabaho.
Pagkatapos nito ay kinuha siya ng GMA-7 upang mag-host ng Binibining Pilipinas noong 1998. Dito na officially nagsimula ang sampung mabungang taon ni Paolo bilang host.
Ang ilan sa mga programa niya sa Kapuso network ay ang mga sumusunod: Mornings@GMA, Extra-Extra!, Digital LG Quiz, Extra Challenge, Pinoy Meets World, S-Files, Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok, Whammy! Push Your Luck, at Survivor Philippines.
Marami pa bang gustong gawin si Paolo?
"Marami, marami pa kong gustong gawin. Siyempre, I wanna do another season of Survivor Philippines. I don't see any reason why GMA won't sign up for another season. At sana, ako pa rin ang kuhanin nilang host.
"I still wanna improve in my hosting, and I still wanna do more projects. Hopefully, another game show pa. I don't know if it's a franchise or what, but I wanna do a talk show one day kasi madaldal talaga ako.
"I want to professionalize yung teaching ko of hosting. So I have pocket seminars wherein I teach corporation, I teach school, pati yung mga nasa showbiz, like GMA Artist Center. Nagbibigay ako ng seminars, hosting as a profession. And I want to finish my book, hopefully, by March next year."
Paolo is currently writing his book, Hosting 101: A Hosting Manual.
"It's like an autobiography, but it has life lesson," sabi ni Paolo. "It has yung mga natutunan ko sa showbiz. Mga tips on how to enter showbiz. Mga tips if you want to enter a professional hosting at mga kuwentong hindi alam ng tao sa akin. Ako mismo ang nagsulat. Marami akong nakukuhang inspirations, maraming mga experiences, di ba? And hopefully next year, magawa ko rin yung dream project ko."
PAOLO'S OTHER TALENTS. Lingid sa kaalaman ng marami, Paolo may not be a professional singer, but he plays instruments and he can also compose songs.
"Hopefully magawa ko nga, which is a musical. Me performing with so many favorite artists. I'll be playing the keyboard or the guitar. I don't know if it's on DVD. I don't care if I have to sell it or not, but it's just something that I really want to do. My passion is for music talaga, and that's why I want to focus on that next year."
Marami pa ba siyang talents na hindi pa niya naipapakita?
"There are lots of talents and skills that I have na, hindi naman sa itinatago ko, pero parang ito ang bread and butter ko, e, yung hosting. So, kapag dumating na ang panahon na kailangan kong magpakita ng ibang side naman, then I will.
"Mahirap din naman kasi na ipakita mo na lahat ng puwede mong gawin, madali kang pagsawaan ng mga tao. Maganda na rin naman yung meron kang konting reserve kumbaga," saad ng TV host.
PAOLO, THE BUSINESSMAN. Paolo is also into business. Pero kumusta na nga ba ang aspetong yun ng buhay niya, lalo pa nga't nasangkot din siya sa intriga dahil dito?
"Well, maraming nangyari sa akin in the past na, siyempre, hindi maganda sa negosyo, at alam naman ng mga tao yun. Hanggang ngayon, ginagawa ko ang dapat gawin at kahit na hindi ako ang dapat managot, nanagot ako, yung mga ganyan. Pero ganyan talaga ang buhay. Ipinagdarasal ko talaga ang mga nagaganap.
"I hope, before the end of this year, maayos ng lahat yun. Lahat naman, nadadaan sa pakiusap, sa masinsinan na usapan. There is a point na, siyempre, napu-frustrate din sila dahil matagal na proseso, pero ganoon talaga. Wala akong tinatalikuran," pahayag ni Paolo.
Hindi rin daw maiiwasan na kahit hindi siya ang may kagagawan, siya ang naglalabas ng pera.
"Sa kahit anong negosyo naman kasi, kapag mali yung napagkatiwalaan mo, maaaring mawala ang pera mo, maaaring maragdagan. In my case, life lesson na yun, e. Sabi nga, if you're not responsible with the little that God has given you, how can He give you more? So, that's what I'm learning now. A simpler life and to be more responsible with what I have and to share more blessing."
May regrets ba siya?
"None whatsoever," sagot niya. "I mean, I've gone through practically everything. You can talk about intrigas, chismis, scandal, everything...and I'm still here. I'm still standing. I'm hosting Survivor Philippines, what more can I ask for? So, no regrets. It brought me to where I am now."
Dagdag niya, "May mga pagsubok, but it made me stronger. So, when there's a new trial, kayang-kaya mong tapatan. Kayang-kaya mong banggain kumbaga."
SURVIVOR FINALE. Speaking of Survivor Philippines, sinabi ni Paolo na hindi dapat ma-miss ang finale ng reality show na ito sa December 12.
"It can really be exciting. Isang napaka-emosyunal na Tribal Council ang magaganap. It's called the Final Tribal Council, wherein the eight jury members will be questioning yung final two. At yun ang sinasabi ko sa inyo, sumbatan na ‘yan, tampuhan, galit, lahat!"
At press time, apat na lang ang natitirang castaways: sina JC Tiuseco, Rob Sy, Cris Caratgenas, at Charis Yacapin.
MARRIAGE TALKS. Sa kabila ng pagiging matagumpay ng kanyang hosting career, tila hindi pa nababanggit ni Paolo ang paglagay sa tahimik o ang pagpapakasal. At his age, 34, and all his accomplishments, puwedeng-puwede na siyang mag-asawa.
"Well, ang gusto ko nga, ayusin ko muna ang lahat ng bagay-bagay sa mundo ko, sa buhay ko. Actually sa age, even 24 is a marrying age, 40 is a marrying age. Same way that you're never too old or you're never too young to learn or to study, or to go back to school either. You can even get married at 70," ani Paolo.
Hindi pa rin ba naayos ang dapat niyang ayusin?
"Well, hindi pa," pag-amin niya. "Sabi ko nga, one day na lang. Abangan n'yo at yun na ang announcement at yun na lang naman ang hinihintay."
Possibly next year?
"Well, who knows? Anything can happen. You leave everything to God and when He says, puwedeng-puwede na, I know God will give me a sign. I know it. I know it..."
Hindi pa ba naiinip ang girlfriend niya na si Abby Cruz?
"I don't think so," sagot niya. "Marami pa siyang gustong gawin. Ako rin naman, marami pa akong gustong gawin. And there's so many things pa talaga that will make you whole bago kayo mag-isang dibdib."
Pero sa palagay niya, si Abby na talaga ang makakatuluyan niya?
"No point in being in a relationship if you don't see yourself with the person for a long time. Pero, di ba, there's no point in being with someone kung wala kang plan na makasama siya habang buhay."
Lumabas sa isang showbiz tabloid na hinarang daw ng mommy ni Abby na si Mrs. Lei Cruz ang pagpu-propose ni Paolo ng kasal. Is this true?
"Not true, not true," paglilinaw ni Paolo. "Alam n'yo, ang mga tao kasi, sobra silang naka-focus sa negative and that's not true. I'm very close to the family and we talk a lot. We support each other. Yung spiritual growth namin in particular, naka-focus sila dun.
"Wala talaga kong masasabi. I mean, mabait sila and they are very generous with their time and their wisdom, Kumbaga, malaking bagay talaga itong mga nakaraang buwan. More than one year na kami ni Abby, so ang daming mga influence sa akin na maganda."
Pero nag-propose na ba siya kay Abby?
"No, never, never! Not true," diin ni Paolo. "When that happens, people will gonna hear from me. Alam n'yo naman ang mundo natin, maliit lang. Maririnig n'yo kapag may proposal at kapag ikakasal na talaga. At ako ang unang magsasabi sa inyo, don't believe anyone else."
Ayon daw sa mommy ni Abby, tipong ang feeling nito, masyado pang bata ang anak para magpakasal.
"Well, of course, mommy ‘yan. So, I respect her opinion and I respect yung decision niya. Kung feeling niya, masyadong bata, then masyadong bata pa. I can wait," nakangiting sabi ni Paolo.
